One River, One Run 11-20-2011

Maku-kwento ko na sa anak ko, the very moment ma-discover niya ang Guiness Book of World Record, na Record Breaker ang tatay niya. HIndi dahil ako si Sarah Geronimo, but because part ako ng 2010 Run For the Pasig River kung saan we reached one hundred sixteen thousand eighty six (116,086) runners breaking the 20-year old world mark for the “Most number of participants in a racing event.” Fact yan. at mahalaga ang fact na yan this year dahil part ulit ako ng event. Hindi bilang runner, pero bilang writer.

It was actually the plan. We were to register dahil isang elevator lang naman plus apat na swipe ng id ang layo ng Dolphy Theater sa floor namin. Ang kaso, tumawag si Jefp, member ng ABS-CBN Special Projects Unit. Niyaya kami ni Melo na sumulat for the event. Bawal tumanggi sa grasya, opportunity knocks only once, though itong si Jefp, nakaka twice na kaya grab lang nang grab. Kaya iyun. Attend muna kami ng meeting at masaya naman at may na-meet kaming bagong mga tao.

sequence treatment

Pasabog ang roster ng mga hosts. Pero last monument, nabago ang mga iyun. Mine became Onse and Ahwel. Onse has become a friend after the weekly meeting namin sa taping Banana Split. Pero kahit nag-iba na ang expectations, marami pa rin palang perks ang pagiging part ng event.

Nagulat lang kami nung una na kahit 4:30 ang gun fire, 4:00 ang call time. 4pm ng day before. Wala na palang uwian ang event. Pero maganda na man ang tinuluyan namin at kasabay na nito ang sunud-sunod na mga perks.

perk no 1: Midas Hotel

We were house in sa Midas Hotel, malapit na sa CCP kung saan mag-start ang 3k race kung saan ako magpo-floor. Anlakas maka upper middle class ng hotel. MOre than that, may libre pang shirt from boardwalk. Wala nga lang kaming singlet like last year, pero wag na choosy.

Perk no. 2 Onse and Ahwel

Ansaya lang ng umaga kasama itong dalawa. sobra makapag warm up ng mga tao. At ang best ni Ahwel. Forever ko nang matatandaan ang hirit niya sa crowd. Habang hinihintay natin ang takbo, maglaro tayo. The Boat is Sinking. At ito ang crowd.

the 3K crowd
medyo na-delay ang start ng takbo dahil sa walang tigil ang pagdating ng mga runners
Morning Cirrus Cloud

After nung gun fire, pumunta na kami sa rendezvous ng mga runners. Aminin, tama ang speling ko. Iyun, medyo maliwanag na rin nang makarating kami dun at may crack na sa langit, like the picture above.

Pero kahit umaga na ay umulan pa rin ng mga stars.

Perk no 3: celebrity/ies Karylle and the Itchyworms

Karylle and Matteo Reparte

Hindi naman talaga stars like the Stars for All Season and her colleagues (Umf, tama na naman ang speling ko). Mga celebrities lang. Napadaan sina Karylle at Matteo Guidicelli. Nandun din ang Itchyword, Ney the Band, si Marcelito, K-La. Pero ang best part ay ang mga Ms Earth contestants.

Athena Imperial, Miss Philippines Earth 2011
Ms Earth 2011 candidates
Melo takes a pose with Ms Colombia

Magsinsaya lang din pala ang tumakbo at ang maging bahagi ng mga event organizers. Sadly, more than minus the running for us, it was minus the record-breaking goal din. Hindi na-achieved ang 150K target runners at hindi rin naibagsak ang 116K record. 86,547 runners joined the fun run this year.

Pero higit naman sa Guiness, mas goal naman yata ng event ang makalikom ng anda para sa rehabilitation ng Pasig River, and that 86,547’s contribution will be a great help.

Ang pasabog nga lang nito ay ang plano next year. Parang gusto ko nang tumakbo ulit. the Run for Pasig River enroute in EDSA.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s