Dos

High school ako nung magdecide akong mas gusto kong best national hero si Ka Andres more than Jose Rizal. Mula nang hindi pasabugin ni Mang Jose ang bomba sa piging, alam na, matalino lang siya pero hindi siya A-tapang A-tao.

Andres Bonifacio, A-tapang a-tao!
A-putol a-kamay, hindi a-takbo!
A-putol a-paa, hindi atakbo!
A-putol a-ulo, hindi a-takbo!
A-putol a-

Let’s not go there, it’s a little like gadafi.

Niweis, college naman ako nung mag-decide akong parang hindi ko na rin gusto si Ka Boni. Isa kasi sa mga history class ko, or kung naumang discussion sa UP ang nagsabing walang war na naipanalo itong founder ng Katipunan. I don’t know how true is this, pero alam naman kasi natin na ang kasaysayan ay kasaysayan lamang mula sa punto de vista ng naghaharing uri. Hindi nga natin alam kung paano titingnan ng kabataan thirty years from now ang pagkapresidente ni GMA.

Let’s not go there, nakakasakit ng batok… or leeg. I need a neckbrace.

Iyun, bahagi ng mga hindi totoong bahagi ng kasaysayan ay ang mga moments na nagtinda ng pamaypay si Ka Andres maging ang pagiging buhat niya sa mababang uri. May nagsabing middle class naman talaga siya. Sensationalized na lang ang mga anecdote niya katulad ng tsinelas ni Rizal. Wala naman talagang makakapagsabi kung totoong naganp ang mga ito. Pero tulad nga ng mga nangyayari ngayon, mas maganda paniwalaan ang mga mas exciting na katotohanan kahit partly true lang ito. Boring kasi iyung “yun na” approach. parang wala nang room for conversation. Maganda yung may apoy, may spark, may room for opinion. Like the break up of KC and Piolo.

Let’s not go there, anlakas maka third party… or third sex… but then again, what is the first and second sex?

But whatever the truth is, maganda ma-inspire sa mga nais pasimulan ni Bonifacio over sa gustong mangyari ni Rizal. I love war, because only then could we attain peace. Hindi pwedeng kalimutan ang nakaraan, kailangan pag-usapan para matutunan kung saan nagkamali. At kung hindi makuha sa mabuting usapan, giyera na. Lipulin ang kasamaan, hindi pwedeng palitan lang ang nasa itaas, dahil ang mga directly nasa ibaba ay ko-control lang din sa papalit sa pinalitan. Ika nga ni Sura,  asawa ni Spartacus, “kill them all!” Shet, ang war freak ko.

But let’s go there. Dahil that’s the only way we can show that we love our tinubuan lupa… Hence, ito na si Madam Dulce.

Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

*ang clip ay performance ni Dulce sa book launch akda ni Ricky Lee na Si Amapola sa 65 na Kabanata

*Title “Undress Bonifacio…” is from Melai’s facebook status.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s