Daddy Vacay: Playa de Caleta, Bataan

Parang hindi ako papayag na this year, hindi ako lalabas ng Luzon, dahil last year, parang ganun ang nagyari sa akin. Walang ganap. Lumipas din ang Semana Santa na nasa bahay lang kami. Though may Baguio getaway na pala kami ni Missus, pero malamig iyun. Ang gusto ko ay beach.

Sayang nga lang, at lumalaki ang tummy ni Mama Hush, at medyo bawal na siya matagtag. We were supposed to go together. Kaya lang, for the safety of U2, stay at home muna siya. Naging maunawain naman siya at ako na muna ang lumabas ng bansa. Hence Bataan.

And the diary starts here,

Nagkita-kita kami ng mga UP Rep friends sa Genesis sa Cubao para sumakay ng Biyaheng Balanga, Bataan. Alas kwatro y medya nang madaling araw kami nakasakay at after roughly two hours, nakarating na kami sa Bagac Terminal. Kain muna kami sa Jollibee while waiting for Kuya Kel, ang aming tour guide. Doon na sa bayan na iyun kami sinundo ng coaster.

the coaster ride with Barrack, the Dachshund
Ang mahalagang Krus, Dambana ng Kagitingan in Mt Samat. Syempre hindi yang poste ng kuryente but the one on top of the boondocks.

Dinala kami ng maliit na bus sa unang beach kung saan kami susunduin ng bangka patungo sa cove na paglalandian namin. Parang casting lang ng horror film ang atake namin, at may mga mamang mangangahoy na magsasabi anytime na “kung ako sa inyo, hindi na ako tutuloy.”

MEdyo ganito ang peg ng mga banka, though hindi ito yung sinakyan namin. Isa lang kasi ang bangka for the 17 of us, kaya hinati na lang sa dalawang biyahe.
And the beach cove, the Playa de Caleta, Kung saan kami magpapalipas ng weekend

Wala namang ganap. Mabato ang beach, pero masarap languyan. May mga balitang marumi ang tubig pero hindi naan halata. At ang highlight ng punta namin doon ay ang trekking na pinangunahan ni Kuya Babe.

nung sinabi kong mabato, hindi ako nagbibiro, Umpisa pa lang ito. Makikinis pa ang mga bato.
Ang mga batong hindi makikinis. Pero to get here, kailangan pang dumaan sa wall climbing na hindi ko nakuhaan dahil nagwa-wall climbing ako. Ang option kasi ay maligo sa dagat ng basura.
Pero may mga Starfish naman on the way na nakakawala ng pagod. Or hindi rin.
And the island we were to conquer. Or conquered na rin. Naihian na namin ito e.
Ang unang side ng isla. Malakas ang alon at malakas maka ANTM Photoshoot
Hence
moving forward
magsisimula na ang mga lagoons na pwedeng paliguan, at gawing tub. Kaya lang, may naghihintay na mga Sea Urchins? Sinong Urchins? Sea urchins.
And this one is from another pool, at barkada ang mga sea urchins na nagpa-plano kung paano manunusok ng paa. “Pare, me mga tanga, tera, magpanggap tayong imbisibol para matapakan nila tayo.” Ganyang level.
Then some more rough rocky terrains
yung tipong terrain na nakamamatay.
na may magagandang formation din na nakawawala ng pagod… or hindi rin. pagod din talaga
there you go. Lets go geology majors
i can see a peacock
another lagoon, ang ganda nito.
Blending in. Kakulay ko na ang paligid
walking on barnacles
This is a bitag. May sea urchin ulit s ailaim kasama ng mga isdang naabutan ng lowtide.
give up na rin ako sa kapi-picture. kaya medyo pabalik na ako nung makabawi ng strength to click the camera. Iyan, pabalik na sa wall climbing, dahil kung saan kami nanggaling, same track pabalik.
waiting for us was a sumptuous meal. Pero hindi ito yun. Ito na ang breakfast namin. Tipid tipid din kasi ng battery. Walang kuryente sa island. So this is our breakfast the next morning.
Mga Pulang Perlas.
But this was not without a rule. Sa lahat naman ng lugar, may paalala. Kaya ito naman. Huwag daw magtapon ng fetus sa bowl, nagbabara. Pero huwag naman nating i judge na against sila sa pagtatapon ng fetus, pwede naman daw sa basurahan. Ayaw lang nilang nagbabara ang inodoro.
At pahinga na rin. Bago kami nito umalis. At dahil ni-picture-an mo ako…
pi-picture-an din kita. thanks jeff!
ayan, kung maiwan man ako dito mag-isa, mabubuhay ako dahil nandito at nagkalat ang mga trees of life. na alam naman nating tinatawag na Buko. Wala nga lang booking.

But this trip didn’t come without a price. siguro naka two thousand ako all in all. 1,300 para sa services sa food sa beach sa pag-aalaga nina Kuya Kel, then 200 sa pamasahe sa bus, at 330 para sa coaster at boat ride.

Other than that, may mga pisikal na kabayaran din. Dahil nga batu-bato ang beach na nakakatusok, hence.

sugat #1: sa ilalim ng paa
sugat #2: sa ibabaw ng paa

Pero sulit naman ang pera at mga sakit na dinanas. Masaya naman kaming umuwi. To prove, ito ang ginawa namin music video.

At bago iyun. Class picture muna.

class picture syempre
And after that, goodbye for now muna Island

At bago ang lahat nga pala. The next day pagkagising ko sa bahay na. May kabayaran pang humabol.

attack of the pimples sa face. Madumi nga ang tubig sa Bataan. Argh. Dagat ng Basura.

 

9 thoughts on “Daddy Vacay: Playa de Caleta, Bataan

  1. ay ang saya ng blog entry na to. nostalgic! ngayon ko lang napuntahan ang blog mo Kuya. Masasabing, nagustuhan ko. Pasok! Ang saya. Parang gusto ko na ding maging tatay! WUW! WAHAHAHA yun lang, ituring mo akong karagdagan sa iyong Fans and Followers! Regards kay Mama Hush, Euan and U2❤

  2. Buti nalang I stumbled upon your blog. Mukhang hindi kid-friendly ang place. Balak ko kasi pumunta w/ the fam. Pero ang pictures sa Bataan Nature Adventures page, super ganda ha. Super iba sa pictures mo. Thank you!

  3. hello sir may contact po ba kau sa bangka? pwede po mahingi number ng bangkero? salamat po! nakakaaliw basahin ang blog mo.

    1. nagpunta muna kami sa Bataan, tapos may coaster doon sa terminal na maghahatid sa baybay. doon naman, may mga maaarkilang bangka para makapunta sa Playa de Caleta. salamat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s