May Gaaaad, God, You Are So… God!

Kasi naman God, aminin mo, ang close na natin lately. Medyo clingy ka rin, ayaw mong hindi kita naaalala. Kaya naman ngayon, my god, kahit sa pagpara palang ng taxi, tinatawag na kita. Like, My God, sana naman, isakay ako ng taxi na ito hanggang Marikina at huwag naman sanang humingi ng dagdag ang driver, please!

Pero alam naman nating pragmatic lang ang relasyon natin, kailangan kita, ganyan. Hindi ko nga alam kung kailangan mo ako. Medyo one way ang communication natin. Mag-a-ask ako, tapos hindi ko naman alam kung anong plano mo. But that’s okay. Minsan naman kasi, ikaw ang nauuna, walang paalam, walang pagbabadya, walang hint. Like hala, buntis si Hasmin. Naka RH Bill kaya kami kaya naman anlaking tawa ko. Parang My God, hello there, joke ba ito? Iyun, nakatulog ako sa kakatawa. Totoo, alam mo yan god. At alam mo rin na Hasmin thought the same. But unlike me na tumawa, siya umiyak. Lagot ka, pinaiyak mo si Hasmin. Pero okay na naman siya. Pareho na kaming ngayong rumarapor sa iyo para gawing healthy ang second baby namin paglabas. Na sana sakto ang daliri, like ten sa kamay at ten sa paa, at sana kumpelto lahat and all, atsaka gawin mo siyang matalino at mabait at mayaman.

Hindi kasi simple ang scheduling mo sa pagbibigay sa amin kay codename U2. Tyempo talagang September siya lalabas ha, though I am not praying na manganak si Hasmin any earlier. Check na kami god sa mid to third week ng September. Kahit na Septemeber ang schedule nina Ondoy and Pepeng at ng mga bagyong nakikipagpalakasan ng powers with you, go na kami sa September. Okay na kaming mag maternity leave si Hasmin sa house ng kanyang parents, at least, walang threat ng pagbaha. Or meron din.

Very preggy Mommy Hush and I. Refugee with Euan sa House sa Palengke malapit sa set ng Bourne Legacy

Kasi naman god, nag-21 meters naman ang Marikina River nitong major habagat this August. Aminin mo, 2 meters na lang, Ondoy another na naman ito for Marikina. Pero of course, thankful kami na we survived that, May Gaaad, God, paka busy mo rin those days ha. I bet nangarag ka rin sa paghahanap ng off button ng “end of the world” and congratulations, napindot mo naman just in time. Though parang na-hatsing ka at may second wave.

Bahay namin yung medyo kakulay ng bahay ang gate. at iyun, kitang-kita naman mula sa picture nina Aling Nida na lubog ang gate naming floor to ceiling… fan.

Iyun naman, kasama ang pamilya naming sa mga panikero nung second wave ng baha just the next day. Bumaba na ang ilog. Kaya naman nilabas na naming ang mga sofa, lamesa, washing machine at iba pang naisalba para naman mahugasan na ang putik. E iyun, tumaas ulit ang baha, ba-bye furniture.

Well, ganito lang naman tayo, rapor-rapor, hihingi ako, tapos wait lang awhile. Minsan bibigay mo, minsan, hintay-hintay din. Basta, ang award ha, this August na yata iyun, akin na iyun. Na-claim ko na. Ibigay mo na ples. At thank you na rin. Hindi lang naman ito para sa akin kundi para sa sambayanang Pilipino. So God ha, daily ko na ito hinihingi sa iyo. At kine-claim ko na, hindi na ako nagte-take ng no for an answer. Nagte-take na lang ng note. Or notes. Ahahahaha!

Pero parang lagging may nakikipagsabayang  concern ditto sa award na ito. Yung tipong, kahit huwag na iyung award, pagalingin mo na lang ang tatay ko, and pababain ang bill sa hospital. Pero yung award na rin. Kaya mo namang isabay iyun sa health ni Daddy. Kasi naman talaga, hindi pa nga kami nakakabalik sa putik infested house, e na-stroke naman si Papa. May Gaaad naman God, you’re such a…God.

At aminin mo, na-best din ang dasal naming nun. Ratsada agad kami ni Mama sa motor niya para makarating sa St. Vincent Hospital, kasi naman, si Mama, walang cashing. At ang St. Vincent Hospital ay back to the movies of the seventies to nineties. Yung hindi mag-a-admit ng walang deposit. Thank you God at kakasweldo lang at ang limang libo, naghello at nagba-bye na lang sa BDO, then sa kamay ko. Hindi man lang naromansa ng wallet ko. Well, inisip ko na lang na private hospital naman kasi ito, kaya pinayagan ng gobyerno. Siguro sa mga Public/Government Hospital ay gagamutin muna ang pasyente bago singilin, which is makatao, mabuti, marangal, positibo at walang intensyong maging ganid na pamamaraan. Pero bakit ako magtitiwala sa isang government hospital na hindi pinupuntahan ng mga government officials kapag nagkasakit sila? Si GMA nga, namahala sa Pilipinas, pero sa abroad pa nangangarap magpagamot. Diba God, that’s not fair, and God, ikaw na ang bahala sa kanya and the likes.

