Manang Mana Sa Pinagmanahan!

“Manang-mana ka sa pinagmanahan mo!”

Ito ang unang lesson namin sa Genetics. Galing ito kay Mommy. At malamang hindi niya tinutukoy ang sarili niya. siguro, si Daddy sinisisi niya. At sa mga katulad naming middle class, ito na ang konsepto ng “mana” na pinag-uusapan namin. Hindi pera, sasakyan, lupain o negosyo.

Kaunti na lang kasi ang naiiwan na kayamanan ng mga matatandang yumayao sa aming pamilya. dahil dito, mas pinahahalagahan namin ang mga aral na naiwan.

But don’t get me wrong, kami, bilang isang Nuclear Family, ay hindi pa nalalagasan. Kalahati lang siguro. Na-stroke si Daddy noong 2012 at kalahati ng katawan niya ang nauna na. Kaya tuwing November 1, may kalahating kandila kaming sinisindihan.

Matapos nga ng event na iyun, minadali na rin namin ang pagpapasa ng mga maiiwan niya sa aming magkakapatid. Ang jeep na mas matanda pa sa akin, ang maliit na lupaing hindi pa nahahati sa kanilang magkakapatid na hahatiin pa sa aming magkakapatid. At kung meron pa siyang surprise package na maiiwan, hindi namin alam.

Hindi na nakatulong si Daddy sa mga pag-aasikasong ito. Si Mommy ang nagasikaso habang inaasikaso niya si Daddy na kailangan nang buhatin mula sa kama para makaupo sa wheelchair tuwing kakain. Si Mommy na lang din ang nakakaintindi sa mga sinasabi ni Daddy. Para silang si Han Solo at si Chewbacca, o kaya naman ay sina R2D2 at C3PO. Pero more of Han Solo at Chewbacca. Kaya nang sinasabi ni Mommy na kailangang matapos muna ang usapin sa lupa bago siya mawala si Daddy, naniwala na lang kami. Kaya lang, ang pag-aasikaso ng mga ganitong papeles na nagangailangan ng mga desisyon ng ibang kamag-anak, mga legal na usapin at pinakamalala, mga pirma sa ahensya ng gobyerno ay aabutin ng siyam-siyam. Na kahit kahit nakailang novena na, hindi pa rin tapos.

Pero hindi ko naisip isulat ito para lang ikwento ang mga kaganapan sa buhay ng pamilya namin. Care niyo ba sa akin? Hindi naman ako politicians. Gusto ko lang mang-inspire, o magsimula ng isang challenge sa mga makakabasa nito. Higit sa mga material na bagay na maiiwan sa inyo ng mga magulang, ano ang mga namana ninyo sa kanila na thankful kayo? #ManaKoKayMommy #ManaKoKayDaddy #ManaKoSaParentsKo

Ako ito.

Gabi na iyun, lampas hating-gabi. Antok na antok na ako, at wala nang nakaabang na pedicab sa kanto, kaya wala akong magagawa kundi maglakad sa subdivision namin para makauwi (lakas maka-middle class ng subdivision). Naisipan kong pagod na ako, pero ito yung pagod na pwede pang i-consider na state of mind, kaya hindi ako tumigil. Kailangan kong maglakad kasi hindi naman pwedeng matulog ako sa kalsada, actually, pwede pero ayoko. Titiisin ko na lang ang paglalakad para makarating sa comfort ng aking kama.

And then I realized, matiisin pala ako. Or matiyaga. And then I realized further, parehas lang ba ang matiisin at matiyaga pero magkaiba lang ang connotation? One is being sacrificial, while the other is being persistent? Or part ba ng isa yung isa, like hindi ka pwedeng maging matiyaga kung wala kang tinitiis. Pero whatever that is, nakuha ko iyun sa aking nanay.

