Look Who’s “Noynoying” Now

I am. I should be doing a presentation, pero eto ako, sa harap ng laptop, nagba-blog. Feeling political ako today kahit na dapat ay feeling thankful ako sa mga blessing sa buhay, na dapat ay inaalagaan ko, which is by doing my presentation and not blogging.

Pero iyun naman kasi ang sistema ko. Maglilinis muna, maliligo, magba-brush ng teeth. Then start working. Kahit papaano, i can say na malinis ako magtrabaho.

Nakakadalawang paragraph na ako, pero parang wala pa rin akong patutunguhan. Will this action still fall under Noynoying? Sana hindi dahil baka may patunguhan naman ito. Procastinating lang. And this is it. Actually, part ng cleansing ko before starting my job is clearing my mind of the things na maaaring makagambala sa work. Itong Noynoying na ito ay lagi kong naiisip, kaya ito isusulat ko na. It is so popular na kailangan ko nang mag-react. At times naman kasi e Patolera ako.

Walang puzzle? Gumawa ng puzzle. Yey. Noynoying

Nakaka tatlong paragraph na. May Picture pa. Noynoying pa rin. Okay, ito na. Sa tingin ko, medyo below the belt naman ang Noynoying. Hindi naman magandang idikit sa pangalan ng pangulo ng bansa ang isang bagay na negatibo. Actually okay lang pala, since, we tagged Erap as magnanakaw, and GMA as corrupt and Marcos as Diktador. Pero para naman kasing hindi bintang ang mga iyun. Marcos decalred Martial Law, that was dictatorship at its finest. Cases were filed against Erap and are filed against GMA, so okay lang naman kung ganoon. Pero yung i-tag si PNoy na walang ginagawa. Parang masama naman sa ekonomiya iyun. Which is sa pakiramdam konaman, kahit tumataas ang pamasahe sa jeep, ay gumaganda naman. Wag lang tataasan na naman ang flag down ng taxi, dahil mas taxi-base na ako ngayon.

Pwede namang isipin na hindi ako magandang sample study ng kahirapan ng bansa. Swerte kasi ako, at alam ko kung kanino ipakikita ang mga kaya kong gawin. So sige, baba tayo ng kaunti to the roots. Doon sa mga affected. Si Mar Roxas ang nakita ko sa TV na nagsabing bukas, March 22, (Opening ng Hunger Games) ay magdaragdag na ng sikwenta sentabos sa bayad sa jeep. Hindi niya sinabing tanggalin na lang ang VAT na binabayaran ng mga Pampublikong sasakyan para gumaan naman ang bayarin sa Gasolina. (that way hindi ipapasa sa mamamayan ang problema). Ang desisyong iyun ay bumalik kay Noynoy. Well, at the very least, may desisyon sila. Hindi nga lang gusto nang marami, including me, pero meron. Noynoying na iyun.

Sa political killings. Aba, parang madami nang nategi ngayong administrasyon ni PNoy. Which is bad. Actually, very bad. Pero hindi ba’t pinapahanap na si Palparan? Wanted na siya. Si PNoy pa rin ba ang walang ginagawa? Hindi ba pwedeng yung mga naghahanap na lang ng Wanted ang dapat pulaan?

I can’t site three samples para naman poetic, kasi mas maganda daw tatlo lagi.

Pero yung pangatlo ko kasi, ay isang konkretong bagay na nagawa ni PNoy, na sa tingin ko, kung naa-appreciate ng matatalinong kritiko ay pupurihin nila. Buhay pa si GMA at hindi siya nakalabas ng bansa. At ito ay kagagawan ni Tita Leila De Lima. Ang in-appoint ni Noynoy na Department of Justice Secretary. That was a good judgment. Sabi kasi, ikamamatay ni GMA ang pagpapagamot sa Pilipinas kaya;t kailangan niyang magpa-check sa ibang bansa. Well, tama si Tita Leila. Nagdadahilan lang siya. At ang nagpahintulot lumabas sa bansa ang ngayon ay nahahablang si GMA ay nililitis na rin. Is that Noynoying? Nung pinangako niyang hahabulin niya ang mga nagnakaw sa nakaraang administrasyon, parang ginagawa naman niya. At ang inuuna niya ay ang puno. Ang pinakamalaking isda.

And now let’s get to my title. Sino ba talaga ang nagno-Noynoying? I would try to add my own definition on the term. Imbes na walang ginagawa, punta tayo sa walang nagagawa, or naa-achieve.

College pa lang, naririnig ko na ang mga statements na “nagpalit lang ng pangulo pero wala pa ring nagbago” or “mas lumala ang lagay ng bansa ngayon” at idagdag pa natin ang “kailangang palitan ang sistema.”

Pagsama-samahin natin ang mga staements na ito.

