I promised to react on the pandudutsa ni PNoy kay Supreme Court Chief Justice Corona last week, and i think i feel like doing it now. But for those who have no idea on what i am talking about, read this first, President Aquino’s speech at the first National Criminal Justice Summit.

Nakalimutan ko na nga actually, pero napanood ko kanina sa TV a nagpahayag si Chief Justice Renato Corona na hindi siya patitinag sa mga nagpaplanong magpatanggal sa kanya sa tungkulin. Sa tingin ko, tama lang naman na ipagtanggol niya ang posisyon niya. It is unbecoming of someone of that high position to just stay quiet on situations as such. (Hence, Merceditas Guttierez/Giveupera ng taon).

Pero don’t get me wrong, hanggang dun lang ang pagkagusto ko sa kanya. After that, gusto ko na siyang ma-impeach. Ayoko siyang bumaba, gusto ko siyang ma-impeach. Impeachment level na kasi ang usapin ngayon, hindi katulad before na patutsadahan lang sa isang event. At sa event na iyun, i think PNoy did the best act. Anubanaman yung mag-iwan man lang talaga nang masasakit na salita sa taong nasa paligid, kung kaya nina Angelica at Claudine ng mga linyang “Maglaro tayo, agawan ng yaman!” Dapat kaya din ng presidente magsabi ng mga linyang gusto niya.

Some people saif it was rude, or unbecoming of a president. I dont care, if that is unbecoming, what is becoming? Since napapanahon naman ang usapin ng balls mula pa sa balls ni Topacio, atleast alam nating may balls na pam bet ang presidente. hindi ko lang alam kung singkinis ito ng noo niya, though i dont really really wanna get there. literally.

Tama na ang politeness at decorum. Nakakakupot iyan. Tama na ang issue ng uncivilized. Let’s not talk of civility when there are people in this country eating botcha. Pagnatanggal na natin ang mga iyun, atsaka na lamang tayo magsabing ang uncivilized ng ginawa ni PNoy. And let’s not say of morality. Iba-iba ang konsepto ng morals ng bawat relihiyon, at bawat lalawigan, at bawat kultura. Kung pupunta tayo sa basic nugn think of others as morality, who are the others we are talking about? Masakit ang katotohanan, iparamdam iyan. Tinanggap ni Corona ang tungkulin kahit na alam niyang labag ito sa batas, then face the consequences, even if it comes ala Face to Face wth Tyang Amy.

At kundiman tayo pumunta sa mga debatable issues of right or wrong ang ginawa ni issue, pwede tayong pumunta sa context ng speech. You can not dwell deep about Criminal Justice without looking at the Supreme Court. E iyun ang kapuna-puna sa supreme court. Ano ba naman yung pag-usapan natin ang white elephant, or ang pink elephant or even pink table. Hindi iyun madali, kung baga sa ANTM (Which is I am a very much super fan of) si PNoy na si Allison, ang awkward pero ang best. I don’t think what he said was the voice of the people, pero i think, it is his opinion and as a president, just like any other person, may karapatan siyang sabihin ang kanyang opinion, gaano man ito kasakit sa iba.

Kung may kapuna-puna man doon, ito ay ang pagiging self serving at self centered/egotistical/”oh my god where is my mama again” sa first part. Noy-noy paraphrased Cory’s favorite line “…nung buhay si Ninoy…” My god, you’re a president, naipanalo ka na ng apelyido mo, enough of that. (Opo, wala akong kakampi). Gumamit ka naman ng ibang example, ples. Though valid din naman ang example ng kawalan ng hustisya nung panahon ni Marcos at ng tatay niya, Which is parallel sa kawalan ng hustisya sa pagkakalagay ni Corona bilang midnight appointee. in all fairness to him.

Iyun, just a call, to sum it up. I don’t want Corona to resign, i want him impeached. At kung tatagal ang prosesong ito, let’s have an occupy supreme court movement. I swear.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s