A Non-Biodegradable Day

O ang araw ng mga plastik.

Shet. This will be very random. Diarrhea of thoughts that puzzled me the whole day. When the gods became less than me in the presence of the devil.

Hindi ko alam kung nagagalit ako. O nafu-frustrate. O nanghihinayang. O katulad ng dati, may ibang emosyon akon ghindi kinikilala sa loob na nagpupumilit lumabas, ngunit ang problema ay hindi ko ito ma-pin point kaya, pointless.

But bear with me. Maki-oso sa akin.

ilang araw bago ang araw ng mga plastik. Narinig ko ang galit. Ang nagsasabing ayaw magalit at magturo ngunit sa limang beses na pagbanggit nito, parang gustong magalit at magturo.

At ngayong araw ng mga plastik. dumating ang kagagalitan. Ang dapat ituro. Na kahit ang makapili, magtatanggal ng bayong, at maglalakas ng loob para isuplong ang may sala. Ngunit wala kahit makapili ngayong araw na ito. Dahil ngayon ang araw ng mga plastik.

Fuck.

Siguro galit ako dahil alam kong…

Ang alamat ng mga Diyos-diyosan, nang mga kimi at ng choosing your battle.

A few years ago. meeting. Wala pa ang head. May mga taong nagsasabi na itong head na ito ay mali. Hindi makatao ang kanyang pamamahala. Basta. Sabihin na natin na lahat may masasabi sa mga taong ito. Ako naman, ayos lang sa akin. Pero galing ako sa isang lugar kung saan ipinaglalaban ang boses ng nakararami. Ipinaglaban ko. Sinabi ko sa harap ng leader na hindi siya magaling. Na masama siya. And to prove my point, sinabi ko ang mga sinasabi ng mga kasamahan ko. To my surprise. Wala silang nasabi. Hindi nila inulit ang binuka ng mga bibig nila.

Well life. After nun, nagsimula na akong yumuko.

Pero hindi naman lahat sa industriya ay ganun. Naalala ko noong may sinabihan akong isa ring diyos na mahirap siya katrabaho. Totoo naman. At natuwa naman ako. Kinatigan ako ng mga kasama ko. At sila naman ang tinitingnan ko kapantay ng aking mata.

At nito namang huli. Nakayuko na ulit ako.

Nakarinig ako nang pambibintang na ayaw ibigay. At mga paninising ayaw ilabas. Nakarinig ako ng mga pagalit para sa mga hindi kinauukulan. Masama ang loob ng lahat. Ako, okay na ako. Wala na akong pakialam, dahil umapisa pa lang, parang nasabihan na akong huwag makialam. Kaya wala akong sama ng loob. O marahil meron din. PEro wala naman talaga.

Hanggang sa dumating ang araw ng mga plastik. Ang araw na ang mga nagagalit na ito ay iniharap sa dapat kagalitan.

Ganun pala magalit ang mga Diyos. Ganun sila maglabas ng sama ng loob. Nakangiti. Namumuri.

DUFUQUE.

Naawa lang ako dun sa mga napagbuntungan ng galit.

Basta, nakakadiri.

Walang makapagsabi ng tunay nilang nararamdaman. Alam ko ang mga nakikipaglaro. Gusto ko iyun. Pero yung mga lumuluhod na lang. Yung harap-harapang walang magawa, hindi masabi ang nararamdaman. Nakakadiri.

Ang totoo, natatakot ako sa mga panahong iyun, kasi parang hindi maitago ng mga mata ko ang pagtataka. Bakit nila nagagawang ikubli ang galit nila? Bakit hindi nila maipakita na may mga taong mawawalan ng trabaho at isang tao lang ang may kasalanan? O sige. Lahat may kasalanan, pero ang kasalanan lang naman ng iba ay ang hindi pagiging malakas para tumuligsa.

Kaya kong tumuligsa, pero hindi ko pa panahon ang pagkakataon na iyun. Hindi iyun para sa akin.

At okay lang sa akin yun.

Hindi ko matapos-tapos ang Inheritance. Ito ang huling libro sa Eragon. Ang hirap basahin, pero may mga aral naman akong pinanghahawakan after every now and that.

"...If you don't make a few enemies every now and then, you're a coward or worse..."

Hindi ko sinasabing matapang ako. Pero alam ko, may mga taong ayaw sa akin. Pero sabi nga sa twitter. Ang opinion ng ibang tao sa akin ay hindi ko business. Dahil kung business ko iyun, sa tingin ko, malaki na ang kita ko.

Pero hidni naman. Eto pa rin ako. Nakayuko. Dahil kahit ambaba nila, kailangan ko pa rin silang tingnan.

Leave a comment