Category Archives: AbetforSenator

My political insights. mga palagay kong makakatulong sa bansa na sa tingin ko ay hindi maiisip ng iba. ako lang.

You and Your Empty Apologies

9
You and your empty apologies. Photo totally unrelated with the post.

 

One of the most unsatisfying things in life is having to hear sorry from someone who is not at fault.

Paano ka magiging sorry? Ikaw ba ang nagpaasa sa akin? Hindi. Kaya huwag kang mag-sorry, dahil mula sa’yo, walang ibig sabihin yan.

Kanina lang kasi, sabi niya sa akin. “I’m so sorry to hear that…”

“No! You can’t be sorry. You have no idea what it’s like waiting for something. No, not waiting, expecting, dahil ginawa ko ang part ko. Ginawa ko at naghintay. Pero wala. Walang dumating.”

Pero syempre, I stopped at “No you can’t be sorry.” Because as much as it was unsatisfying to hear her apologies, hindi niya deserve ang galit ko. I just followed it up “Wala ka namang magagawa di’ba.”

And she said, “Sorry wala po.”

“I’m sure,” I just said.

Poor customer service girl. Kasi kung mayaman siya, hindi niya kailangang harapin ang sama ng loob ng mga unsatisfied customers tulad ko. And I wasn’t even that rude, I swear.

What’s rude was promising an eight hour period for a Wi-Fi reconnection, pero nakita ko na si Dory, nakapagpadoktor na ako at nakapagpa laboratory, wala pa rin. But let’s not go to the waiting time sa hospital, yung pila sa HMO, then another frustrating hour of waiting for the doctor just to have a less than five minute consultation para sa recommendation for a lab test that led me back to the pila sa HMO office. Let’s not go there yet. Focus tayo dito sa Wi-Fi namin.

Bago kasi ang lunch, binayaran na ng nanay ko ang due sa Globe. Bago yun mag lunch take note. Alas nueve na ako nakauwi. 9pm, expecting na may Wi-Fi na. Pero wala. Kasi kung meron, wala akong ngungoy ngayon. Wala. Hindi ba naiintindihan ng Globe na nadagdag na ang Internet Connection sa ibaba ng Marlow’s Hierarchy of Needs?

Kaya naman kahit alas nueve na, dial ako sa 211, sabi kasi sa Globe Portal, disconnected pa rin kami. May dalawang options na in-offer. Dial one para sa free reconnection. Dial 2 para makakausap ng operator na aayos for 300 pesos. So Dial 1 ako. Matapos mabigay ang details na hinihingi ng machine, sinabi, maghintay na lang daw ng up to eight hours para makabit ang internet. Magtetext na lang daw sila pag nakabit na, level ng don’t text us, we’ll text you.

Parang ang unfair. Parang na-restart ko yung 8 hour count ng pagre-reconnect.

Kaya naman tawag ulit ako para subukan yung may makakausap na babayaran ng 300 pesos. Mind you, hindi rin madaling masagot ang tawag ko. Medyo busy ang mga operators nila. Pero hintay ako habang nanonood ng Batman. Dark Knight yata. Pero it feels like Batman Forever. Pero swerte ko na rin dahil walang forever, dahil tulad ng trapik sa EDSA, umusad din habang papalalim ang gabi.

Iyun nakausap ko nga itong si girl na puro sorry to hear that ang spiels.

Iyun naman pala, sabi niya, dapat daw pagkabayad, tumawag na kami sa 211 dahil yun lang ang way na malalaman ng system nila na nakabayad na at okay na.

Ang labo, eh phone with broadband ang in-avail namin. Putol nga ang phone. So in-expect ng nanay ko, yung babae nang nakausap niya sa Globe ang gagawa ng paraan para ma-reconnect kami, dahil other than sa logically, hindi kami makakatawag dahil putol nga ang phone kaya binabayaran, may assurance yung babae when she said, wait na lang daw ng eight hours. So ang instruction lang ay basically, wait. Naghintay. Nagpaasa. Alam ba nya kung gaano kasakit umasa?

Sabi ko, ay, hindi iyun sinabi nung representative sa Globe doon sa Innove Communications Inc. sa SM San Mateo. Sabi lang kasi sa Nanay ko, hintay lang daw ng 8 hours.

So pinaliwanag ko ang sinabi ng tao nila sa Globe Store na maghintay lang kami ng eight hours. Then nagstart na naman siya ng kanyang three sorry per minute spiel.

