Mana sa Ama: Ang Separation Anxiety ng Isang Preschool

And he will soon have his identity. May ID, May Entry.

At muling nagbalik sa akin ang lahat.  Walang pumapansin sa akin kasi wala naman sa aking nakakarinig. Hindi man nila nahahalata, pero umiiyak na ako. Hindi ako humihikbi, pero tuluy-tuloy lang sa pagpatak ang luha ko.Nakasilip lang ako sa bintana, kahoy na jalousies, hinahanap kung nasaan na ang ate ko. Si Mrs Santos naman, tuluy-tuloy lang sa pagsasalita at attentive sa kanya ang mga classmates ko. Nung dumating si Ate, may dalang coke na nasa plastic na may straw. Doon lamang ako umatungal.

While Hasmin, wifey is clueless why Euan, our new preschool kid is crying when we leave him in school, i fully understand. Nagmana siya sa akin. Iiwan ako sa mga hindi ko kakilala, everything and everyone is foreign tapos anlayo ng bahay namin na at 5 years old, Euan is younger, 4 1/2, e hindi alam kung paano umuwi? Nasaan ang security? And so i cried. And so Euan cries. Pero hindi ko alam kung pareho kami ng dahilan ni Euan. Or kung yun talaga ang dahilan ko some 25 years ago.

Seven days nang pumapasok si Euan sa class at kalahati nang mga panahong iyun, umiyak siya tuwing iiwan. The first day was okay. Masaya siya. But the second day, definition ng bothersome. Nakita ko siya sa likod ng mga classmate niya at namumugto ang mga mata. hindi rin siya nakikita ng teacher. Palinga-linga sa bintana, glass window sila ngayon, kasama sa tuition ang aircon. Pag natatanaw ako, umiiwas ng tingin. I excused myself sa teacher para makapagpaalam kay Euan. Iyun, yumakap at umatungal. Ayaw ako paalisin. That was the first episode. That was my first absent sa work dahil pumasok ako sa school.

May isang episode din na flag ceremony nila and he cried again asking me to wait in school. I said i can’t umiyak lalo. Sabi ko okay. I’ll be on the ground floor pag tapos ng klase niya. Iyun, umuwi pa rin ako at bumalik bago matapos ang klase.

The weird thing is kapag umalis ako na feeling ko na iiyak siya the whole three hours sa classroom, e mali ako. Kapag sinusundo ko naman siya, pag sinasalubong ko e okay naman. Masaya. “Happy ka ba sa school?” “Opo!” sagot naman siya. Tapos papakita niya yung star niya, or kukwento ang ginawa ng classmate niya. WTF? Nasaan na iyung pangamba ko?

There were times din na kapag lola niya ang sumundo because i have to go to work. Things were okay. Ine-expect ko na magagalit siya kapag wala ako sa sunduan, butno. Nagku-kwento pa rin siya nang ginawa nila sa school. Like he got a star for sleeping. Wow, nakaka-star na rin pala ngayon ang pagtulog.

Ayun naman, May Star siya for Sleeping

Iyun nga, kanina, ganun ulit. kaming dalawa na lang ni Hasmin ang naghatid. Request niya. Nawala kasi ang momentum ng pagpasok sa klase. Absent si Euan dahil sa bagyo. Three days. Thursday, Friday tapos weekend, tapos kahapon, the only day na official na walang pasok. So back to square one. Paghatid namin, lumuluha na naman siya. Pero wala nang yakap-yakap this time. Nagba-bye kami as if hindi siya umiiyak. Tapos sabi ko, nasa baba lang ako. 2nd floor kasi ang room nila. Nagbabay rin siya. Nag flying kiss ako. Flying kiss din siya. Tapos umalis kami. Tapos nung sinundo ko siya. Masaya naman.

Sana makasanayan na niya ito. Huwag sanang sing haba ng mga episodes ko nung prep ang pagdaanan niya. Okay akong clingy siya sa parents, like sa amin. Pero huwag naman sana siyang maging clingy ko nung kabataan ko. Kasi, as far as i remember, hindi ako nagpapaiwan sa school, lumilinga-linga ako sa bintana, confirming the presence of my guardian and that was unti i was in Grade One.

Masaya na siya sa ganyang ngiti. Alam iyan ng mga ninang at ninong niya.

4 thoughts on “Mana sa Ama: Ang Separation Anxiety ng Isang Preschool

  1. Hahaha! Si Alab pumapasok na din. Pero hindi siya umiyak man lang kahit konti. parang ayaw na niya sa amin at sabik na sabik siya sa school!hahaha Masyado pa nga siyang bata para pumasok at 2 and 10 months. Sabi ko na lang, kapag ayaw na eh di tigil. hahaha

    Go for the stars Euan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s