Para sa Editor In Chief ng the Varsitarian

ang controversial post this week.

Chinese ka ba? Kasi ikaw yung Editor Intsik. Joke lang.

Pero ito, gagawin ko lang sanang status ito sa facebook ko, pero parang napakahaba at napaka-inspiring. kaya, dito na lang sa blog ko.

To the editor in chief of the varsitarian,

I am so with you in your editorial opinion. Masasabing nakakahanga. Ang pagbangga sa opinyon ng mga “matatalino” not even, nakararami, at sa pagamit ng editorial ng inyong school paper, ay napakatapang.

Hindi ko sinasabi ito dahil sa sumasang-ayon ako sa opinyon mo. Pero hindi rin ako hindi sumasang-ayon sa iyo. nandoon lang ako sa iyong lakas ng loob na magpahayag ng iyong pananaw.

Sa panahong napakadaling sumang-ayon sa popular na pananaw, at nakakatakot tumuligsa sa opinyon ng mga nakapag-aral, isang kabayanihan ang iyong pagsusulat ng iyong artikulo. Kabayanihan, dahil dapat tularan.

Siguro sinasabi nilang may masasakit kang nasabi, namecalling, racist. Sa akin, okay lang. Dahil pwede namang maglabas ng galit sa mga dapat kagalitan. Dapat sumigaw kung may itinatago ang katahimikan. At kung sabihin nila na hindi ka basta-basta opinionated na tao, EIC ka, at mayroon kang kakayanang maka-impluwensya ng iba, e tanga ba sila, that is the point. Dapat gamitin ang kapangyarihang iyan para ipaalam sa iba ang iyong nararamdaman. In the first place, napunta ka naman sa ganyang kataas na lugar, dahil napatunayan mong dapat kang maging influencial, and not using that power is a sin. Maalat.

Congratualtions sa iyong matapang na sulat. paulit-ulit kong nagalit ang salitang matapang. Pero go lang. Ang tapang mo.

Para sa sumulat ng “RH bill, Ateneo, and La Salle: Of lemons and cowards” na igu-google ko pa lang ang pangalan.

Ayan, nakita ko na, UST Varsitarian editor-in-chief Antonio. Isa ka sa mga example ni Alexander Hamilton, “Those who stand for nothing fall for anything.” So go lang.

By the way, i just realized in your post na ang mga catholic run institutions ay private institutions din, kaya’t ang mga pumapasok sa ganitong mga opisina ay dapat sumunod sa alituntunin ng may-ari.

At para naman sa mga katolikong bumabatikos sa kanya. Paano kayo naging katoliko kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang pinaniniwalaan niya? Magpalit na lang kayo ng religion.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s