So enough about that, isusulong ko ang bill na iyan kapag senador na ako. But for now, tuloy ang kwento sa aking tatay na si Jompong sa ospital ng St Vincent. There. Dahil nga na-stroke, kailangang malaman ang damages sa brain na naganap. My God, gusto ng mama ko na ipagpasaiyo na lang ang mga nangyayari dahil natatakot siya sa gastos nang marinig na kailangan ang CTScan. Pero may I ask naman si Nurse, iyun, tupayb lang naman daw. Well, God, ambait mo rin at na-timing sa sweldo ko ang situation. SO iyun, 2-5 lang pala, go na tayo mama. Then sabi ni Nurse, kailangan pong i-ambulansya. Okay naman ako. Then entra na naman si Nurse. 5 thousand po ang ambulansya. Ay Ate, nasaan ang CTScan, nasa Hong Kong? God, niloloko ba ako nito? Apparently not. Other than the 5k, kailangang bayaran ang nurse at doctor na sasama pati na rin ang oxygen tank. Wow.

Mabuti na lang God at you move in mysterious ways. Just like love. Or are you love? Because if so, are you blind? And if you’re blind, are you justice as well? Maybe in another world, but not in the Philippines. Para kasing walang hustisya para sa pasyente ang naganap na perahan. Kung hindi lang maparaan si Mama at nakakuha ng Ambulansyang libre, at isinama na lang naming ang pinsan kong doctor. At iyun naman, with you’re mysterious ways, hindi rin naming alam kung saan nahagilap ni Mama ang ambulance. Akshali, ansaya ko kasi makakasakay ako ng ambulance na hindi ako pasyente. I’m gonna experience that adrenaline rush kapag mabilis na itong tumatakbo at nagwawangwang. Baka mapa Diyos ko ako sa bilis.

Napa-Diyos ko naman ako. O di-ba God, from Taxi to ambulance, natatawag kita. Pero this time e My God, ambagal. Parang sinusunod nila ang speed limit sa Commonwealth. Pero okay naman, wala akong reklamo, mas may reklamo pa ang mga staff ng ambulance, na kasi kailngan nilang magmadali. Apparently, isa na lang ang ambulance na rumoronda sa buong Marikina. Tatlo daw dati, pero dahils aHabagat, nabaha ang dalawa. Kaya itong isa na lang ang nagagamit. So iyun God, tulungan mo naman ang Health Office ng Marikina. Sana may ma-touch ka na heart at tumulong sa Oplan Ambulance na ito.

ang sabi lang ng nanay ko, “Kapit-Bisig!” maraming salamat sa Be Careful With My Heart for being an inspiration to our family, especially my Mom.

Na-touch din naman kasi ako God sa result ng CTScan. Wala namang pumutok na ugat sa utak. At iyun, medaling makaka-recover si Daddy sabi ng Doctor. Pero God, ang recovery ni Daddy ay nakikipag-unahan sa bill. Wala namang problema, alam ko namang mayaman ako at kayak o itong bayaran. Hello, ang friendly ko kaya. Para saan pa God at binigyan mo ako ng maraming friends, kung hindi ko sila gagamitin. Haha, cheka lang, pero text ko na lang sa inyo ang bank account ko. Patak-patak na tayo in a while.

Talaga naman din kasing todo sa pagpatak ang metro sa Hospital. At tulad ng Taxi, God, bakit ganito? Ang St Vincent, may nalalaman pang Red Tag. Stop is the meaning of this? Kapag umabot na ng P25,000, kailangan ng magbayad dahil kung hindi, stop production ang gamot at laboratory ng pasyente.

Hala God, why are they doing this?

Syempre, ako, bayad na muna bago reklamo. May God, salamat at pinadalhan mo ako ng credit card na dalawang taon ko nang hindi ginagamit, dahil nagkaroon ako ng lakas ng loob na magtanong in a class A tono ng pananalita.

Ate, ano ba itong Red Tag na ito?

Explain si Ate. Iyun nga, kapag umabot ng 25K, kailangang i-settle nga or else.

So ibig sabihin, kung hindi ako nakabayad, hindi bibigyan ng gamot ang dad ko?

Bibigyan naman po, pero kailangan nap o ninyong bilhin ng cash ang gamot ditto sa pharmacy.

So kung wala po akong pambili, kunwari lang. Kunwari lang ha, alam naman ninyong meron, hindi mabibigyan ng gamot ang tatay ko?

Kasi po sir, may mga pasyente po na lumalaki ang bill, tapos iyun, makakalabas na na hindi nakakabayad.

Oh, so hindi nga mabibigyan ng gamot ang tatay ko? Kailan poi to na-implement?

Last year pa po?

Is this even legal?

Legal naman po?

Naman? So hindi kayo sure? Tipong, deeling rin ninyo in yourself na “hindi makatarungan” Well, sulat ko na lang ito sa blog ko, blogger kasi ako.

Iyun naman, medyo hindi ko na siya binigyan ng time maka-explain. Parang hindi naman niya magagawan ng paraan ang problema ko. Pero anlakas makapressure sa mga kausap ang salitang “blogger ako!”

Thank you God  for making me a blogger. Kahit iilan lang ang nakakabasa nito, kine-claim ko na blogger ako. And I know, you’ll help me spread my word. Though come to think of it, kung gusto mong kumalat ang words mo, dapat naging blogger ka na lang din. Cheka lang God. I love you po.

Iyun po God, medyo mahaba-haba na itong parang prayer na ito. Alam mo naman kasi na pag prayer mode natin, pag mga discussions natin sa gabi e hindi na ako umaabot sa page three, tulog na ako, at may nakakasingit pang ibang pantasya rated SPG in the process. E ito, page four na ako MS Word. Ipo-post ko pa ito sa blog. Thanks again God, at tulad nang lagi kong sabi sa iyo, ikaw na ang bahala. I’ve done my best, ikaw na sa rest. And I rest my case.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s