JLC on Esquire

Is JLC the Pinoy RDJ?

Kailangang makakuha ako ng copy nito. Ahahaha.

Medyo nagiging debate na ngayon sa internet ang pagiging magkatulad ng cover ng Esquire Philppines at ng International counterpart nito, kung saan si Lloydie ang cover at si RDJ naman ang pang global. Si John Lloyd nga siguro ang Robert Downey Jr ng Pilipinas. Sang-ayon ako dun. Pwede namang tumutol, pero ako, okay na ako na si John Lloyd iyun. Dati pa naman ako John Lloyd fan. Rovic and Ponyang days pa.

Pero sa usapin na kinopya ba ng Pilipinas ang cover ng ibang bansa? Oo. Obvious naman. Pero okay lang iyun. Ginagawa naman talaga ng Esquire ang mga ganitong atake. Nauna na sina Iza Calzado at Angelina Jolie.

Angelina and Iza on the cover of Esquire. Lucky sheets.

Hindi naman daw ito ganap na panggagaya, dahil ina-approve naman ng mothership, meaning ng homebase ang mga inilalabas na cover sa Pilipinas. Pinapayagan naman siguro. They call it adaptation. Sigi. Ako naman, mas gusto kong isiping homage ito ng cover sa mga kinikilalang tao. So Homage yung isa kay RDJ, ito naman, homage kay Angelina. Pero okay lang din na ina-adapt ng Philippines ang cover ng original.

Though kung anuman, magandang publicity ito, at free publicity po for that matter. At bilang katibayan, mapapabili tuloy ako ng unang Esquire Magazine ng Philippines.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s