Celebrations: The Other Signs of Ageing

Ang uso ay karaniwang bagay na panglahat, pero may mga uso na very specific sa pinagdadaanan ng mga taon of the same age bracket, at ito ang mga signs of ageing, mga tanda ng pagtanda, mga bagay na kapag dinaanan mo na, okay, next phase na ito ng life. Mga events ito na pinagdadaanan ng mga magkakaibigan/magkaka-batch. Hindi ko pa kumpleto ang mga ito. Dahil siguro bata pa ako. Pero kung may maidadagdag kayo, okay lang naman, aaralin ko at isasama sa comprehensive list someday.

Ito pa lang yung mga napili/naranasan ko na kapag na-use in a sentence, pwede nang mag statement na may “antanda.”

 

Tule/Regla.

tuleng pukpok

See, wala akong alam sa regla, pero alam kong sa panahong ito, simula na ng pagdadalaga or pagbibinata. Pero hindi muna ako magdu-dwell dyan. Medyo pisikal na aspeto ito ng katawan at si God ang nagtakda ng mga kaganapang ito. So let’s focus on panahong pinag-uusapan ang tule or the lack of it. Kapag common nang usapan ang mga tinaguriang private areas, medyo nume-next phase na ang edad natin. Simula na ng mga milestones.

Nung edad ko, yung mga kaibigan ko sa age bracket na ito ay nagtuturuan kung paano mag-jackol. PWede i-milestone iyun over tule, cince maganda celebration iyun. Pero hindi ko gagawin dahil hindi nila ako sinali. So use antanda in a sentence sa age na ito na agad tayo.

“Nagblood compact na daw si chumembolin. Antanda na niya.”

“Antanda na natin, dapat na tayong magpatuli.”

 

Curfew and Sleep Overs

nung nag-overnight kami sa bahay ni Julie nung highschool, pinanood naminang pelikulang ito. Unang eksena, susong bumalandra

Iba ito sa curfew noong martial law, or curfew sa mga lugar na sinosona. Wala itong kinalaman sa batas ng diyos o ng tao. More of batas ni inay lang. (Parents are demigods, but neither gods nor demi). May ilan-ilan sigurong nakaranas nito sa elementary at mas madalas sa college, pero ako, Highschool ko unang narinig ang salitang ito at na-experience.

Kasabay na rin nito ang mga sleep overs, kasi kesa umuwi, mas safe na matulog na lang sa house ng classmates. Pwedeng-pwede ito sa mga dahilan ng projects at reports. Though more of fun-fun lang. Pero yung iba, KJ ang parents kaya sinusundo.

“Vanny, nandyan na sundo mo. Antanda mo na sinusundo ka pa?”

“Ma, okay lang, antanda na namin, alam na namin ang ginagawa namin.”

 

Debut

Go na tayo sa mga totoong sine-celebrate

Ito na yung paghahanap ng formal wear ng mga lalaki at mga dress para sa mga babae. Syempre, para sa magde-debut, paghahanap ng gown, ng escort at ng budget. Though sa panahong ito, more of praying for budget na muna from the parents.

Typical conversation here yung “Tapos na si Richelle. Sino naman ang susunod na magde-debut.” Atsaka “anung regalo natin?” “Panty.”

Sa edad na ito, na karaniwang sa college nagaganap, ay senyales na ng indepencdence. Unlike sa mga field trips, hindi na sumasama dito ang mga magulang totally. At maging ang desisyon sa mga isusuot ay nasa bata na rin. Dahil sa kadalasang gabi ito gaganapin, ka-level na ito ng prom. ISasama ko sana ang Prom sa listahan, pero school kasi ang nagde-decide nun, paano naman ang out of school youth. At least yung mga mahihirap, isang experience ang debut kahit sa panaginip lang. Pero hindi ko talaga sinama ang prom dahil wala naman kaming prom noong high school.

“18 na tayo no, antanda na natin.”

 

Kasal

matanda ka na kapag uma-attend ka na ng kasal, pero mas matanda ka na kapag ang anak mo ay isa sa mga bearers. si euan ang nasa pinakaharap. ang anak ko.

After this phase, medyo nagiging religious na ang mga tao at napapadalas na sa simbahan.

Medyo may hawig ito sa debut, pero sa panahong ito, mas may edad na ang mga tao. Medyo same problems. Paghahanap ng church, gown, caterer at asawang nmagbabayad ng kasal, para sa bride. Para sa bridesmaid naman, paghahanap ng budget kung hindi sagot ng bride ang costumes ng entourage. Para sa common attendees, yung ganda lang at regalo. Mas mahal na ang regalo dito dahil nagsisimula na ng pamilya ang nagce-ce;ebrate, at ito rin ang panahon na marami na ang nagsisimulang magpamilya talaga sa batch.

