Isang Pakikiramay at Mga Paninisi

I decided to blame the easier target. The dead.  Ang hina niya.

Then i decided to blame the next easier target. A generalization. Iba na talaga ang mga students ng UP ngayon. Ang hihina na nila.

It had lingered on me for several days after the suicide attempt and success of Kristel Tejada and kept it to myself. Alam ko namang maling sumisi ng patay, lalo pa ang kumitil ng sarili niyang buhay. Masyadong sensitive. Ayokong maging tampulan ng reaksyon ng mga taong walang kasalanan at nag-uunahang bumato sa may sala.

Nito lang inangkas ako ng nanay ko, sa ilalim nang naglalagablab na araw ko naisip kung ano ba talaga ang iniiwasan kong isipin. Parang nanunuyo ang contact lense ko, at medyo irritated na ang mga mata. Kaya naman nagdesisyon akong umiyak. Punta ako sa sadder thoughts ko. At sa pag-space out ko sa mundo ay napunta ako sa issue ni Kristel. Isang mahinang babae na nagpakamatay dahil hindi kinaya ang problema. Naiyak ako hindi dahil sa trahaedya, kundi dahil sa akin, isa siyang kapatid na napabayaan.

Hindi ko man siya kilala. Wala mang pagkakatulad ang aming apelyido, hindi rin ako pupunta sa pagiging kapatid kay Kristo, kapatid ko siya sa taguri. Dahil ang minsang tinatakan ng pangalang Isko ay mananatiling Isko habang buhay.

Maaaring totoo na mahina siya. Maaaring give-up-era siya at sinukuan niya ang mga problema. Marami siyang maaaring gawin other than pagpapakamatay, like everything na hindi pagpapakamatay. May mga kwento ng tagumpay nang mahihirap na naitawaid ang sarili sa edukasyon. Ang iba sa mga kwentong ito ay personal, mga kwento ng kaibigan. Maipagmamalaki.

At doon ako naiyak. Magaling ako noon. Lumalaban ako noon. Hanggang sa ayoko na lang. Hindi ko alam kung dahil tapos na ako, o sadyang sinukuan ko na rin. Hindi ko alam kung umayaw ako dahil hindi na ako apektado, o ang mas masakit ay dahil nakumbinsi ko ang sarili ko na hindi ko na rin mababago ang mga nangyayari. Kung anupaman, sumuko ako, at may bahagi ng aking sarili ang aking pinatay. Ngayon, isa itong multong bumabalik at sinisisi ako. Nasaan ang mga malalakas upang ipagtanggol ang mga mahihina? Nasaan ang matatapang upang tumindig para sa matatalino lang? Nang pinatay ko ang aking paniniwala, nagpakamatay ang isa kong kapatid.

My UP Repertory Company Days, active sa paglusob sa Senado para sa karapatan sa Edukasyon. Photo by Jake Salvador
My UP Repertory Company Days, active sa paglusob sa Senado para sa karapatan sa Edukasyon. Photo by Jake Salvador

Oo, sinisisi ko ang sarili ko. Maaaring pinakamahirap ituro ang sarili, pero iyun e. If i have written better scripts, if i have performed better acts, if i have convinced my fellow students then to stand up for our right for free and quality education, then this might not happen. Isa ito sa mga pinaglalaban ko noon. Hindi man halata, pero tutol ako noon, even questioning the students then, paano nila nahayaang tumaas ng 300% ang tuition sa UP.

On that note, sinisisi ko rin ang mga students na naaawa at nanghihinayang kay Kristel.

Pero mayroon akong hindi sinisisi. Ang sistema. Noong pumasok ako sa campus e naririnig ko nang isinisigaw na bulok ang sistema. Nawala na ako sa campus, yun pa rin ang sinisigaw. At ngayong nagtatrabaho na ako, iyun pa rin, bulok ang sistema, kailangang baguhin. It has been bulok ever since then. If it has not changed until now, then it must be permanent. You don’t blame something you can’t change. You accept it. And if it can be changed, why not yet? You don’t do that to me.

Kung titingnan ito bilang pagpapakamatay ng isang batang hindi nakabayad ng tuition, ay masasabing isa lang itong isolated case. Pero kung hindi tayo sa suicide titingin kundi sa mga pangarap nilang kinikitil, isa itong serial killing. Ilang kabataan, mahuhusay na kabataan to be specific ang hindi na nagbalak makatungtong sa UP dahil alam nilang wala naman silang ipambabayad dito. Ngayon, mas naging mapanganib pa ang pakikipagsapalaran, dahil totoo ang paniningil ng tuition. At dahil sa nangyari, maari na ring lagyan ng MMDA sign. “Bawal hindi magbayad, Nakamamatay!”

Nagpakamatay si Kristel Tejada. Ginawa niya iyun sa sarili niya. Itinulak man siya ng pagkakataon, ng UP, ng paniningil ng tuition, or kung ano pa mang dahilan, siya pa rin ang nagdesisyon para sa sarili niya. Kaya I won’t ask for “Justice for Kristel!” Isang pakikiramay na lang sa kanyang mga naiwan.

Ngunit kailangan pa ring manaig ang hustisya. Hustisya para sa kanyang pangarap na pwersahang inalis sa kanya. Hustisya para sa mga katulad niyang matatalinong mag-aaral na tinatakot nang mataas na matrikula. Hustisya para sa kanilang mga mahihirap na galing lang ang puhunan sa pagnanais na maging Iskolar ng Bayan.

KATARUNGAN PARA SA ISKOLAR NG BAYAN!

Mula sa facebook page ng #scrapSTFAP
Mula sa facebook page ng #scrapSTFAP, though parang ginagamit ang event para pangangampanya

One thought on “Isang Pakikiramay at Mga Paninisi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s