Patuloy Pa Rin Sa Pagluha

Hindi ito drama.

Well, almost isang buwan na rin akong naghahatid kay Euan sa kanyang school, at iyun, todo pa rin ang tiis ko na hindi pansinin ang kanyang pagtingala kapag iiwan ko na siya. Kanina ulit tumingala siya habang pinapasok ko ang bag niya sa classroom. Humawak ulit siya sa kamay ko nang mahigpit na parang ayaw magpaiwan. Pero kailangan daw, tough-tough-an. Kaya iyun, ginabayan ko na lang siya papasok tapos kinuha na siya ni teacher. At iyong pagtingala niya, may sumabay nang hikbi.

Adding salt to the injury/To add insult to the injury/Rubbing salt to the wound, e yung kumag na kaklaseng lalaki. This cute little boy na gusto kong kunan ng buhok, ilagay sa manika, ipasok sa bote at isabay sa bigas tuwing magsasaing para hindi na lumaki.

May isang kumag na batang nagsabi. “Iiyak na naman ‘yan.”

Ouch. Ako yung nasaktan. Sana hindi pa naiintindihan ni Euan ang pangungupal nung bagets, kasi, parang mas doble pa ang sakit nun for me.

Pero iyun, medyo masaya pa rin siya noong uwian na. Kaya lost na naman ako.

Well, iyun naman. After this week, kapag walang nangyari, more than a month na rin naman, magtatanong na ako kay teacher kung normal pa rin iyun. And if it is, ano na ang ginagawa nila. Sa tingin ko kasi e hindi nagagawan ng teacher ng kaibigan si Euan sa classroom, kaya hindi natutuwang maiwan doon. Pero opinion ko pa lang iyun. I’ll ask na rin this week.

One thought on “Patuloy Pa Rin Sa Pagluha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s