Pamantasan Hirang

Isa na namang pagbati ng CONGRATULATIONS. Mabuhay ang mga Iskolar ng Bayan at sa UP Pep Squad na muling pinakilala sa PIlipinas and the world ang pamatayan ng honor and excellence.

Talaga namang tutok kamini Euan sa panonood ng UAAP Cheerdance Competition 2011 na trending sa twitter with the hashtag #uaapcdc followed by the sponsored/commercialized version na nagtrend din which is the Samsung Cheerdance #SamsungCheerdance na trending din! THough nauna mag trend ang ibang schools, Nang nagperform na ang UP, wala na. UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, buung-buo nakasulat sa trending area. At bakit naman hindi, panoorin ninyo ang winning performance ng UP PEP SQUAD 2011!

http://www.youtube.com/watch?v=NmQNK19heSg

Pasensya na po sa mga mura. Tiga Marikina po ako. Pero nakakapamura naman talaga yung mabilisang pag-angat ng paa, na nagdeviate sa usual na balancing act with stretching na ginawa ng ibang schools. Ang best din nung friendship pyramid, yung may limang magkukumareng nagchikahan sa ere habang nakatuntong sa balikat ng mga friends nila. Parang reunion lang ng spice girls. At memorable din yung parang fireworks na pyramid, where everyone is leaning palabas. Basta, iyun ang three best moments sa akin. Ang galing. Nakakaiyak ang galing ng UP Pep Squad (or is that one word). Alam mo yung best na best. Perfection with an attitude talaga.

Iyun, pagkatapos ng perform nila. Parang alam na, hinahanap na ang second place. Pero hindi rin masasabi agad. Kasi sa list, susunod pa lang yung mga kilala sa pang-aagaw, ang FEU at UST. Kaso yung mga inaasahang magbibigay ng best, kitang kita sa TV ang pangangatog. As in may nginig factor ang mga girls na binubuhat. Kaya iyun. Third ang FEU, at ang UST, wala sa tatlong pasok. La Salle pa, though i like that they paid tribute to my hero, Andy Whitfield. Pero kung usapin naman ng pagbibigay pugay sa Hero, yup, UP gave it all to Madonna, ang icon ng mga bakla, pero more on the mutant hero ang atake e.

buhok pa lang, alam na kung sino
tight suit and platinum blonde, Hell yeah, Hail Hale Berry aka Ororo Monroe aka Storm

Pero dedma na. Parang gusto ko ulit magpakulay ng buhok.  Thank you UP for closing this baklang-baklang week. Opens with Shamcey, then to close UP Pep bagging the UAAP Cheerdance title once more!

Congratulations!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s