Ang pagmamahalan kasi ng Mommy at Daddy ko ay hindi tulad ng mga tumatak na relasyon sa TV o sa pelikula. Hindi ko sila nakikitang sweet, hindi ko sila nakikitang naglalambingan, walang rom-com moments. Pero merong away. Sa tuwing nag-aaway sila, nababanggit ng nanay ko ang mga paghihirap at pagtitiis niya kapiling si Daddy. At nasabi ko, wow, matiisin nga si Mommy. Tiniis niya ang mga iyun para lang magkaroon kaming magkakapatid ng magandang edukasyon. Para magkaroon kami ng bahay na sa amin talaga. Para matanggap kami ng pamilya ni Daddy na ayaw kay Mommy at sa mga anak niya. (Hindi pala from the movie).

Maybe that is pagtitiis. Pero ito ang kanyang pagti-tiyaga. Gusto ng nanay ko ng terrace sa bahay namin, kaya kahit inabot nang pitong taon ang pangangarap at pag-iipon niya, napagawa niya. Wala nga lang pinto at hagdan nang una itong magawa, at walang paraan mapuntahan, pero nakapagpagawa siya ng terrace. At bago magpasko, napalagyan na niya ito ng pinto. Doon niya napaliwanag ang dahilan kung bakit gusto niyang terrace. Kasi hirap na hirap na siyang maglagay ng Christmas Lights sa second floor ng bahay namin. At iyun ang isa pang nakuha ko sa nanay ko. Maparaan.

Hindi lang ang terrace at ang Christmas lights ang nabuo dahil sa pagtitiyaga at pagiging maparaan ni Mommy. Natatandaan ko pa noong kinailangan naming lumipat na dito. Pinalayas kasi kami sa  inuupahan namin at wala na kaming magawa kundi tirhan na ang sarili naming bahay. Kulay grey ang buong paligid dahil sa hollowblocks pa lang ito na pinagpatung-patong para magkahaligi. Hinahati ito pahalang ng mga plywood para magka-second floor. Plywood ang pinto at takip sa bintana. Unti-unti, nagkaroon nang matigas na kahoy para sa pinto, at mga bakal at salamin para sa bintana, nahati ang second floor sa mga kwarto naming magkakapatid. Nabawasan ang init dahil nagkakisame. Naging tiles ang sahig dahil requirement iyun ng isang middle class na bahay. Naging marble ang sangkalan, na bumabalot sa lababo, lalagyan ng kalan at pamingganan. Nagkapinto ang banyo, hindi na kurtina. Nagka-gate na ilang beses na ring napalitan ng pintura katulad ng loob ng na-finished na, na bahay. Nito ngang huli, nagka-terrace.

Sabi ni Mommy, hindi niya ito magagawa kung walang tulong ng kanyang mga naging kaibigan. Wala naman kasing totoong trabaho si Mommy. Tulad siya ng marami sa batch nila na hindi nakakuha ng mataas ng edukasyon. Pero hindi iyun hadlang. Ang kakulangan niya ng diploma, pinunan niya ng pakikisama. Magaling makisama si Mommy, at marunong mag-alaga ng mga kaibigan. Kung nakuha ko ang bahaging iyun ng galling ni Mommy, mga friends ko na lang din ang makakapagsabi.

And just like Mommy, alam din ng mga friends ko ang buong buhay ko. Lahat nang napagdaanan ko, ups and down. Naiku-kwento ko lahat. Pareho kaming open book ang buhay sa mga mahal namin.

Pero hindi tulad ni Mommy, alam kong hindi alam ng mga friends ko ang nararamdaman ko. No, I’m not judging you, my friends. Alam niyo pag masaya ako, masaya talaga ako. Pag malungkot ako, masaya pa rin ako. Pag galit ako, masaya pa rin ako. Dahil gusto ko iyun. Gusto ko masaya lang.

Pero natatakot din ako. Nasasaktan. Nalulungkot. Nagagalit. Nahihiya. Capable ako sa lahat ng emosyon. Tulad ng takot. Takot akong ipakita iyun. Kaya naman kahit open book ang buhay ko, it still remains a mystery.

And that one, I got from Daddy. My Dad is a Mystery.

Wala akong alam sa mga kwento niya. O hindi ko tinandaan dahil siya ang katabi ng checkbox sa teenage angst ko. Kahit very light lang, nagkaroon ako ng rebellious, dark, unstable teenage life kasi parang dapat pagdaanan iyun ng lahat, at ang go-to-issue ko, “hindi ako mahal ni Daddy.”

