You and Your Empty Apologies

9
You and your empty apologies. Photo totally unrelated with the post.

 

One of the most unsatisfying things in life is having to hear sorry from someone who is not at fault.

Paano ka magiging sorry? Ikaw ba ang nagpaasa sa akin? Hindi. Kaya huwag kang mag-sorry, dahil mula sa’yo, walang ibig sabihin yan.

Kanina lang kasi, sabi niya sa akin. “I’m so sorry to hear that…”

“No! You can’t be sorry. You have no idea what it’s like waiting for something. No, not waiting, expecting, dahil ginawa ko ang part ko. Ginawa ko at naghintay. Pero wala. Walang dumating.”

Pero syempre, I stopped at “No you can’t be sorry.” Because as much as it was unsatisfying to hear her apologies, hindi niya deserve ang galit ko. I just followed it up “Wala ka namang magagawa di’ba.”

And she said, “Sorry wala po.”

“I’m sure,” I just said.

Poor customer service girl. Kasi kung mayaman siya, hindi niya kailangang harapin ang sama ng loob ng mga unsatisfied customers tulad ko. And I wasn’t even that rude, I swear.

What’s rude was promising an eight hour period for a Wi-Fi reconnection, pero nakita ko na si Dory, nakapagpadoktor na ako at nakapagpa laboratory, wala pa rin. But let’s not go to the waiting time sa hospital, yung pila sa HMO, then another frustrating hour of waiting for the doctor just to have a less than five minute consultation para sa recommendation for a lab test that led me back to the pila sa HMO office. Let’s not go there yet. Focus tayo dito sa Wi-Fi namin.

Bago kasi ang lunch, binayaran na ng nanay ko ang due sa Globe. Bago yun mag lunch take note. Alas nueve na ako nakauwi. 9pm, expecting na may Wi-Fi na. Pero wala. Kasi kung meron, wala akong ngungoy ngayon. Wala. Hindi ba naiintindihan ng Globe na nadagdag na ang Internet Connection sa ibaba ng Marlow’s Hierarchy of Needs?

Kaya naman kahit alas nueve na, dial ako sa 211, sabi kasi sa Globe Portal, disconnected pa rin kami. May dalawang options na in-offer. Dial one para sa free reconnection. Dial 2 para makakausap ng operator na aayos for 300 pesos. So Dial 1 ako. Matapos mabigay ang details na hinihingi ng machine, sinabi, maghintay na lang daw ng up to eight hours para makabit ang internet. Magtetext na lang daw sila pag nakabit na, level ng don’t text us, we’ll text you.

Parang ang unfair. Parang na-restart ko yung 8 hour count ng pagre-reconnect.

Kaya naman tawag ulit ako para subukan yung may makakausap na babayaran ng 300 pesos. Mind you, hindi rin madaling masagot ang tawag ko. Medyo busy ang mga operators nila. Pero hintay ako habang nanonood ng Batman. Dark Knight yata. Pero it feels like Batman Forever. Pero swerte ko na rin dahil walang forever, dahil tulad ng trapik sa EDSA, umusad din habang papalalim ang gabi.

Iyun nakausap ko nga itong si girl na puro sorry to hear that ang spiels.

Iyun naman pala, sabi niya, dapat daw pagkabayad, tumawag na kami sa 211 dahil yun lang ang way na malalaman ng system nila na nakabayad na at okay na.

Ang labo, eh phone with broadband ang in-avail namin. Putol nga ang phone. So in-expect ng nanay ko, yung babae nang nakausap niya sa Globe ang gagawa ng paraan para ma-reconnect kami, dahil other than sa logically, hindi kami makakatawag dahil putol nga ang phone kaya binabayaran, may assurance yung babae when she said, wait na lang daw ng eight hours. So ang instruction lang ay basically, wait. Naghintay. Nagpaasa. Alam ba nya kung gaano kasakit umasa?

Sabi ko, ay, hindi iyun sinabi nung representative sa Globe doon sa Innove Communications Inc. sa SM San Mateo. Sabi lang kasi sa Nanay ko, hintay lang daw ng 8 hours.

So pinaliwanag ko ang sinabi ng tao nila sa Globe Store na maghintay lang kami ng eight hours. Then nagstart na naman siya ng kanyang three sorry per minute spiel.

Doon ko na tinanong kung may magagawa siya, sabi niya wala, pero pwede naman daw niyang gawan ng report para maging priority na yung reconnection namin.

Sabi ko, ayus yun. So gaano katagal na lang ako maghihintay kung priority na ang case ko?

Eight hours pa rin po.

Uhm. Yung sense ko parang nawala. Ako ba ang mali? So na-verbalize ko na. “Hindi ba priority na, bakit eight hours pa rin?”

“Ganun po talaga. Pero para sure, 8am po, ayos na yan.”

Ay? Alas nueve pa lang kasi, pinapatulog na ba niya ako? Na may kasamang pangako nang bagong umaga? Like everything will be better in the morning.

But no! Insomiac kasi ako, at hindi magagamot ng isang gabing walang internet ang problema ko sa tulog. Hindi nga kinaya ng Sleepasil eh, yan pang 8am na siguradong connection? Anung gagawin ko ‘til then?

Inalala ko na lang na si Duterte na ang susunod na presidente. Uupo na siya. Change is coming. Tatanggalin na daw niya ang monopolyo telco, if I heard it right. Kung hindi man, tatanggalin niya ang mga nababayarang opisyal ng mga telco na ito para magtino na ang kanilang serbisyo, yan tanda ko yan at pinanghawakan ko.

Pero naalala ko rin ang satisfaction ko sa mga napili niyang members ng gabinete niya, na sinabi niyang ilalathala niya sa dyaryo para pagpilian ng mga taong bayan na hindi natupad. Ang satisfaction ko sa desisyon niyang ipalibing si Marcos sa Libingan ng Mga Bayani, dahil sinabi ko sa mga anti Marcos kong friends na pag nanalo siya ipalilibing niya si Marcos sa Libingan ng mga Bayani and they just told me na hindi niya iyun gagawin.

Well, I like Duterte, he is my president kahit na siya ay satisfyingly unsatisfying or unsatisfyingly satisfying, kasi at the end of the day, he isn’t sorry. But let’s not go there. Focus sa Globe. Iyun. Bumalik nga ang pikon ko.

Nakakapikon. Pero kalma pa rin ako. Hindi ko in-invite ang presence ni Maricel Soriano sa sistema ko. Good Vibes lang dahil naalala kong tumaya ako sa lotto. Andami nang bad karmang nauna sa buhay ko, baka nakaipon na ako ng enough para manalo ng milyon. Kaya iyun, hinga na lang ako nang malalim. Forgive, dagdag sa alkansya ng good karma. Sabi ko, “sige okay na. bahala na.”

Tapos tinapos na niya ang spiel niya na “…have a wonderful…”

Ay, nagpinting ang tenga ko. Parang nang-aasar pa. Hindi ko na ulit siya pinatapos.

Wala. Walang wonderful. Walang wonderful sa paghihintay. Level ni Maricel na sumisigaw na walang bagong taon sa pamilya na to!

Kaya iyun, goodluck na lang sa lotto ticket ko.

Goodluck sa mga customer service rep tulad mo. Goodluck sa doctor ko. Goodluck sa presidente natin. Goodluck sa Pilipinas. Na ilang taon nang naghihintay ng pagbabago. Kaya sorry na lang sa Pilipinas.

But I’m not sure if this Pilipinas would be satisfied with my sorry.

Philippines at night
This is how the Philippines looks like at night from space. Another totally unrelated photo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s