Kung sa bawat pagpapalit ng administrasyon, sinasabing walang pagbabago, and worse, lumalala ang kalagayan ng bansa. Sino kaya ang walang nagagawa? Yung nagpapalit-palit na pangulo o yung hindi nagpapalit na nagsasabing kailangang baguhin ang sistema? Look who’s Noynoying now.

Magsimula tayo kay Marcos na naabutan ko. Naupo siya, naipakilala niya ang bansa sa buong mundo. Nakapagpatayo siya ng mga ospital para sa mahihirap. Kasama siguro iyun sa mga goals niyang naabot. Naging corrupt siya oo, na alam naman nating masama pero kung goal man niya iyun, na-achieve niya rin.

Cory. Naibalik niya ang demokrasya sa Pilipinas. Though basically iyun na iyun. Naibalik niya ang demokrasya sa Pilipinas. Naprotektahan man niya ang lupain ng kanyang angkan, which is makasarili, okay lang, kasi goal niya iyun at naabot niya. Achieved. Achievement.

(Hindi muna ako i-issue sa mga konsepto ng moralidad. Dun lang tayo sa pagse-set ng goal at pagnakuha ang goal. Good Job.)

Ramos. Naibalik niya ang kuryente sa bansa. Among others. As i remembered, nasa private naman ang school ko. At parang matunog na matunog ang ekonomiya ng bansa. Philippines 2000. Achieved rin. At medyo tahimik pa ang mga detalye ng corruptions niya. Which is very-very good.

Erap. Oh My God. Natanggal siya sa position. Pero he was such an action man. Action agad. At dahil action star siya. Nabawasan ng todo ang crime rate sa bansa. Pero pinaka basic naman na matatandaan sa kanya. Kumampi siya sa mga nagpapalis sa Amerikano. Pinaalis niya ang mga Base Militar ng dayuhan sa Pilipinas. O kita mo, anung nnagyari, siya naman ang pinatanggal ng mga kano sa pwesto. Ang sad di’ba?

Now let’s go to GMA. She was sorry. Iyun ang pinakamaling ginawa niya, dahil hindi siya napatawad sa GMA drama special na iyun. Pero sa mga goals niya. Totoo namang naisalba niya ang economy while the planet is in danger of losing its money. Natupad naman ang RORO niya. At ang gusto niyang mangyari na maging kongresista siya matapos maging presidente, at ang magkaroon ng midnight appointees to protect her. Achieved niya. Anung wala sa kanya para hindi palakpakan. Well dumating nga lang si Noynoy para pigilan ang mga plano niya.

And there we go, kay PNoy. Na ang plano ay linisin ang kurapsyon na sa tingin naman natin ay ugat ng kahirapan. Narinig ko ito dati, huwag i-deny. Basically, iyun ang tinatahak ng impeachment trial. Pinagbibintangang corrupt ang Chief Justice na siyang protektor ng tinuturong Mother of All Corruption ng nakaraang administrasyon. Is that Noynoying? The fact na may trial, sa tingin ko ay ginagawa naman ni PNoy ang goal niya.

Now let’s go doon sa mga sa tingin ko ay actual depiction ng Noynoying.

Sa anim na presidenteng nagdaan, parang iisang mukha lang ang bumabatikos sa kanila. O sige, hindi ako sure doon kay Ramos pababa, dahil lampake pa ako nun dahil high school ako at more of barkadahan 2000 lang ang goal ko. So sa last three presidents, parang iisang mukha lang ang bumabatikos sa kanila. If their actual goal is mambatikos, well, they are doing a very good job. So much better than all of those presidents achievements.

Pero kung may bigger goal sila. Kung gusto man nilang baguhin ang sistema sa isang sistemang parang hindi pa nila napi-prisinta. Ilang pangulo na ba ang nagdaan, sila na lang ang naiiwan, at parang wala silang napupuntahan. Now, who is actually noynoying now?

E di ako pa ring.

Tutulog na muna ako.

7 thoughts on “Look Who’s “Noynoying” Now

  1. Alam mo yan. Atsaka more than that, may favor ako sa iyo. Alam mo namang life is gamitan. so gagamitin na kita. Ahihihi! text kita later in life.

  2. i read status from a friend saying na ginagamit or ine-embrace daw ng mga kababayan natin ang term na Noynoying dahil they feel that this actually reflect the leadrship of PNoy. Gusto ko sanang tutulan kaso hindi ko siya masyado friend. Wala kaming time para magdiscuss nang mahabaan.

    Pero i just want to react to it na, hindi naman siguro ine-embrace. More of pinauso kasi, nag trend then, gamitin ang uso. Parang Magnum lang. Fun lang naman. And after all, Its More Fun in the Philippines.

    Ganun lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s