Ngayon ko lang na-realize na may igaganda pa pala ang mundo. Things are so much clearer now. Everything, much brighter, hindi nga brighter, mas brillo? (Kung may salita mang ganun). Opo, nakasalamin na ako. Ako na ang “The Man in Red Glasses” at ang may confession of an Ukayholic. (Kung may salita mang ganun),

iyan na po. Frames care of Mint at ang lense care of Dra. Dyosa of Executive Optical

August 22 nung ipagawa ko ito at ni pick up ko the next day at mula noon nag iba na ang tingin ko sa paligid. Nababasa ko na ang mga bagay na dati ay kailangan ko pang ikunot ang noo ko para maging readable. Nakakatawa nga, naglalakad ako sa mall, wearing the glasses at bigla na lang akong ngingiti nang malaki. My friends know how malaki ang malaki kong ngiti.

Never ko naman talaga gusto magsalamin sa takot na lalong lalabo ang mata. sa totoo nga, hindi ko inisip na malabo ang mata ko. So what made me decide to have these glasses. Birthday ni Mama Kat nung suot ko na itong red frame pero more of shades pa ang atake niya sa life. Tapos nakita ko si Markganda, friend from UP and UP Rep at may bago siyang reading glasses. Iyun, sabi ko, gusto ko rin ng reading glasses.

The next day, iyun, nag-isip ako. Kaya ko na bang lagyan ng harang ang mga mata ko sa mundo. Sige na, pag magbabasa lang naman. Pumunta na kao sa Executive Optical para magpagawa ng reading glasses. Pero ayon sa check up, hindi lang reading glasses ang kailangan ko. Mayroon daw akong astigmatism. Shet, siga pala ako, astig. Cheka. Sabi ko, “Doc, pero hindi ako religious, paano ako magkaka-astigmatism?” Hindi nagets ni Doc ang joke. Niweis, sabi ko, “Doc, pwede ba akong magka astigmatism kahit hindi sumasakit ang ulo ko?” Sabi niya, “basta dumodoble ang tingin mo sa mga bagay, iyun, may astigmatism ka na.” So bingyan na niya ng class cards ang mata ko, like grado. 200-175 yata. pero more on 200.

Well other than inggit, here are the reasons why i thought that i was really needing these glasses.

1. Wrinkles between eye brows. Palalim na nang palalim ang dalawang guhit sa pagitan ng aking kilay na dati naman ay wala. Ang dahilan pala ay reason number two.

2. Madalas mag-squink kapag tumitingin ng order sa fast food. Since nasa itaas ang menu nga Jollibee at Mc Donalds, i tend to squink while looking at the menu, thinking of what to eat. And yes, i know it is squint, pero mas nakakatawa yung squink, maypinagdaanan kami ng salitang ito dati. And these squinking leads to number three.

3. Sinasabihan na ako ng mga friends ko na, “malabo ba ang mata mo?” or “magsalamin ka na kaya?” At kung hindi ito ang sinasabi, number four.

4. I am judged, without them really knowing me from the inside, as in cornea level. “Ang suplado mo. Hindi ka namamansin.” Ganyan.

5. Or kung hindi man, maaaring mag lead na talaga sa judge dahil sinubukan ko namang mamamansin para hindi masabihang suplado, yun pala hindi ko kilala. Though hindi naman umabot sa away, bawian lang ng tingin, like tumitingin lang sa nature. Though there was this one instance, after jogging around UP, bumili ako ng water, and there was this lalaki na nakaupo kumakain. tiningnan ko. squinking. Tapos sabi ko. “Creepy itong ginagawa ko kung hindi kita kilala, ano?” sumagot siya. “Oo, kuya abet…” iyun. Mabuti naman at si Rhyan Rose.

Niweis, ito ang effect ng number five.kasama na ang jogging

jogging is good for your health also. (ampangit ng caption)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s