Euan’s First Days sa Class

Final na, official na. Euan is now a preschooler. Pumasok na siya last week sa San Lorenzo Ruiz de Manila School as prekinder.

official service, ang motor ni lola

Nakasulat sa wall ng school na pwede pa daw hindi mag-uniform sa first week ng klase kaya naman pina-feel muna namin kay Euan na party ang pupuntahan niya. Mauti na lang at hindi siya nanibago or nainggit sa mga classmates niya na naka get up na ng polo at khaki shorts. Kaya naman wala kaming picture ni Euan in school uniform sa first day of classes. And this is the start of a deviant kid.

a star after

Nag leave si Hasmin sa work para samahan si Euan. Ako naman, afternoon pa ang pasok kaya naman happy family kami after ng klase. May pre-orientation kasi ang parents, kaya habang may ginagawa ang mga bata sa taas, sa room nila, Wine-welcome na kami sa baba ng mga administrador ng campus. Ang tumatak lang sa mga pinagsasabi ay bawal ang buhok ng bata na mas mahaba sa collar. Shet. Paano na ang buntot ni Euan. Hindi muna namin iyun ni-problema.

After ng every-every thing, as in ang lahat-lahat. bumaba si Euan at may star siya sa likod ng kamay. Proud naman si Euan. Laging inihaharap ang likod ng kamay. Hindi ko alam kung paano niya nakuha, pero parang sabi ng teacher, itaas ang kamay ng gusto ng star, at nagtaas siya ng kamay.

uniform na sa next day

Mukhangna enganyo na naman si Euan na mag-uniform. Dahil iyun ang norm, kailangan niyang sumunod. Okay lang naman ang norm once in a while. Kaya naman, ginupitan ko na rin ng kuko. Isa ring magandang norm ang paggugupit ng kuko. Sinabi ko sa division head ng preschool na gusto kong ipalipat ng section si Euan sa pang-umaga para ako ang maghahatid at susundo. Kinuha ni Division Head ang name at surname ni Euan.

the too cool in school Euan

The next day, kinausap ko ang registrar. Sabi ko, i want to transfer my kid sa morning class, is that possible? Apparently, hindi pa pala nakarating sa kanila na may preschool kid na gusto magpalipat ng section. Understandable naman si Division Head na hindi tinupad ang salita niya dahil marami siyang ginagawa. First day of classes. Atsaka in-expect kong hindi niya ito gagawin dahil hindi niya sinulat ang name at surname na hiningi niya. But next time hindi na ako magiging maunawain.

And so, sa registrar nga. Sabi ko, hello po, gusto ko po sanang i-transfer yung anak ko sa morning section. Sabi niya bakit? Sabi ko. Kasi mas maraming student sa afternoon than the morning class. Sabi niya, hindi. Pareho lang. Pero sabi ko, i saw it on the door. Sabi niya, mayroon pa daw mga nagpa reserve ng slot. As of now parehong twenty seven ang classes. Sabi ko ulit, hindi naman makakarami ang isang student sa class. Sabi kasi nung matanda nung enrollment e 10-15 lang ang enrollees at pinagmadali kaming mag enroll dahil baka maubusanng slot. So hindi na makakadami ang additional na isa sa dinoble nang promise na number of student. pero hindi na ako umabot dun. Nagtanong siya ulit, bakit ko daw gusto pa rin i-transfer kahit pareho ang number of student. Sabi ko, nagpalit ako ng schedule. Sabi niya, e paano kung magpalit po ulit kayo ng schedule. Gusto kong sabihing wala ka nang pakialam dun. Pero ang sabi ko, Hindi na magpapalit ang schedule ko. At iyun mukhang nakuha sa tingin. Sa Monday ko daw tingnan ulit.

Aba’y titingnan ko talaga. Hindi masyadong affordable ang school ninyo. Kaya naman kapag ako, nag demand, at hindi natugunan, demanda ang abot ninyo.

Pero all in all. Masaya naman si Euan. Nung second day, umiyak siya. Drama mode kaming magtatay, at hindi ako nakaalis agad, at napa absent pa ako sa only meeting ko that day. Pero umuwi ulit siyang may Star and when i asked him if he was happy in the class. Sabi niya, happy naman siya. Happy pa rin siya until the third day. Mukhang magtutuluy-tuloy ang happy streak ni Euan sa school niya.

Maybe mas okay na Abet’s First Days sa Class ni Euan ang title ng entry na ito. At oo nga pala, President ako ng parents association ng class. Next time ko na kwento iyun. Kasama ng confrmation kung nagsinungaling sa akin ang registrar dahil nung parents assembly, i talked to the teacher of the morning class at sinabi sa aking wala pang 25 ang students niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s