Naalala ko noong highschool ako na kasama sa to do list ko paglaki ang pagiging gym member. Pero antagal ng time bago ko iyun, lumaki ako dahil hindi ako nag gym. And when i say lumaki, lumaki talaga. Naging conscious lang ako sa laki ko noong lumampas na ako ng 200 lbs. So I started reading magazines kung paano makakabawas ng timbang. Iyun, sa bahay lang na exercise at tinodo ko lang noon gbigyan ako ng role sa play na kailngang maghubad. Nakakahiya naman kasi kung puro bilbil ang makikita sa akin. Dumating ang playdate, hindi naman nagbago nang todo ang itsura ko. Hindi na lang ako nahiya. Nag-decide na lang ako.

Even when my friends starting joining the club, hindi pa rin ako nakisali sa band wagon. It was only when my wifey became pregnent when i started getting serious on my weight. Naisip ko kasi na dahil big boned kaming mag-asawa, malamang, magiging malaking bulas din ang magiging anak namin. Bilang paghahanda, iyun, nag-up na ako. Naisip ko kasi na kapag natuto nang dumapa itong baby namin, susunod na ang pagtayo, then paglakad at tapos tatakbo na. At ang mga bata, ang energy, parang hindi mataas ang presyo ng gasolina sa bilis. Ayoko namang hihingal-hingal ako kapag dumating ang larong naghahabulan kami.

More than sa endurance, na-realize ko na sa pagbubuhat ko sa gym, e lumakas din ako, strength-wise na sakto lang dahil pabigat nang pabigat ang baby namin, expectedly habang dumadaan ang panahon. Iyun naman. Kahit ngayon na 21 kilos na siya at four, e kayang kaya ko pa rin siyang buhatin habang naglalakad sa pataas na slope.

Akshali, wala naman akong planong sumulat this time of the night, kaso nahiya naman ako na picture ko lang sa gym ang nakalagay dito. Sayang naman ang space, kaya ito na lang. Let me entitled this, benefits of going to the gym for dads.

 

Sa Fitness First ABS-CBN. Dahil may malaking salamin sa gym, ano ang dapat gawin? E di mag-picture.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s