Doon ko na tinanong kung may magagawa siya, sabi niya wala, pero pwede naman daw niyang gawan ng report para maging priority na yung reconnection namin.

Sabi ko, ayus yun. So gaano katagal na lang ako maghihintay kung priority na ang case ko?

Eight hours pa rin po.

Uhm. Yung sense ko parang nawala. Ako ba ang mali? So na-verbalize ko na. “Hindi ba priority na, bakit eight hours pa rin?”

“Ganun po talaga. Pero para sure, 8am po, ayos na yan.”

Ay? Alas nueve pa lang kasi, pinapatulog na ba niya ako? Na may kasamang pangako nang bagong umaga? Like everything will be better in the morning.

But no! Insomiac kasi ako, at hindi magagamot ng isang gabing walang internet ang problema ko sa tulog. Hindi nga kinaya ng Sleepasil eh, yan pang 8am na siguradong connection? Anung gagawin ko ‘til then?

Inalala ko na lang na si Duterte na ang susunod na presidente. Uupo na siya. Change is coming. Tatanggalin na daw niya ang monopolyo telco, if I heard it right. Kung hindi man, tatanggalin niya ang mga nababayarang opisyal ng mga telco na ito para magtino na ang kanilang serbisyo, yan tanda ko yan at pinanghawakan ko.

Pero naalala ko rin ang satisfaction ko sa mga napili niyang members ng gabinete niya, na sinabi niyang ilalathala niya sa dyaryo para pagpilian ng mga taong bayan na hindi natupad. Ang satisfaction ko sa desisyon niyang ipalibing si Marcos sa Libingan ng Mga Bayani, dahil sinabi ko sa mga anti Marcos kong friends na pag nanalo siya ipalilibing niya si Marcos sa Libingan ng mga Bayani and they just told me na hindi niya iyun gagawin.

Well, I like Duterte, he is my president kahit na siya ay satisfyingly unsatisfying or unsatisfyingly satisfying, kasi at the end of the day, he isn’t sorry. But let’s not go there. Focus sa Globe. Iyun. Bumalik nga ang pikon ko.

Nakakapikon. Pero kalma pa rin ako. Hindi ko in-invite ang presence ni Maricel Soriano sa sistema ko. Good Vibes lang dahil naalala kong tumaya ako sa lotto. Andami nang bad karmang nauna sa buhay ko, baka nakaipon na ako ng enough para manalo ng milyon. Kaya iyun, hinga na lang ako nang malalim. Forgive, dagdag sa alkansya ng good karma. Sabi ko, “sige okay na. bahala na.”

Tapos tinapos na niya ang spiel niya na “…have a wonderful…”

Ay, nagpinting ang tenga ko. Parang nang-aasar pa. Hindi ko na ulit siya pinatapos.

Wala. Walang wonderful. Walang wonderful sa paghihintay. Level ni Maricel na sumisigaw na walang bagong taon sa pamilya na to!

Kaya iyun, goodluck na lang sa lotto ticket ko.

Goodluck sa mga customer service rep tulad mo. Goodluck sa doctor ko. Goodluck sa presidente natin. Goodluck sa Pilipinas. Na ilang taon nang naghihintay ng pagbabago. Kaya sorry na lang sa Pilipinas.

But I’m not sure if this Pilipinas would be satisfied with my sorry.

Philippines at night
This is how the Philippines looks like at night from space. Another totally unrelated photo.
Advertisements

BAYANI is spelled BAYAN before I

Ang “BAYANI” kung i-spelling-in ay BAYAN before I. Very Joey de Leon-ish ng analysis na ito, pero sa tingin ko, iyun dapat ang katangian ng susunod na mga mamumuno sa Pilipinas. Bayan bago ang sarili.

Paano naman ito masisigurado. Syempre, hindi sapat ang pangako at plataporma lang. Dapat, maglagay tayo ng batas na dapat, nakahandang maging bayani ang susunod na pangulo. In the first place, sila naman ang may gusto nun, at ang mga botante, wala namang choice kasi sila lang ang pagpipilian, since lahat ay qualified, maliban na lang sa nationality at age requirements, dapat kaya rin nilang gawin ang consequence ng position. At walang second place, wag nang maghanap.

Kaya dapat, ang mga tatakbo, handang maging Bayani. What’s common with all the Bayani? May inalay sila sa Bayan. Yung iba nga, buhay eh. Baka nga lang magmukhang joke itong gusto kong mangyari kung i-suggest ko iyun. Pero pwede rin.

