Kung maliligaw ka sa kainang ito, dapat may baon kang kamera. Iyun ay kung first time lang talaga at maligaw ka lang sa lugar. Dahil para makarating doon, medyo naligaw lang talaga kami. Ang Pan De Amerikana ay isa sa mga tagong restaurant sa Marikina. Kung sa palagay, mo ay tago na ang Marikina, well, mas tagung-tago na ang Pan de Amerikana. Pero that’s among the fun things to do in this rustic restaurant. Other than kumuha ng mga pictures, maglaro ng tagu-taguan.

Kumusta ang food?

Maganda ang ecclectic na lugar. Stand out ang addres nilang 92 Ordonez St. Concepcion Dos, 1800 Marikina, Philippines, dahil sa labas pa lang, may ganap na. More of rustic ang place dahil sa mga furniture nitong gawa sa puno. And when i say gawa sa puno, hindi pa siya nagawang kahoy, parang puno, putulin, naging lamesa at upuan na. Naging ecclectic lang siya dahil medyo huma-hodge-podge ang iba’t-ibang design elements na parang galing sa ibang panahon. Maayos naman ang pag-merge ng mga elemento. Kaya check.

Food… May malaking chessboard na stand out sa lugar. Parang ito ang highlight ng pagbisita sa Pan de Amerikana. Pwedeng laruin, kasi parang kumpleto naman ang mga chess pieces. Walang table sa lugar na ito, so kung walang nagpi-picture-an sa area, pwedeng laruan. Sa tapat ito ng isang parang greek stage, na may feel ng orchestra. Provided this, magandang venue ang place for events as well.

Sige na nga, yung food, breakfast kasi ang pinunta namin. Masarap naman ang tinapay nila, Wheat Bread na pandesal. Pwedeng lagyan ng palaman, maytinda silang Reno Liver Spread. The Caesar Salad is momorably forgettable. The coffee is normal, okaylang. huwag na maarte sa bente pesos. Their hot choco is Swiss Miss. Maliit ang presyo ng rice meals nila, though maliit din ang serving. Maliit din ang lasa.

Pero iyun, bibigyan ko pa ng isang chance ito. Try ko namang hindi breakfast, baka iba rin ang atake.

Pero dahil sa masayang picture-an. At sa libreng wifi, I’ll still give it a four stars. Babalik pa talaga ko dito nang maraming beses.

ReviewReviewReviewReview

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s