Naubusan kami ng gasul last Friday na kinailangan pang kumuha n Hasmin ng cashing sa Wallet ko para ibigay sa Nanay ko, bago siya umalis ng house, which was around 9am. Bumangon ako nang mga 11am na dahil puyat ako the night before dahil sa Christmas Party ng Production Department ng ABS-CBN. At iyun naman. Pagdating ko, may gas na nga, pero hindi pa rin bumubukas ang kalan. MAhigpit masyado ang pagkakasara ng tangke. Ayaw bumukas. Akala ko naman ay mahihinang tao lang ang mga nasa bahay, so ina-attempt kong buksan since muscled guy naman ako. Hindi rin bumukas. Mahigpit masyado. Better yet, sira ang tangke.

Tumawag ang nanay ko sa Metro Gas.

Nanay: Kanina pa kasi namin, hinihintay… Saan ba yang branch ninyo? Susunduin ko na lang diyan… Kanina pa ninyo sinasabing paparating na… Kanina pa kasi kaming alas nuebe tumawag. Maawa naman kayo dito, yung anak ko, naoperahan. Hindi makaligo, dahil hindi makapag-init ng tubig. Ang lamig ngayon, malakas ang ulan, hindi na kayo naawa.

Ay, si Mama, dina-divulge ang lagay ng pamilya sa operator ng telepono. Inagaw ko ang telepono. Ma, ako nga.

Ako: Hello, mga gaano katagal pa po ba darating ang mag-aayos nito?

Ate: Paparating na po iyun, nakaalis na.

Ako: Gaano nga katagal?

Ate: Mga fifteen minutes po…

Ako: Fifteen minutes? Ang oras dito sa amin, sakto, quarter to 12. O sige, anong gagawin natin kung hindi dumating ng fifteen minutes?

Ate: Hintayin na lang po ninyo. Malakas lang po ang ulan. Paparating na po iyun.

Ako: Kaya nga, sabi mo nakaalis na, e di darating talaga iyun, kaya lang ano ang gagawin natin kung hindi umabot ng fifteen minutes? Bibigyan ba ninyo kami ng isa pang tangkeng gas?

Ate: Hindi naman po pwede iyun.

Ako: Anung pwede, magbenta ng mga depektibong produkto? Aba ate, pwede namin kayong idemanda.

Ate: Huwag naman po.

Ako: Syempre hindi na tayo aabot doon. Ganito na lang. Sa susunod naming order, magkakaroon na kaming discount ha. Lagi naman kasi kaming bumibili sa inyo, at malamang sa hindi, kapag naubos itong gas na binili namin sa inyo, e sa inyo pa rin kami bibili.

Ate: Salamat po.

Ako: Walang anuman. O Ayan, umaandar ang oras ha. Fifteen Minutes. Thank you din.

Ate: Sige ….

Binaba ko na yung phone.

Ayun, kwent0-kwento, nood-nood ng tv, hinihintay na mag-alas-dose. E Bago mag-alas dose, dumating si Kuya. Basang-basa. Gusto kong bigyan ng pamalit na damit, kaso mukhang me putok. Dedma na lang. In Fer naman sa kanya, humahangos siya at mukhang nabembang ni ateng nakausap ko.

Iyun diretso siya sa kusina as guided by my Mama. Then, pinakita yung Gasul at ang gas range. Kinabit niya sa hose papunta sa kalan. Ni-secure. Tapos pinihit yung gasul. Bumukas. Binuksan yung kalan. Nag-apoy. Inamoy ang paligid. “Wala naman pong leak.”

Ako: Okay po. Thanks Kuya.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s