OMG si Euan: Oh My Gulay!

The Gladiator

Kasagsagan ng Spartacus nung gawin aming Gladiator si Euan para sa Trick or Treat niya sa HP, office ni Hasmin sa Makati.

Yellow Angry Bird

The following Halloween party na ina-aatend-an ni EUan e sa bagong office na ni Hasmin. Sa DGP kung saan first prize ang Yellow Angry Bird Costume niya.

Para naman sa taon ngayon, wala pa namang Halloween Party na pupuntahan pero magco-costume na ulit si Euan. Bahagi siya ng Nutrition Month Program ng San Lorenzo Ruiz School de Manila. Dahil Nutrition Month, kailngan niyang maging healthy food. At ang binigay sa kanya, AMPLAYA.

Sus, parang hellweek lang.

So, punta na ako sa Palengke ng Marikina kung saan mabibili ang lahat ng kailangang needs para sa mga ganitong okasyon. Leotards at Tights daw ang basic costume, so go na sa Marikina Dry Market. Second Floor, at iyun na. Tapos para sa head dress, kung saan ang amplaya ang bida, sa Joaquin naman, ang tindahan ng mga supplies ng tsinelas. Kailangan ng green na rubber foam. May ate pa nga ako na naghahanap ng pula. Tiananong ko talaga.

Ako: Nutrition Month po?

Ate: Oo.

Ako: Anung anak ninyo? Sa akin kasi, Ampalaya.

Ate: Cherry.

Ako: Ay ang sosyal naman ng school ninyo. Naka fruit salad, kasi kami Pakbet yata.

Ate: Buti hindi alamang yung anak mo.

Ako: May allergy siya e.

Tapos dumating na yung order ni ate. Rapor din sa tindahan. Mahalaga sa paghihintay. Then finally, home. Tapos gawa na ng head dress. At meron akong four easy steps to do that.

1. Sa Rubber Foam na color green, create the shape of the ampalaya and the things na gustong makita kaakibat nito.

Tumulong si Euan sa paggawa ng pattern. Syempre, charot lang yun. Nagdo-drawing siya ng mga cars sa rubber foam. Pero yun talaga ang unang step. Draw the patterns.

2. Gupitin ang mga natrace sa rubber foam.

Dahil bawal pa kay Euan ang paggamit ng gunting na matalas, ako na ang gumupit. Dapat inilalayo ang mga gunting sa bata, dahil baka maging parlorista paglake. Charot lang ulit. Marangal na trabaho naman ang pagiging parlorista.

3. Pagdikit-dikitin ang mga shapes na nabuo sa rubber foam ayon sa pagka-imagine noong dino-drawing pa lang.

Rugby ang ginamit kong pandikit, para high si Euan habang nagpe-perform at hindi mahiya. Tapang trip lang.

4. And finally, isukat kung fit ang ginawang costume.

Mukha lang nabulok na ampalaya ang kulay dahil sa flash, pero green talaga yan. Pero iyun nga, ang final stage ay fitting, at pag fit na, ready na for the next event.

At iyan ang four steps sa paggawa ng Ampalaya Head Dress para sa Nutrition Month Program ng school. Hanggang sa uulitin mga ate at kuya dito lang sa Art Angel, Art Angel…

Iyun naman, Bukas na ang event, kaya male-late kami ni Hasmin sa mga opisina namin, dahil magpapaka-stage parents muna kami. Pagbigyan nawa kami ng aming mga bosses. Ipo-post agad namin ang performance ni Euan sa school para naman matuwa rin kayo.

Oo nga pala, two days na siyang hindi  umiiyak sa school. Kanina na lang ulit, nung nakalimutan siyang salubungin ng lola niya nung sunduan na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s