But after my teenage years, okay na ako. Siguro, hindi ko lang nagawang mag-sorry kay Daddy dahil hindi ko siya naiintindihan noon, and I was so self centered na feeling ko ako ang sun and everybody is but a part of my solar system. Kaya, sorry na Daddy, I love you and I am sorry at hindi ko naibigay ang best ko sa pagpapakita noon. Or ang best ko in life as you want. Gusto kasi ni Daddy, mangarap ako nang mas mataas, sabi niya, bakit daw ako magsa-salutatorian kung pwede naman akong maging veldictorian. Sabi ko, Dad, hindi nga ako salutatorian, some honorable mention lang ako. Okay na ako doon.

But now, I think Dad would have wanted me to strive harder. Siguro I could have strived harder. Kaya lang hindi. If only he tried harder on making me strive harder. I would have strived harder. Kaya lang, ang hard na nun masyado.

Kaya pinabayaan na lang niya ako. Nagtiwala na lang siya sa kaya kong gawin. I would not say na sumuko siya sa akin. Maybe nakita niya na kaya ko na ang sarili ko. Dad never clipped my wings. At ngayon ko lang iyon na-appreciate.

Kasalanan kasi ng TV ito, ang only source ng reference ng mga middle class na tulad ko. I never experienced fatherly love just like the movies. Eh bata pa ako nun. Idealistic at romantic. Iyun. I thought I was lacking. But now I know better.

Hindi ko kasi naintindihan na iba ka pala magmahal, tulad ng iba-iba ang pagpapakita ng pagmamahal ng iba’t-ibang tao, to the point na my five languages of love na pala. At sa tingin ko, I got that weird take on love from my Daddy, too. Hindi ko lang alam kung kanino niya iyun namana.

I was already a dad when I learned that I was lucky to have him, or have a father for that matter, for he barely experienced one. Daddy was months old when my Lolo passed away. Doon ko naisip na, ginawa ni Daddy ang best ayon sa kanyang nalalaman kung paano maging tatay. At hindi siya gumamit ng google.

He simply did what Mommy asked of him, give us education, food on the table, shelter and good health, si Mommy na ang bahala sa lahat. And he did that. Na-check naman niya ang basic physiological needs ayon kay Maslow. By doing so, na-achieve din naman naming magkakapatid, or ko, ang hanggang sa tuktok ng pyramid na iyun. And that was enough. Hindi man engrande ang mga sagot niya ditto, okay na. Sapat naman.

And that’s what I value most from Daddy. Simplicity.

Hindi niya kami tinuruang mamuhay nang marangya. Natuto kaming mabuhay sa sapat at maging masaya doon. Nanatili kaming middle class. Pero okay na siya doon. Sana, or siguro. Or hindi ko alam kung may mas gusto pa siyang buhay para sa amin. Na-set-up ko naman ang pagiging mysterious niya. Pero I am okay with what my Daddy gave us. No, not just okay, I am happy with what we have now because of him.

We are living a better life. Our days are always better than the yesterdays. Wala kaming linyang… diba noon, mas masaya tayo kasi… no, we don’t have that.

Pero syempre, mas masaya nga kung hindi nakaratay si Daddy ngayon, kung kasama pa rin namin siyang nakakakanta ng Happy Birthday, kasama namin siya sa pagkain ng Noche Buena at Media Noche. Kung kahit kalahati ay walang kandilang kailangang itirik kung November 1. But with Daddy, we learned to trust in God, and that He has better plans. At kung iiwan man kami ni Daddy ngayon dito sa lupa, (Maiiwan naman siya sa aming mga puso, char, hindi ito). Kung iiwan man kami ni Daddy, hindi kami mangangapa sa wala. Dahil ang buhay na binigay niya sa amin, sa aming pagtanda ay sapat na para manatili siya sa mundo.

Kaming Mga Naiwan

 

PS

This post was written December 30, 2015.

My dad passed away last January 23, 2016.

Maraming salamat sa mga nakiluksa, nag-alay ng dasal at nagpahatid ng pakikiramay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s