Nguynguy ng Isang Binaha

I would have opted for Hagupit ng Habagat, pero nag-unahan na ang dalawang station sa title na iyun nung gabing humahagupit ang habagat. At least i have my own initiative to think of what the other might use.

But speaking of the networks, sa panahon ng bagyo, sa panahong sira-sira ang mga poste ng kuryente, at ang ilang kabahayan na hindi brownout ay problemado naman dahil sa kanilang antena, at sa mga ganitong panahon, maaapreciate natin ang linaw ng reception ng GMA sa Metro Manila and the nearby suburbs. But other than that, may i just say, in line with this nakaraang delubyo, “My God, GMA, ang labo ninyo!” And this GMA has nothing to do with the GMA na nakalalaya ngayon at dapat ibinabalik na sa kulungan.

Of course I am saying this with all bias sa ABS-CBN, doon ako nagtatarbaho, pero more than that, I am saying this bilang isang taga Marikina na naabala, may mga kapitbahay na nagka-alta presyon, may mga magulang na nagpanic at muntik mabangga, may asawang buntis na na-stress dahil sa may i say, iresponsableng pagbabalita ng GMA.

Anu bang nangyari at may ganito akong nguynguy?

Tuesday, madaling araw, sa kasagsagan ng pagtaas ng Marikina River, pumunta na kami kina Hasmin sa Sto Nino, kasi, alam naman natin na ang aming bahay namin sa Nangka ay isang kendeng lang mula sa ilog. Lumusong kami sa baha, mga midway ng legs bago magtuhos, buhat-buhat ko si Euan at ang laptop na ito. Hasmin’s place is malapit sa palengke kung saan tumilapon ang Thai assassin na humahabol kina Jeremy Renner sa Bourne Ultimatum. Relatively, mataas naman ang lugar, pero lumubog pa rin ang first floor noong panahon ng Ondoy. The news said na patuloy pa rin ang pagtaas ng ilog. So I decided na pumunta na lang sa Richmond Hotel para don na lang kami magstay over night, para lang hindi mastress ang buntes. Pero te whole family, including the inlaws, decided na sa Kamag-anak na lang sa Pantranco magstay at isama na namin ang lola sa tuhod ni Euan, si Tita Dap, at ang pamangkin na si Kuya Gab. Okay. Peor mahirap maghanap ng sasakyan, so Nag Eurotel na lang kami. Hanggang Cubao lang kasi ang kayang i-offer ng taxi.

The next day we went back home. Wednesday  na. Parang okay na naman. Pababa na ang baha. Nakatulog na rin kami sa bahay. Kaya lang come madaling araw, may tweet ang GMA news, 28m na daw ang Ilog Marikina. WTF? 23m kasi ang Ondoy, paano kami nakatulog pa? So we turned on the radio. Ang announcer ay nagpa-panic, sumisigaw na parang pinapaalis na ang mga Marikina dahil mas mataas daw sa previous day ang magiging baha. There was even this guy na ini-interview na mas panicky pa sa paniki. E intense din ang background music ng radio program, kasi pampagising ito e, alas kwatro nang madaling araw. Pero that moment, pampabulabog ng kalooban ang naganap. Ni-nerbyos ang in-laws ko. Iyun, nagmadaling iakyat lahat ng gamit sa 2nd floor. At pagdating nang alas singko, iyun, lumabas kami sa compound, were we were dumbfounded by the site. Iyun, tuloy ang negosyo sa palengke, may mga babaeng pusturang-pustura, may clutch bag, papasok sa opisina. Time warped kami. Ano yung pinagsasabing mataas ang ilog, ano yung panic na naganap sa radyo?

Then i went to my parents location, nagpanic din daw siya, nagmotor pabalik sa Nangka because my Kuya is there, watching over our house. Panic din daw sa kalsada, parang sa pelikula daw. Muntik pa daw siyang mabangga, at yung makakabangga niya, muntik din mabangga, among others. I am not sure kung DZBB ang pinakinggan naming radyo, pero ang sure ko, ang channel lang na available sa bahay nina nanay ko ay GMA at GMA News. At iyun nga, lo and behold. There’s nothing to be “loed and heholded!”

