Happy Holiday Highlights 2011

Dahil alam naman nating napakahaba ng selebrasyon ng Pilipinas ng Christmas Season, ito ang mga ganap sa buhay ko mula nang mag umpisa ang mga Christmas Parties.

Rep Me For A Reason, Let the Reason be Valid

December 3, 70’s Bistro

Sige, umpisahan na dito. Ang Fund Raising Activity para sa UP Rep, pero more of pampa-ratings lang talaga ng mga alumni, dahil walang magawa sa life. enjoy ang life.

breakfast at aling tiffanys chismis comes to you

ABS-CBN TV Prod Christmas Party

December 8, Studio 10

Kung si Zsa-Zsa ang Divine Diva, ako ang Define Diva. Melo and i did an Adam Lambert Rock Duo para sa X-Mas Factor ng Party.

Abet, Josel and Melo
Pasabog na opening, kailangan manggagaling sa scaffolding, baba at rarapor sa audience bago kumanta ng chorus sa stage
Hindi lahat ng Rockers Straight, at Hindi lahat Hindi Straight ay Diva

Hindi ko matandaan kung ano ang nangyari sa stage, basta ang alam ko, nagsisigaw lang kami ni Melo, we had fun, represented and bagong pamilyang kumupkop sa amin, ang RGD unit, at iyun, ang akala naming fail, hindi naman pala masyado. Anu ba naman ang 3rd place na may kaakibat na cashing.

At for more pa pala, nabunot ang pangalan ko sa Raffle. 10K, Writer, RGD, Albert Cruz. shet. Writer na ako!

Thanks to Pokwang at sa kanya galing ang aking prize!

Physics Friends Christmas Party

December 10, Allen’s Residence

Nakasama ulit ako sa mga Annual Party ng mga Katipips. Barkada ni Hasmin nung college sa college of Physics. Kaya naman may Quiz Show sa gitna ng party. na naenjoy ko nang todo! Ito yung mga panahong masaya ako at geek talaga ako at heart.

Happy Hanukkah with Abet, Hasmin, Eia, Ivan, Allen, Eio, Glaiza, Ninong Ralph and Franz

Wako-wako lock-in

December 14-16, Linden Suites

Dahil birthday ko ito, happiness. Parang party rin ang feeling ng work with the creative team!

ABS-CBN CMDG Team Building and Christmas Party

December 19. Punta de Fabian

Bagong discovery ang Punta de Fabian Resort sa Baras, Rizal. Napakaganda ng lugar, hindi halatang nasa Rizal. Kita ang view Laguna de Bay at masayang enjoyin habang nasa infinity pool.

Infinity Pool. Walang Hanggan starring Richard and Dawn

Hasmin in Hong-Kong

Dec 22-25, ako sa bahay lang. Puro chat-chat lang kunwari, OFW kami.

Parang nasa Middle East si Mama Hush, pero ang totoo, nandyan lang siya sa kabilang bansa.

Annual Barkada Christmas Party

December 25, Loti’s Rooftop

Sina Gong, Loti, Vanny at ako na lang. With a ring from Leah na nasa states. Haays. complete attendance na iyun.

Kasama din ang family ni Vanny na sina Jhay at Kria at ang baby Euan ko na umuwi after a while, tapos from their home, sinundo ko naman si Hasmin na fresh from the Chinese people.

vanny, gong, mylene and me

Pasabog ang rooftop nina Mylene, na ngayon na-launch sa aming barkada. at mukhang mapapadalas kami dito.

UP REP NEW YEAR COUNTDOWNZ PARTY COMES TO YOU!

December 30, NikKalaiRomaSteph’s apartment aka Château

Ito ang annual salubong ng the UP Repertory Company sa bagong taon. faux new year countdown para malito yung makakakita ng mga pictures namin.

UP Rep's New Year Countdown

MMFF Segunda Mano

January 1. Eastwood-SM Megamall

Last year ito pero sa eastwood ito nakuhaan. at nandito si Cristine Reyes, Arti pa?

Iyun, medyo naging hobby na rin namin ang mag MMFF tuwing season kaya naman nag-Eastwood kami para manood ng Shake na nabalitaan naming 2 out 3 daw ang hits ngayon. Pero dahil inabutan na ng oras, iyun, sa SM Megamall na lang, dahil doon na lang may ipapalabas ng 10:30. Segunda Mano. Nasulitan naman ako sa bayad dahil worth naman ikwento ang pinakabest part niyang Mosang/Kris/Bangs/Angelica scene, ang pinakanakakatawang eksena sa Philippine Cinema this year. Atsaka may addition pa sa basag na cliche, may tumalo na sa isa babaeng gumugulong sa hagdan scene… dalawang babaeng gumugulong sa hagdan. At ang pina-plug na nasa harap ng aparador si Kris at rumagasa ang tubig, hindi ninyo mahuhulaan kung ano ang mga sumunod na eksena. Right next to it, Kris is naka bathrobe sa CR, tinutuyo ang buhok. Then right after that, something na walang kinalaman. Was that scene a dream? or something metaphorical. Or something that is really necessary to life? No one can tell.

Iyun, since hindi naman ito review ng segunda mano, nag exchange gift na rin kami.

Segunda Mano. Lipstick care of Bettina Carlos

New Year Party Comes to You (OFW Edition)

January 3, 2011. Chateau pa rin,

Dahil occupy Manila ang mode ng mga probinsyano sa Rep, late sila nagdatingan sa Maynila, kaya iyun pahabol, kasama na rin ang mga OFW na sina Jetty at JMa.

UP Rep new year party OFW edition

Iyun, Christmas to New Year na yan. Sana maging maganda itong pagtatapos na magiging best introduction sa Bagong Taon! May we all prosper this year!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s