Ang Pipit na Hindi Marunong Umawit

 

Pipit

Sa isang mataas na puno ng sampalok

Lumabas sa isang itlog ang isang kakaibang pipit.

Dahil habang ang kanyang mga kapatid ay sabik na sa awit,

Ibang tinig ang lumalabas sa kanyang bibig,

Tweeek. Tweek. Tweeek.

 

Nalungkot ang batang pipit.

Hindi kasi siya marunong umawit.

Hindi maganda ang kanyang tinig,

kahit pa anung gawin niyang pilit.

 

Napansin ng ina ang kanyang kalungkutan.

“Anak, bakit ka nalulungkot? Dahil ba ikaw ay hindi katulad nila?”

 

“Inay, Hindi po ako marunong kumanta?” sabi ng pipit.

“Paano ko po kayo mapapasaya?”

 

“Hindi naman lahat ng ibon ay napisa para umawit,” paliwanag ng Ina.

“May iba-iba tayong galing na makakapagpasaya sa iba.”

 

Kaya’t isinama ng ina ang batang pipit sa paglipad

Nakita nila ang iba pang mga ibon sa buong gubat.

 

Una nilang nakita ang isang Manok.

May hawak na kawali at malaking sandok.

“Mareng Manok, anong niluluto mo?” bati ni Inang Pipit

“Mayroon kasing salu-salo sa bayan,” Sabi ni Mareng Manok.

“At ako ang kinuha para magluto ng tanghalian.”

At doon naisip ng pipit.

Masarap lagi ang pagkain sa bayan, at si Mareng Manok ang dahilan.

Isang tagaluto si Mareng Manok.

Masaya ang lahat sa masarap niyang inihahain.

 

Pagdapo ng mag-inang pipit sa Puno, may Kalaw na gumagalaw.

“Aling Kalaw, anu po ang inyong pinupukpok sa puno?”

“Ito ang bahay ng bagong kasal na kalapati,” sabi ni Aling Kalaw.

“Ginawa ko para maging tahanan nilang dalawa.”

At doon naisip ng pipit.

Isang arkitekto si Aling Kalaw.

Napapasaya niya ang lahat sa mga tirahan niyang binibigay.

 

Nakasalubong naman nila sa langit ang isang Agilang nagbabantay.

“Mamang Agila, ano po ang inyong hinahanap?”

“Wala akong hinahanap,” sabi ng Agila.

“Binabantayan ko ang lahat, para walang gulong maganap.”

At doon naisip ng pipit.

Isang Pulis si Mamang Agila.

Dahil sa kapayapaang dala niya, lahat ay pwedeng magsaya.

 

Isang puting-puting Kalangay naman ang kanilang nilapitan.

May mga munting ibon siyang ginagamot at inaalagaan.

“Manong Kalangay, para saan po ang gamot na iyan?”

“Ito ang bitaminang pampalakas,” sabi ng Kalangay.

“Kailangang panatilihing lahat ay may magandang kalusugan.”

At doon naisip ng pipit.

Isang doktor si Manong Kalangay.

Masaya ang lahat sa dahil masigla ang kanilang katawan.

 

Napansin din nila ang napakagandang mga pabo at paboreal.

May ginagawa silang mga disenyo para sa magaganap na kasal.

“Napakagana naman po niyan, Pabo at Paboreal!”

“Kailangang maganda ang mga damit na aming gagawin,” sabi ni Pabo

“Hindi lamang maganda, masarap pa kung susuotin,” dagdag pa ni Paboreal.

Mga mananahi sina Pabo at ang Paboreal.

Dahil sa disenyo nilang magaganda, nagiging masaya ang lahat ng kapwa nila.

 

Doon naisip ng Batang Pipit na pwede siyang makapagpasaya ng iba

kahit hindi niya kaya ang magandang pagkanta.

“Inay, alam ko na po ang aking gagawin,” sabi niya.

“Ibabahagi ko po ang aking natutunan ngayong araw

sa iba pang ibon na tulad natin.

Tutulungan ko silang alamin

kung ano ang gusto nilang maging sa kanilang paglaki.

Magiging guro ako inay!”

 

Natuwa ang inang Pipit sa narinig sa anak.

 

“Magdadala ako ng karunungan. Magdadala ako ng kasiyahan,

Magdadala ako ng pangarap gamit ang aking mga natututunan!”

 

WAKAS

 

PS.

This is my first attempt in writing a children’s story.

Pwede itong tawaging Pabula dahil hayop, mga ibon ang mga bida.

Sana ay inyong magustuhan.

Comments will be very much appreciated

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s