Checked all the requirements for a great action film, except for its heart.

Movie: Action/Comedy

ReviewReview

Sinulit ko na ang aking MTRCB card dahil papa-expire na ito at ang aking huling el bimbo ay ito ngang Ghost Protocol. Watched it alone dahil walang makasama. Pero lest not dwell on my kalungkutan.

Things that happened on the brainstorming of the movie, naglista ng mga requirements ng isang action film na hindi James Bond Movie but a Mission Impossible franchise. SI Ethan ang bida, hindi si James. So iyun ano na nga ang dapat na ingredients?

1. Heights. Kailangang may aerophobia effect, kailangang may matataas na lugar at malulula ang audience. Sa MI lang iyan at wala sa James Bond flicks. Okay, checked with the nakakatakot na eksena sa Dubai kung saan nasira pa ang kanang kamay.

2.Masks. Requirement ito sa lahat ng MI film na ginaya pa ng Charlie’s Angels. Gawa tayo pero para hindi predictable, hindi magagamit. iyun. Hindi nga nagamit dahil nasira ang machine,

3. Cars. Nagawa na natin sa tren, nakagamit na tayo ng helicopter, ano naman? Mga mamahaling kotse, car chae. Sige. Nagkaroon na ng habulan ng kotse, pero i-next level pa natin, gumamit tayo ng mga kotse hindi pa nade-deliver, tapos sirain na natin. Check!

4. Weather. Dedma na sa bagyo, dedma na sa heat wave. Gumamit tayo ng Sand Storm. Go, pero kailangan may literary effect or metaphorical intent, kailangan pagkawala ng kalaban, mawawala na rin ang sand storm. Pasok!

5. Girls. Hindi pwedeng si James lang ang may bebot, kailangan si Ethan din, pero dapat ang kay Ethan pure, sige, huwag nating galawin ang asawa niya, maglagay tayo ng ibang babae, tapos pag awayin natin parang kill bill. Sige. I-go na iyan.

6. Gadgets. Since uso ang camera, paano ba natin ito mau-utilize? What if gumawa tayo ng high tech na video wall. Ay gusto ko iyan. (Tawa ako nang tawa sa video wall, para silang naglaro ng Pepsi-Seven Up)

7.Locations. Naku, alam natin na ang James Bond ay lumo-location na. Pati nga Iron Man, mayiba-iba na ring sites? Sige sa atin tatlo, Dubai, Russia at India. Tapos sirain natin ang magagandang lugar nila, like Kremlin. Tama, hindi pwedeng simple, kailangan sirain natin yung magagandang sites nila. Pati yung Burj Khalifa sirain natin yung window, ano ba naman yung ito lang naman ang tallest tower in the world.

8. Moral Lesson. Ano ba? ALam ko na, dapat matuto ang mga tao na gumamit ng seatbelt. Na kahit malaglag sila sa mataas na lugar, mabubuhay sila basta naka seatbelt. Pwede na yun.

9. X-Factor. Mahalaga yan. What if gawin nating comedy? Sige, masaya yung last film ni Tom na Knight and Day, gawin nating medyo ganun. Hindi, sobrahan natin sa ganun. (Best parts: a. kinuhaan ng nurse ng yosi ang sigang detective. b. nahuli ng detective si tom na nasa gilid ng building. c. should you choose to accept it, ala spongebob. d. the video wall. e. the indianong playboy. f. masisira ang mga bagay kapag things are going easy. g. simon pegg and masks. h. jeremy renner’s surprises. among others.)

10. Mystery. Umpisahan nating nakakulong si Tom at saka yung wala siyang asawa para hindi natin alam kung ano ang nangyari. tapos kalimutan na natin. Balikan na lang natin sa ending.

Okay na yun.

At iyun na nga ang nangyari, masyadong downplayed ang mystery ng life ni Ethan Hawk, na naging cold ang mission niya. Parang to save the world, e alam naman nating magtatagumpay siya. Walang at stake at puro time bomb. Ang memorable pa ay ang kwento ni Jane (Paula Patton) dahil napatay ng assassin ang boyfriend niya, so may decision siya to take revenge or to do her job, na mabilis natapos. So iyun na ang naging heart ng kwento. Hindi man lang naging issue ang pagbabantay ni Brandt (Jeremy Renner) sa asawa ni Tom na namatay at hindi niya nailigtas, at ang twist dito, na hindi niya ikinasama ng loob na pwedeng mangyari sa gitna ng movie. Well iyun.

Pero finally, ang mga huling larawan ng mga casts. Enjoy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s