Mga Signos: A Bill to “Ban God”

The week opened with a news that a congressman was trying to pass a bill which, according to Cito Beltran’s Philstar Article was trying “to ban god.” Hala, ito na ito. Nag-uumpisa na ang mga senyales. It is here. It is coming. Election na naman. May nangangampanya na. Idagdag pa natin ang holdapan sa Robinson’s Metro East, may naghahanap na ng pondo sa kampanya.

Pero focus muna tayo sa Congressman’s house bill. Ayon sa article sa Philstar, na na-copy and paste ko, dahil mukha na-copy at paste din nila, ang batas na sinasabi ay may modang

“the state cannot be seen as favoring one religion over the other, in allowing the prominent conduct and display of religious ceremonies and symbols, respectively in public offices and property.“

“Religious ceremonies shall not be undertaken within the premises and perimeter of their offices, departments, and bureaus, including publicly owned spaces and corridors within such spaces and corridors within such offices, departments and bureaus.”

Religious symbols shall not be displayed within the premises and perimeter of their offices, departments and bureaus, including publicly owned corridors within such offices, departments, and bureaus,”

Ang mga ito ay under the “RELIGIOUS FREEDOM IN GOVERNMENT ACT” filed by Kabataan Party list Representative Raymond Palatino. Si Mang Mong naman o. Kung makapagfile ng bill. Ang controversial. At ang close to election day. Nababahiran tuloy ng pagka-trapo. Masasabi rin, ano? Unless, Mang Mong is not wanting a position another after the 2013 election, I am wrong.

Kabataan Party List Representative Raymond Palatino

Alam naman nating ang pagpapaka-controversial ay isang paraan ng pagpapakilala sa mga tao. Hence showbiz is politics and politics is showbiz. Sa ginawang ito ni Mang Mong ay talaga namang nakilala siya ng mga mambabasa ng diyaro at internet. More than pagpapakilala ng name, e tinarget ni Mang Mong ang isang particular na sekta, ang catholic church. For sure, maraming katoliko ang hindi boboto sa kanya. Pero hindi naman kailngan ni Mang Mong ang boto ng mga katolikong ito. Mang Mong is a partylist representative at kailangan lang niya ay percentage ng voters. The Bill might be infamous sa mga katoliko, pero para sa mga radical, at sa mga lampake sa anito ni Jisas na nakatapis, this is a good one. Siguro ay makaka 2% of the all the votes na siya, or ang partylist niyang kakatawanin by this pagpapakilala.

So from the author ng bill, punta tayo sa panukala niyang batas. Ito ang aking two cents. Sabi ng mga Born Against, religion is a personal connection with God, so dapat lang ay hindi ito pinangangalandakan. Pero depende rin sa institusyon, kunyari, papasok ako sa Ateneo, e huwag naman akong epal na patanggal ko yung mga santo nila. Private na iyun. Tama si Mang Mong na limitahan ang mga ito sa public places. Hindi naman lahat ng tao sa mga pampublikong lugar e katoliko.

Kasi naman, kunyari may school, or may public office, tapos may mga santo, hala, questionable na agad kung saan galing ang pinanbili nun. E di sa Tax. E nagbabayad naman ng tax ang mga taga Dating Daan, hindi man as a religious group, pero as individual working citizens. Hindi naman makatarungang pinambili ng anito ng ibang relihiyon ang contribution nila sa Pilipinas.

Pero sinabi nga ni Mang Cito na sa Amerika e bawal na ang magdasal sa mga eskwelahan. Ayoko rin namang mangyari sa Pilipinas iyun. Ayoko pa ring alisin ang prayers sa mga schools. Mahalagang maturuan sa eskwelahan ang mga bata na may Diyos or being that they can run to or is watching or is just when no one is.

Yung prayer sa mga offices na lang ang alisin. Have your own time to pray. Or create a group na nagpe-pray, like the Divine Mercy Say A Little Prayer Movement, mag hq kayo sa 19 spencer street cubao, quezon city or call 7228324 or 7214350, tapos pag alas tres, tago muna kayo sa isang kwarto and say your three o’clock habit. Applicable ito sa college at working na.

Alam ninyo ito, bago pa man yung medyo hi tech na may gumagalaw na editing sa ABS CBN ngayon, ito muna.

So there, I like the bill, but I don’t like the timing. And Mang Cito was right in his opinion that “Congressman Palatino should pay attention to his work and his assignment.” Taga Kabataan Party List kasi si Mang Mong, bakit naman parang sa Jisas Is Gad, Saviour As Well or JIGSAW Partylist siya nakasali. Mas dapat ay pinapaamoy niya sa populasyon ang mga batas na naipasa niya para sa mga minoridad na nire-represent niya. Alam mo Mang Mong, matutulungan kita diyan, try natin i-pass ang aking  MY GOD, SHARE YOUR PRIVILEGE NAMAN BILL” click mo for details.

Done with Mong, kay Mang Cito din, hindi rinkita palalampasin

Pero hindi ko rin papalampasin si Mang Cito. Alam naman nating papansin lang ang title ng article mo na “Congressman wants to ban God” dahil hindi naman talaga ito ang konteksto nung house bill. Ayan, ni-link pa kita for more visits sa Philstar website. But going back, stop is the meaning of this? I mean what is the meaning of this? “…but they can have an abortion on demand and now they have the first Black American President who supports gay marriage.” Ano ang ka-level ng abortion sa having a “first black american president” na statement? Is it having a Black President? Is it having someone that supports gay marriage? Or both? Are you a racist? a sexist? or a racist sexist in one? But i admire you still for having strong opinion and not running for a position in the government.

Dahil ayun nga, lumalabas na ang pagpapasabog at pag-iingay ng mga tatakbo sa susunod na halalan. Nasaan na ang anti epal bill kung kailngan mo siya. Pero sana, manatiling puro ang mga alternative candidates, na kahit hindi sila manalo ay lumaban sila ng patas. Hence, Mareng Winnie, Satur, Lisa Masa. Pinanghawakan nila na hindi nila kailngang maging trapo para manalo. Though hindi nga lang sila nanalo. But at least, Faith in Humanity was restored. Was. Mang Mong. Kabataan naman. Huwag jisas-jisas. Next time ha, after all, it’s not yet the end of the world.

3 thoughts on “Mga Signos: A Bill to “Ban God”

  1. Hahaha, nakakatawa talaga ang pagka sarkastiko mo. Alam mo bilib ako dyan kay Cong Palatino. Nakasama ko siya sa Congressional committee hearings on Education. Masipag at may alam si mamang yan. Habang ang mga ibang kongresista late dumating, lumalabas, nagpapapa cute sa media, si Cong Palatino, inayos ang mga isyu sa Ched at medyo sinabon si Vitriolo. May punto din naman ang panukala nya, naunahan lang nga ng intriga sa ating hipokritikong lipunan. Balita ko galit na ang mag arsobispo sa kanya.

    1. i know. gusto ko nga yung batas niya. may mga ilang bagay lang pang dapat pag usapan, pero the core idea is good. Sayang nga lang at binawi na yata ni Mang Mong ang house bill na ito kanina. Give-up-era si kuya. na-pressure ng church?

      Anyway, I know he is a good man, kaibigan siya ng mga kaibigan ko. at naiboto ko rin siya na chair ng student council back on those days.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s