Actually, kapag napapadalas na ang pag-attend ng kasal, medyo nag uunahan na ang mga tao dahil alam naman natin na ito ang start ng biyahe sa linyang nahuli sa biyahe. Dito na rin ang linyang.

“Itigil ang kasal.” (Kung soap opera ito)

“Ang swerte niya sa napangasawa niya, para na siyang nanalo sa lotto.” (Kung matanda ang nagsasalita)

“Ako kaya, kailan ko mahahanap ang papakasalan ko.” (Sa sarili)

“Kinakasal na si Regina at si Sarah. Napagiiwanan na tayo. Shet, antanda na natin.”

 

Binyag

 

Pwede alternate ito nung kasal. Medyo magkaedad ang mga taong nagce-celebrate nito. May mga friends kasi tayong pwedeng i-tag sa post na naaksidente, kaya nagkaanak, at meron din namang kahit sinasadya na dahil kasal na e hindi pa rin makabuo, so nagpakasal na lang. So which is which is which. Sa case ko, is which, medyo sabay kasi, walang isang taon ang pagitan, dahil nandun ako sa aksidente part yung pagkakaanak. But let’s not dwell on that, i love my bebeboy.

So iyun na nga, ito na yung panahon na nakikilala na ang mga gustong maging nanay at mga gustong maging career woman. Pero set aside muna ang mga ganitong feelings sa araw ng binyag, dahil sa celebration na ito, isa na namang linya ang maririnig,

“Napapadalas na tayong magninong ah. Shet, antanda na natin.”

 

Despedida of a Friend

ayoko ng event na ganito

“Shet antanda na niya, iiwan na niya tayo.”

 

Reunion

ang aking Sto Nino Elementary School family.

Ibig sabihin lang, roughly ten years na ang lumipas.

“Kailan nga ulit tayo huling nagkita? Shet, antanda na natin.”

 

Death of a Teacher

Dati ko pa talaga naisip na gawin ang post na ito, pero sige na nga, ginawa ko na ito dahil nasabikong, “shet, namatay na ang mga teachers namin, tumatanda na kami.” In memoriam muna ito sa mga guro kong sumakabilang buhay, since katatapos lang ng World Teachers’ Day. Si Ma’am Mendoza, teacher ko sa Filipino nung second year at Ma’am Victorino, PEHM teacher ko nung highschool na pinuntahan namin nung weekend.

Lagi namang mas matanda ang mga teachers kesa sa mga students, maliban na lang sa special cases, at sa mga kasong iyun, babawiin ko ang statement na ito. Though let’s focus muna sa mas matanda muna silang lahat na teachers over us. Iyun, kapag nangamamatay na sila, ibig sabihin, may isang generation na na nawawala. At kapag may nawala, may papalit, so generation ko na iyun.

Last weekend nga, iyun, napagkwentuhan namin ang mga teachers ulit namin nung highschool and i said, sino na kaya ang susunod. Well, that was a creepy comment. Medyo na-offend nga yung higher batch namin na bisita. So since charming ako kahit taklesa, iyun bumawi na lang ako na. “It’s okay. All teachers die eventually.” Though parang hindi ako nakabawi, kasi other than sa mga students na bumisita sa wake/lamay, the other half are colleagues of the pumanaw, which are teachers. Sana na lang, hindi nila narinig.

“Nawawala na ang mga teachers natin. Shet, antanda na natin.”

 

Death of a Parent

Buhay pa po ang parents ko, at wala po akong balak na maulila sa kahit isa sa kanila anytime soon. Please, god, wag muna. Pero iyun, ito na yung panahong nangamamatay na ang mga magulang nung mga kaibigan nating bunso sa pamilya. (Yes, nakalusot ako dahil panganay ako.) Or kahit hindi bunso, kahit yung mga may magulang na late na nagkaroon ng anak.

Isa sa mga phase ng mga magkakaibigan ay yung pagdalaw at pakikiramay sa kaibigan nilang nawalan na ng magulang. And let us focus dun sa  dahilan ng “of old age” muna, huwag na muna yung tinambangan at in-ambush aspect. At habang napapadalas ang pagbisita sa mga ganito, ibig sabihin ay mas tumatanda na tayo.

“Condolence po. We’ll pray for you.”

After ng prayer, nag-antanda.

 

Iyun muna pa lamang ang mga napagdaanan ko at na-attend-an na celebrations. Fell free to add, dahil gusto ko talagang malaman ang iba pa at makagawa talaga ng listahan. Thanks. Gawin na natin ito, antanda na natin.


 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s