UFO (Ukay Finds Of-Mine): Holy Week Edition

Or rather, Ukay Finds Online.

We would have joined the fad of the pre-loved shops on line which popped up a few years ago. That was Ona and I. But we realized that we love our pre-loveds kaya hindi na lang namin binenta. Or pwede ring ang tedious ng proseso. Naging give-up-era na lang kami. But I’d rather be with loving the pre-loved more.

And in memory of that, narito pa ang mga addition sa aking Ukay Collection. Uber-Bagot sa bahay. Nakakairita ang init. Mabuti na lang at bukas ang ever-trusted kong Janco sa may Concepcion. Iyun. Nauna na ako. And here are some of my good buys.

A&F Cargo Pants

Dahil dito sa pants na ito, nag decide na akong isuko ang mga skinny jeans. Sa mga ibang panahon ko na lang ulit isusuot ang mga pahirap sa motor na pantalon. Baggy pants na ulit ako. Cargo. Back to my college look. Hehe. At wala kaong pakialam kung thrice a week ko ito isuot. Ganun ko rin naman isuot ang mga jeans ko.

Black Quicksilver Cargo Pants

At kung hindi yung A&F, ito ang suot ko. Medyo mataas nga lang ang waist, pero okay na rin. Basta nasa maluwag na pants ang atake lately dapat. Though more than sa comfort, gusto ko rin ang detail nitong Quicksilver na pants. floral na bungu-bungo. Kumbaga, kumbaga he was a punk, he plays ballet ang attack.

Marc by Marc Jacobs shirt

Medyo maliit lang ito, pero kasya naman. Size two yata. Pero nung sinukat ko naman e naigagalaw ko naman ang katawan ko. So, kasya ito. Though kakailanganin kong magpaliit pa nang kaunti ng likod at billy-bil.

Black Specially Round Collar Shirt

Isa ito dun sa mga lampake sa brangd, basta gusto ko ito shirt. I love the print. Yung mga star spangled black shirt. Mahalaga sa akin ang black shirt dahil nakakapayat ito. Kaya hindi ako nagsusuot ng black na brief.

Blue Leather Kickers

Ito na ang sagot ko sa colored suede shoes at pagbabalik ng doc martens in one. I remember the rampage of the boots back on my sister’s teenage years. Panahon nina Donna Cruz. Though hindi ko ate si Donna Cruz. Pero iyun. sa pagbabalik ng boots, ito na ang share ko.

And finally,. for the beach. These pair of shorts na very Anne Curtis. Very European summer lang. Sana maisuot ko ito sa tamang okasyon bago matapos ang bakasyon.

Blue Stripes Drawstring Shorts

Ito na muna. Atsaka na ang mga Harem Pants/Harlem. Hanggang sa susunod na pag-uukay.

5 thoughts on “UFO (Ukay Finds Of-Mine): Holy Week Edition

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s