Euan Morning

Get’s n’yo Euan Morning (One Morning kunwari). Niweis, tama na ang katamaran, yung post lang ng post ng mga pictures at reblog lang nang reblog from Tumblr. Maging Relevant naman at panahon na ara balikan ang mga nakalimutan ng posts na dapat ay noon pa ginawa. Like this one. September 17, 2011 pa ito planong mailagay. So let’s start.

Isa ito sa mga dates namin ni Euan na kami lang dalawa. Hehe, Father and Son Bonding kumbaga na pwedeng lagyan na sound track na it’s not time to make a change. Medyo promise ko kasi kay Euan na lalabas kami or aalis ng bahay once a week, kundi man pupunta sa lola niya sa Sto Nino, or kakain sa Mc Donalds, e bibili kami ng cars niya sa mall.

This particular Saturday Morning e ito ang pramdam niya.

Keeping his old cars

So final na, Since, tinatago na niya ang luma niyang cars, at binabalot pa sa lampin, dahil baka maihi, iyun, we ought to buy a new car. Pero car-car-an lang ito. More of Hot Wheels. Tatlo lang naman ang pinagpipilian niya, or ini-impose kong pagpilian niya. Hot Wheels, Matchbox at Tomica.

The plan was to go to the mall, Robinsons Metro East. Punta s Toys “R” Us. Bili ng car. Uwi. So parang bibili lang kami ng suka, na one ride away. That’s the plan. But no. May event. At ang event, naku, gustung-gusto ni Euan.

Amazement much

May Motor Madness sa mall kung saan naka exhibit ang mga trains, cars, helicopters at mga tracks na check na check ni Euan. Gulat lang ang bebe ko kasi larger than life ng mga toys niya ang nasa area. Matroon na kaming mga ganito, pero um-OA ang naka display.

Tomica trains and tracks

THis one we have, medyo one fourth na ng bahay namin ang naiikutan ng track namin nito, at ang bahay namin ay may kalakihan, pang upper middle class, ganyan. Pero flat lang. Itong bumulaga kay Euan, mas malaki pa sa kanya. At kahit buhatin ko siya, Hindi namin kita ang itaas.

mas mababang track

Kaya dun na lang kami sa mas madaling abutin. I Dont know what brand this is, pero meron na rin kaming ganito. Flat din. HIndi layered. Pero kita naman sa mata ni EUan kung gaano niya ka bet ang mga trains and tracks.

CAT trains

Meron din nilabas ang Caterpillar trucks na train. Okay din naman. More of trains ang inuna ni Euan tingnan.

Tomica Hypercity

Then we go to the Tomica Hypercity collection. Itong nasa foreground ang nagpatalon kay Euan last Christmas. Ito yung gift namin sa kanya. medyo matagal na nakabalot kaya nung finally, na-open at nakita niyang ito yung pinapanood niya sa youtube, nagtatalon si bebekonglove. Yung tatlo sa likod ang ina-eye namin this Pasko.

Tamiya - Buhay!

Or not Tamiya. Pero ito yung craze nung kabataan ko. Iba na yata itong brand ngayon. Gulat na gulat si Euan sa bilis nung mga cars. Nahihiya pa nga siyang kunin yung mabilis na umaandar. Tinuturo niya sa akin., E since demo ito, hinuli ko yung isan g mabilis na kotse tapos iniabot ko kay Euan. Aba, natuwa. Ako na ang siga. Ahahahaha. Hindi ko tinitingnan yung mga nagco-control ng event, para hindi ako paghinalaang nananantiya ng ginagawa ko. Isa iyun sa steps ng pagiging confident. True enough. In-entertain nila ako at tinuro pa sa amin ni EUan kung paano gamitin ang mga cars.

chopper

And then there was the helicopter. Medyo mataas at hindi abot ni Euan, kaya nagpaka diva si Daddy at bu=inuhat ang anak at ipinatong sa patungan. Ayan tuloy si Euan at parang si King Kong na guguluhin ang mundo. This is actually a remote control helicopter. Nung nakita nung nagde-demo na tuwang tuwa si Euan, e iniabot niya yung remote. THough parang ginawa lang niya iyun para ibaba ko sa display ang anak ko. So I did, sensitive naman ako. TAps iniabot sa akin ang remote. Sabi niya pa-try ko daw sa bata. Iniabot ko naman ang remote kay Euan. Ang galing kasi nasa ere yung helicopter, napapalipad ko, tapos nung iniabot ko kay euan. hidni niya ginalaw. Biglang nag-dive pababa yung chopper. Hahahahaha. Partang tutubing naputulan ng pakpak yung laruan. MAbuti naman at hindi nasira dahil wala akong budget for that.

Hot Wheels

Tulad nga ng sabi ko, parang bibili lang kami ng suka, it’s just that kotse-kotsehan ang plano namin taht day. So we did. Ito, siya na rin naman ang pumili niyan. Para naman madagdagan ang mga race cars niya. Medyo pahinga muna siya sa mga trucks.

Well, iyun naman. Kaya ko naman ginawa ito dahil malapit na ang CHristmas. At the very particular least, e magkaroon na ng idea ang mga ninong at ninang ng mga maibibigay kay Euan. Try ko picture-an na rin ang mga cars niya para hindi ma-doble if ever ang regalo. Cheka lang. Or hindi rin. Ahahahaha. Basta alam na ninyo yan. Basta, next month ha. December na. Walang taguan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s