Yolanda: Ang Hindi Matapos-tapos na Laban

Andami nang naganap mula nang sinlanta nh Super Bagyomg Yolanda ang Kabisayaan. Andaming pampalihis ng issue tulad ng usapin ng pagkaUnconstitutional ng PDAF at iba pang pampabango ng hindi makakilos na pamahalaan. Andami nang tagumpay ng Pilipinas ang nakamit, korona man o sinturon. Papuri sa inyong mga nagbigay ng dangal sa Pilipinas. Papuri din sa hiit sa dangal, ay pangkasalukuyang pangangailangan ng mga biktima ang naibahagi, tulad ng pagkain, inumin, damit, matutulugan, pera, maging oras at pagod at serbisyo. Ang lahat ng ito ay kinilala ngunit hindi nito magawang mabulag ang katotohanan na hanggang ngayon ay may mga bahagi pa rin ng nasalantang mga bayan ang hindi pa nahahatiran ng tuluy-tuloy na tulong.

Itong pahinang ito ng aking blog ay ambag ko sa kanila.

Hindi ako eksperto sa pagnubuo ng mga nasalantamg bagay. Sarili ko ngang sinalantang buhay ay nasa proseso pa rin ng pagbangon, pero kun may mapupulot man dito, malamang, makakatulong naman.

Papanagalanan ko ang programa para sa tuluy-tuloy na pag-ahon ng kabisayaan na “Bet on Your Barangay” program. Huwag munang isipin na katulad ito nang paninisi ni PNoy na iaasa na LGU ang pagtulong sa lugar nila. Simple lang ang moda nito. Subukan natin ang step by tep na proseso.

 

1. Mula sa pamahalaan, o kung hindi nila maibibigay, mula sa research, alamin ang pangalan ng lahat ng barangay na naapektuhan ng bagyo.

2. Alamin ang kasalukuyang budget, mula sa kaban ng bayan

Mula sa ig ni Tita Karen Davila
Mula sa ig ni Tita Karen Davila

at maging sa mgadonasyon ng ibang bansa.

3. Hatiin ang lahat ng pondo at tulong sa bilang ng apektadong barangay. Mahalaga sa bahahingnito na walanh barangay na hindi nabilang.

4. Maglagay ng isang grupo na accountable sa bawat barangay. Huwag nang politiko,  maaaring isa NGO na walang kinalaman kay Napoles ang humawak ng bawat barangay.

5. Mula dito, magpapagalingan ng ang mga NGOs kung sino sa kanila ang makakapagpaunlad sa kanilang barangay, at ang magiging pinakamatagumpay ang kikilalaning mga bagong kapitolyo ng lugar.

Medyo mukhang reality show ang atake na ito, pero ang punto lang naman e, amg dami nang perang dumating para sa Kabisayaan, nagmalaki na rin ang pamahalaan na may pondo para sa mga nasalanta, pero ilang limggo na ang lumipas pero may mga bata pa rig namamali,os ng pagkain, habang may nakata,bak na bigas sa mga bodega. Nagagawa pang makapagtalo ng mga ahensya, opisyal at mga pangalan ng organisasyon. Andaming oras, pero hindi napagtutuunan ang lahat ng nangangailangan.

Muli, hindi ko subjedt matter expertise ang trahedya, pero may alam ako sa salitang accountability. Marahil ay panahon ng lagyan ng taong mananagutan sa bawat Pilipinong nahugutom. Mula sa pinakamataas na nakaupong tumitingin lamang, hanggang sa mga nasa putikang lupa na namamahala sa dapat ay maaabutan.

PS. Kung maraming typo, pasensya, ie-edit ko ulit kapag nasa laptop na ako. Tablet lang ang ga,it oo at nangangalay pa ako sa ganitong device.

Matagal din akong naging socially relevant dahil andami ko ring issues sa life.

Alam nyo na to. Dasal dasal na lang para sa katawang lupa ko. Thanks guys.

5. Mula dito, ang NGO na ito na ang tutulong sa barangay niya na makabangon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s