Bakit kasi kailangang mag-cause ng panic? Tulad ng lindol, ang mga sakunang ganito ay dapat hinaharap nang kalmado at nasa tuwid na pag-iisip. Hindi iyun maa-achieve kung dumadagundong ang pagbabalita ng mga mamamahayag.

Iyun lang naman ang nguynguy ko. Hindi ko naman plan na manira ng network ha. Competition is always necessary. Dahil sa GMA, mas quality ang shows ng ABS-CBN, unlike dati na to quote a writer, maglagay ka ng tae sa TV magre-rate. Dahil naging competitive ang GMA, na-pressure maglabas ng magagandang programa ang ABS. Marami rin akong friends sa GMA at nasa News Dept din sila. Gusto ko lang talagang i-nguynguy yung stress na dulot ng maling pagbabalita.

At ito pa ang ilang nguy-nguy ko.

Sa mga rescuers. Ang galing. Sa mga ngumunguynguy sa nanre-rescue, bakit kasi kayo nasa lugar na iyan at kailangan pa ninyo i-endanger ang buhay ng mga rescuers para sagipin kayo? Hindi pa ba kayo natuto sa sa Ondoy? Ako kasi, sapat na sa akin ang Ondoy experience ko, sa bubong, giniginaw, naging matapang. Alam ko na kung paano matakot at maging matapang. Okay na iyun, kaya this time, sa aircon naman kami nagpalipas ng bagyo.

Sinasabing natatakot silang iwanan ang bahay nila dahil baka manakawan sila. Kung may pambili sila ng mga bagay na kinakatakot nilang iwanan, e dapat may pambili sila ng bahay sa ligtas na lugar.

2. Nakakatuwang isipin na nilalagyan ng gravity wall ang gilid ng Nangka Marikina upang hindi maubos ang lupa sa gilid nito tuwing raragasa ang baha. MEdyo ilang metro na rin ang nagawa. THe nguynguy part. ginagawa pa lang ito, e bumigay na. SIra na. warat na. At na-expose ang maninipis na bakal na ginamit. The maninipis na bakal part ay narining kong nguynguy ng kapitbahay namin. Hello po, may corruption bang naganap dito? Bang!

3. Sa mga politicians naman.

PNoy, may kasama ka bang senatorial line up? WTF?

 

Hindi na naman lingid sa kaalaman ng lahat ng Vice Mayor ng Marikina, si Dr Cadiz, ang humarap sa media sa panahon ng delubyo. clap-clap. Pero nasaan si Del De Guzman? Kasama ni Elisa? Nag Del Deliver somewhere? Well, ang sabi ay nasa states daw siya attending a seminar on disaster management. Wow, nagse-seminar habang may disaster na dapat i-manage sa kanyang mga constituents. Wuw. May power chika din na may personal effects daw na pinuntahan sa States. at dumaan daw for a while sa London para manood ng Olympics. Well, ang katotohanan ay hindi na natin malalaman, katulad ng katotohanan na naganap noong Ondoy.

4. Ondoy. Andaming namatay sa Marikina, sa Provident. Dahil sa pag-apaw ng Marikina River. Naniniwala akong mas todo itong Habagat na ito kumpara sa Ondoy, pero bakit mas malala ang dulot sa Marikina ng Ondoy. May nagkamali noon.

Anyway. iyun, tulad ng dati, nakaraan na ito, ang kailngan na lang e matuto from here. Na-appreciate ko ang ginawa ng government na pagma-manage ng sitwasyon, ang mga balita ng pamahalaan, lagi kasi akong nakatutok sa DOST_PAG-SA sa twitter.

Iyun naman, nguynguy lang. Sige, na. Balik na muna ako sa tarbaho. Always watch our show, CGETVInDaLoop

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s