An Icy Sweet, Creamy Hypocrisy

Huwag sanang isipin na hindi ko gusto ang Magnum Ice Cream. It offers Magnum pleasure. Wow, todong-todo na kung sasabayan ng Magnum Condom, pero huwag tayong pumunta doon. Hindi pa ako nakakatikim ng nitong bagong produktong ito. Kaya naman masasabi kong hindi ko pa siya hindi gusto. I am yet to tell anything about the  lasa or the ligayang idudulot nito. Nandoon lang ako sa promotion na naganap kailan lang kung kailan ang mga kinikilalang kulturati ng sangkamasahan ay nagbigay pugay.

magnum culturatti: Raymond Gutierrez, Liz Uy, Solenn Heusaff, Tessa Valdes and Erwan Heusaff from this site

Na isang bagay rin na hindi masama. Numpake ko or kung sinoman na sabihing huwag silang pumunta sa event na iyun. Ikinabuti naman iyung buhay nila, i mean instant cash naman ang kapalit ng presence nila. That’s advertising baby, as far as i know. hindi ko alam kung gaano ka far, baka nga near. Sila ang class, sosyal, mayaman, cool, artista at kumakain sila ng Magnum Ice Cream. Ang mga consumer na gustong magmukhang class, sosyal, mayaman, artista ay kakain din nito. Bang, bebenta na ang produkto. (Yeah, ang near nga lang ng kaalaman ko sa advertising) At with this guest list sa event, aba’y makikipagsabayan sa gasolina ang presyo.

The Magnum Global Index, kung hindi pa ninyo nabasa sa left side ng picture. reiterate lang.

Okay lang ang lahat ng iyun. Pero sana maipaliwanag ito sa mga subjects tulad ng History, HeKaSi, Filipino, Sibika at Kultura, GMRC, Values Education at iba pang aralin sa Primary at secondary education, kung saan ini-inculcate sa mga mag-aaral ang issue ng colonial mentality.

Naalala ko kasi noong elementary na sinasabing namamatay ang industriya ng Pilipinas kasabay nang pagkahilig ng mga Pilipino sa mga banyagang produkto. Kaya naman nauso ang mga katagang “tangkilikin ang sariling atin.” Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay tinuturo pa rin ang values na ito. Na sana ay oo.

At sana rin, kasabay ng pagtuturo nito ay ang paglalahad kung bakit nga ba nagugustuhan ng mga Pilipino ang mga banyagang gawa. Hindi kasi sapat na sabihan lang ang ga bata nang mga bagay na masasama. Dapat din ay malaman din nila ang dahilan kung bakit napupunta doon ang desisyon ng mga nagiging masama. Oh my, parang dinidikit ko ang konsepto ng Magnum sa kasamaan, pero hindi po ganun. Sinasabi ko lang na mahirap tangkilikin ang gawang Pilipinas kung may mga foreign brands na kumakalaban sa mga local products. Lalo pa kung ang foreign brands ang sinasabi ng mga sikat na dapat bilhin, bayad man sila o hindi.

Hypocrisy maybe a strong word. Well, mas attention grabbing naman talaga ang mga strong words kaya dapat ginagamit na title. Pero sa tingin ko, it is appropriate to use sa naganap na over the top welcome ng Pilipinas sa Magnum Ice Cream. And when i say Pilipinas, yung mga Pilipinong nagco-control ng media at pinapalabas ng media as Pilipinas.

Hypocrisy dahil habang ipinapayakap sa atin ang Filipino Pride with Pac-Quiao and Charice and Jessica Sanchez, e eto naman at ipinapasakop tayo sa isang foreign ice cream.

One thought on “An Icy Sweet, Creamy Hypocrisy

  1. Perhaps we’re putting down local brands to easily? Why can’t we elevate local chocolate to global standards? Don’t you wish that someday, Häagen-Dazs will create a Pinipig flavor? or a Chocnut flavor?🙂

    Oh and thanks for sharing my infographic.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s