Saying, “ang pulitika sa Pilipinas ay isang soap opera” would actually pass as a line sa isang soap opera. Ganun na siya kagasgas at ganun din siya natotoo. And that is what happening now, multiple plots ang nagsasama-sama sa season ender. GMA in hospital arrest, her cook, chef justice Corona under trial and of course, man vs nature, Sendong.

At sa gitna ng lahat ng ito, nasa treadmill ako. 45 minutes, 9K. um, ambilis ko. Madali lang iyon habang nanonood ng ANC, kung saan ang inabutan ko ay ang diskusyon nina Leah Navarro at Atty Topacio. Ang issue nila ay ang nagaganap ngang impeachment kay Corona. How the processes are minadali. Well minadali naman. Ang mga mambabatas daw, according to Topacio ay na-threaten ng kanilang pork barrel kaya pirma agad. Which Leah debunked saying na hindi, natatakot lang daw ang kampo ni GMA, dahil ganun ang nangyayaring pananakot in the last nine years of the Philippines before PNoy. Which she closed in a very good power line, “Mapalad siya at naipagtatanggol niya ang sarili niya, hindi tulad ng maraming tao nung panahon ng kanyang panunungkulan.”

Paraphrased na iyun. Quote-unquote ko na. Syempre, nabago ko na, pero ganun pa rin ang essence.

Topacio on the other hand gave his own “babangon ako’t dudurugin kita,” line. “Kung nagawa nila ito sa Chief Justices, kayang-kaya nila itong gawin sa mga lower justices.”

Tama rin naman. But between the two, I go for Leah’s line. Ampowerful. Hindi maitatanggi. E iyung kay Topacio, madaling ibalik sa kanya. Nagawa na nga sa Presidente nung time ni Erap, why not sa Chief Justice?

I really like the mabilisang prosesong ito, dahil alam naman nating so Mara Clara of the 90s ang mababagal na plot movement at story development. Hindi matatagalan ng mga viewers ang diary na hindi makita-kita. But don’t get me wrong (which is my favorite line in this blog) No don’t ever, ever get me wrong. Hindi ako pro PNoy. I am Pro-Fun. And the fun of it all won’t come until there’s a full circle.

Ang bilis ng mga pangyayari kina GMA at Corona ay gusto ko, ngunit ang Bagyong Sendong na tulad nang naunang dalawa ay nagdulot ng hinagpis sa libu-libong Pilipino ay kailangan ding tutukan. Hindi suicidal ang mga puno at nagdecide silang maputol on their own. Dahilan ng malawakan baha at mud slide sa mga lalawigan. Sino ang mga humahawak sa mga loggers na ito? Isa hanggang dalawang buwan ang bibigay kong palugit para makapaglabas ng mga pangalang mananagot sa mga buhay ng mga nasalanta. Mga pangalang hindi rin papayagang makaalis ng bansa at mahahatulan din sa kalapastanganan nila sa bayan. Dahil kung hindi, “Matitikman ninyo ang ganti ng alipin!”

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s