The Philippines is no Land of Opportunities

Ito lang ang nasabi ko sa rant ng mga tao sa likod ng camera na puro reklamo sa sistema ng industriya sa Think TV, isang facebook page/group that i am a member of. Actually, more of naisip lang than nasabi. Parang once lang ako nagpost ng comment sa site. Sige ako na ang apathetic sa mga concerns ng aking mga kasamahan sa indutriya, which include the  hindi makatarungang schedule, and the sobrang stressful management style, kawalang kwenta ng mga kwentong ipinapalabas, or to sum it all up, pagkita ng pera ang iniisip ng mga networks at bahala na lang kung ano ang mangyari sa production staff.

Yes i am pretty aware of that. Ang totoo, more than aware, naranasan ko ang lahat ng mga reklamong nababasa ko (or di rinlahat, wala akong alam sa charges ng mga prosthetic artists). Pero in general, kung kwentuhan lang, e masasabi kong wala kayo sa lolo ko. But i dared not talked about them. I love my work. I don’t wanna bite the arm that feeds me slash I don’t wanna get fired. Tama naman ang policy na huwag maglagay ng masasamang post regarding your work dahil pagmumulan talaga ito ng diskusyon. Or kung anoman, mahalaga sa net ang mottong think before you click. Wititit sa pagra-rant sa inanimate object.

High School Life Omay High School Life: Alfredo, Regina, Angela, Albert, Veronica, Julie, Anna Leah, Mylene, Arvie, Emilio

My Gad, i have a life, and a life support na kapag may mga carcinogenic emotions akong nararamdaman, e may masasabihan ako at magre-react. I have my friends to tell all the frustrations, not just in television but “in life in general” (anung kanta galing ito?). Hindi nga siguro singrami ng likes na makukuha, or sing witty ng mga comments na pinag-isipang i-compose bago i-enter, pero mas heartfelt, heartwarming at heart attack inducing.

But the Philippines in no land of opportunities. And I am reacting now, dahil ngayon lang ako naapektuhan nito.

Nung Sabado, lumabas kami ng mga barkada ko to celebrate Regina’s birthday among other celebrations in her life. Katatapos lang ng napakagandang kasal niya at mamahalin not to mention, at of course ang kanyang bon voyage. Iyun yung sad. Nalaman ko hours before the event na aalis na siya to Singapore. She’ll be joining her husband who has been working there na matagal-tagal na rin. Dadalhin niya ang anak niya.

Nasa bahay kami ni Hasmin nung nalaman ko iyun. Tapos after a while, nasa jeep na yata kami nung naramdaman ko yung lungkot. MMK moment siguro, yung parang naiiyak na lang ako habang pinupuno ng kalungkutan ang aking pagkatao. Sinabi ko kay Hasmin, “Nalulungkot ako, aalis na si Regina.”

Mabuti na rin siguro at hindi kami magka wavelength that particular moment. Sabi niya, matagal na naman gusto ni Regina iyun. Dati pa nga dapat siya umalis, pero walang papalit sa position niya… and so on.

Thanks hun for not supporting my selfishness. Because i was actually thinking of my sarili alone that moment. Nauna na sina Leah at Badong. Ngayon si Regina. Sino susunod? Si Vanny, Si Gong? I won’t enumerate you guys wala nang selosan pero sige lahat na kayo, magsilayas kayo. Iwan na ninyo ako! Pero tandaan ninyo, papaunlarin ko ang Pilipinas at kapag nangyari iyun, hindi ko na kayo pababalikin!

Well that’s the extent of my galit. Yun yung naisip kong ka-level ng papatayin kita or uubusin ko ang pamilya mo quotes from the movies.

Not that i am a malungkutin na tao, or clingy sa friendship, pero these people have been part of my life longest next to the Bautistas and Cruzes of Marikina. Tapos unti-unti na silang nawawala? I know hindi naman sila kinuha ni Lord, more of kinuha lang ng aliens tapos ibabalik din naman after the experiments, pero gaano katagal. Next time na lalabas ang barkada, masasabi na ulit ang “wala na tayong hinihintay, eto na tayong lahat.” This time, mas kaunti na.

At oo, si Gong, nakaplano na ring pumunta sa Singapore. Next year? Go.

I was actually planning to have this outburst nung na-meet namin si Regina. Pero the emotion died down. I was really just happy to see them. Nagtawanan lang kami, imbitahan sa mga next events dahil hindi pa naman talaga time ng paalaman. And i joke na magtayo na lang ng malaking business si Regina dito at palaguin namin. I-refund na lang niya ang gastos sa kasal niya para may puhunan. Pero joke lang iyun.

Our Last Beach Experience as of the Moment. Sa Laiya, Batangas! Yung mga wala, nasa abroad or busy sa life.

Because the Philippines is no land of opportunities. Our motto is opportunity knocks only once. At kapag na-grab na, papasukin na at ikandado, huwag na palabasin, kahit anong pagtitiis pa ang mangyari. Okay lang. Kahit hindi mo naiintindihan ang gusto ng amo (Either dahil foreign ang language gamit nila or nakakalimutan nila ang gusto nila the other day lang). Okay lang. Kahit hindi maka-celebrate ng Famealy Day dahil nalalayo na sa pamilya at mga kaibigan (applicable sa mga nasa Singapore at Dubai kong friends at sa mga mga nasa Manila pero naka lock-in nang isang linggo sa hotel around area). Okay lang. Okay lang lagi. Bawal ang hindi okay. Bawal sa soap ang hindi happy ending, at ang soap opera ngayon ang bagong bibliya nang bansa (Choose: Book of  Genesis o Diary sa Mara Clara).

That is why the Philippines is no land of opportunities and that’s not gonna change. Not with this post. Or with all the other posts in the Think TV page. And that’s okay. Dahil ang “puro ka salita” noon ay “puro ka like and comment” na ngayon. Iilan lang naman talaga ang tunay na kumikilos, at hindi ko pa sila kilala. And that’s okay. Kahit the Philippines is no land of opportunities, everything eventually and always turns out okay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s