A Retreat in Bolinao

Nag-iiba ang kahulugan ng Semana Santa sa paglipas ng panahon. Sumasabay ito sa pagbabago sa edad, sa estado sa buhay maging sa pag-unlad ng teknoliya. Ngayon, sabay-sabay ang mga pagbabagong ito sa akin, kaya naman kung dati ay nag-aabang ako ng prusisyon sa San Roque, ngayon, matapos ang mahabang panahon, kung hindi man ito ang una, lumabas ako ng NCR para magbakasyon. Semana Santa = Bakasyon.

 

Tatlong araw, tatlong beaches ang binisita namin sa Bolinao mula Miyerkules Santo hanggang Biyernes Santo. Una ay sa Patar, sumunod ay sa Anda at sa huli, sa Nuninuni.

 

Parang Patar ang pinakasikat sa tatlo. Mula sa Bayan ng Germinal kung saan nandoon ang karamihan sa mga hotel at kainan at bus station, ilang minutong pagmamaneho rin ang pagpunta sa Patar. Public Beach ito, ngunit may mga resort sa paligid na pwedeng tirahan. Mahaba ang baybay, kaya’t malaki ang lugar kahit marami ang mga tao. Pino rin naman ang buhangin at medyo manilaw. Maganda ang Patar sa pagtatampisaw.

 

Papuntang Patar, may madaraanang light house at mga kweba. Pwedeng mag-stop over muna para bisitahin ang mga ito, pero mas gusto lang naming mag beach at magmuni-muni. Kaya deretso na kami sa beach. Manipis ang kalsada at maalikabok. Realiation, dapat magkaroon ng standard sie ang mga ginagawang kalsada. Pwede naman kasing gawing mas malapad ang mga ito para hindi delikado sa mga nagmamaneho, pero parang tipid na tipid.

 

Anda naman ang second beach na pinuntahan namin. Mas maganda ito sa Patar. May haba rin ang byahe papunta dito mula sa Germinal, pero mas iba ang Anda Beach, mas maputi ang buhangin, at masasabing parang Boracay ang lugar. May mga islang pwedeng languyin o lakarin. Mababaw lang ang tubig kaya’t pampamilya talaga ang lugar. Napakaganda ng tanawin. Kaunti ang tao, May mga kainang malapit.

 

Sa ikatlong araw, hindi na kami lumayo sa Germinal, kung saan nandoon ang Mugs, ang aming hotel. Pumunta na lang kami si Nuninu. Gawa-gawa lang ang pangalan na ito, pero ito ang beach malapit sa UP Marine Science Institute. Ito naman ang beach na pang-locals. Dark ang buhangin, medyo maraming sea weeds ngunit maganda ito para sa mahilig lumangoy. May islang tanaw na maaring languyin. Sa tatlo, ito ang pinakahindi ko paborito. Pero kung tambay at tambay lang, okay na dito.

 

Okay, hindi naman talaga itong mga sinulat ko ang point nito. Gusto ko lang maglagay ng mga pictures namin. ito na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s