Miguel is Finally Home

Ba-bye St. Vincent. Hindi ka na sana namin kailanganin in the near future, or kahit sa far away future na rin,

Dapat lang. Quota na ako kay St Vincent. Hindi ko kilala ang santo na iyan, pero naririnig ko palang angpangalan, e naghahanap na ako ng antihistamine. Pero dahil nga quota na. tapos na. Finish na. Period. Wala na akong kadugong nakatuntong sa St Vincent Hospital dito sa Marikina.

Kaya naman palakpak na tayong lahat. Celebrate naman diyan, sumabay tayo sa saya ng 100-year celebration ng Coke. Si Miguel, ang bagong little angel ay nakauwi na sa bahay namin.

Welcome sa iyong tahanan, Alberto Miguel. Miguel for short. Hindi Migz, Hindi Miggy, at lalong hindi E-guel.

Walang kokontra, napaka-cute ni baby Miguel. Hindi ko kamukha. Kamukha ng nanay. Na weird, hindi naman mukhang anghel ang nanay niya. Siguro sa akin nakuha yung banayad na aura.

Pero iyun nga, gusto ko lang magpasalamat kay God dahil magiging masaya na kami nang lubusan. Sabi ng pedia, Miguel reached the leel 14 jaundice, when he was first fiagnosed. Hindi ko naman alam kung ilang levels mero ang jaundice, pero eventually, naging level 11 na lang daw at level 8 na lang ngayong kami ay na-discharge. Grabe yugn salitang discharge, usually, pambabae lang iyun, ero ginagamit ko ngayon. Pero iyun na nga, dahil may discoloration pa rin daw si Miguel, kailangan pa rin namin siyang ialay kay Haring Araw tuwing umaga para lubusan nang mawala ang Jaundice niya. Enlighten us please nga dito sa Jaundice na ito, pa-schare naman ng infos ninyo.

As of the moment, nasa kama na silang magnanay at tulug na tulog. Si Euan ay nasa baba, nakikipaglaro kay Kuya Gab, ang pinsan niya. Sa mga hindi nakakaalam, kami po ay kasalukuyang naninirahan dito sa Markina Palengks, sa E. Dela Paz St, Sto Nino, right beside, take note, right and very beside the Bourne Legacy Shooting area. Katabi mismo ng gulayang tinilapunan ng Asian Assassin na humabol kay Bourne from MRT to Marikina. So iyun. Dito na muna kami sa Sto Nino. Hindi ko alam kung kailan kami babalik sa Nangka, siguro kung hindi na threatening ang weather, at hindi na mabaho ang kusina dahil sa nakaraang baha at kapag umayos na rin ang lahat doon. Pero mas okay na rin sa Nangka, Huwag lang sa kahit anong ospital.

Pahabol Pictures pa.

Happy Mommy and the Sleepy Baby
Ang unang beses kong pagbuhat kay Miguel. Worth it naman ang paghihintay.

2 thoughts on “Miguel is Finally Home

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s