What if lahat ng president ay may auto-deathwish after ng term nila? Literally, handang ialay ang buhay para sa Bayan. Like after nilang mapalitan sa pwesto. Papatayin na sila. Hindi naman nila kailangang mag-aalala, they will forever be remembered naman. Magkakaroon sila ng monumento, ipapangalan sa kanila ang kalsada, at kung darami pa ang pera, baka mailagay din ang mukha nila sa Philippine banknotes and coins.

Kaya lang, baka wala nang tumakbong pangulo.

Pero seriously, let’s just guarantee that the leader will serve the public. How, let them be one with the people.

May suggested bill na ako for this dati. Dapat, ang lahat ng nakaupo sa public office ay bawal gumamit ng private services.

Ang anak nila ay pwede lang mag-aral sa Public Schools, hindi sa Ateneo o sa La Salle. Gaganda ang mga equipment sa  mga paaralan. Tataas ang sweldo ng mga guro, at ang mga dekalidad na graduates ay hindi na pupunta sa ibang bansa at magtuturo na lang sa bansa. Syempre naman, gusto ng mga politicians na sumunod sa yapak nila ang mga anak nila, family business ito eh, at ang tanging paraan lang ay ang magandang edukasyon. At kung maganda ang edukasyon nila, maganda na rin ang edukasyon ng nakararaming nag-aaral sa public schools.

Ang mga babae sa pamilya nila ay pwede lang manganak sa mga Public Hospitals. At ang mga gamot na makukuha nila ay ang mga available lang sa mga Health Centers. Ikagaganda ito ng mga bayan at probinsya dahil darami ang mga pampublikong pagamutan. At tataas din ang kalidad ng mga doktor. At ang bakunang makukuha ng anak nila, makukuha ng karaniwang tao. Lagnatin na ang lalagnatin. Dahil lahat sila ay pwede lang um-avail ng mga gamot sa Health Centers. Hindi sapat na tanggalin ang wang-wang.

Dapat sa mga public transportation lang din sila aasa. Tingnan natin kung hindi manginig ang mga yan sa pagsasayos ng traffic. At hindi lang trapik ang aayos. Makikita nila kung paano ang kilos ng kotongan sa mga pampublikong drivers ng sasakyan. at mararanasan nila ang mapikon sa kulang ng sikwenta centavos na sukli. hindi lang dahil OC ka, pero dahil hindi iyun tama. Na wala lang sa opisina nila ang korapsyon, kundi nasa kalsada rin.

Hindi kasi nila nakikita ang problema ng publiko kasi hindi nila nararanasan. Hindi dumidikit sa balat nila. Dapat maranasan nila araw-araw. Iyun ay isang napakagandang paraan para masolusyunan nang totohanan ang mga problema ng lipunan.

After ng services, tungkol naman s kita ng mga public officials. Oo, may sweldo sila bilang trabaho naman ang pinasok nila. Pero huwag naman tayong ganid. Kitang-kita naman ang kinita nila pagkatapos ng kanilang mga termino.

Dahil dito, dapat, magpakita ng SALN ang bawat tatakbong opisyal. At kapag naluklok, dapat, hindi nabago ang kanilang SALN. Lahat ng lumampas ay dapat ibalik sa Bayan. O sige, pwedeng kumuha ng expert na magsasabi kung magkano lang ang average na pagtaas ng yaman ng isang karaniwang tao sa anim na taon. At iyung porsyentong iyun lang ang katanggap-tanggap na ikauunlad ng kanyang yaman.

Maaaring sabihin na madaling ilipat ang yaman sa pangalan ng kanilang mga kapamilya. Sige lang go. Gawin lang nila yun, pero alam naman nating eventually, ang perang ito ang sisra sa pamilya nila, magiging cause ng inggitan, iyun, magiging mala telenovela ang kanilang buhay. Iyun na ang karma nila.

And lastly, babalik ako sa auto kulong. Dapat lahat ng salitang binitawan ng mga kakandidato ay kontrata. Kung ano ang plataporma nila, kung ano ang goal nila kapag natapos ang termino, dapat masunod. At kapag hindi nasunod, makukulong sila. Breach of Contract na iyun.

Kunyari, nangako ang Pangulo ng maayos na tren, pag walang tren na naayos, kaso na dapat iyon. O kung sinabi niya na ipapasa niya ang FOI Bill, tapos natapos ang termino niya, hindi naipasa. Kaso iyon. Oo, wala sa kanya ang total power to do that, pero pinangako niya iyon. Naibigay sa kanya ang posisyon, bakit hindi niya nagawa ang pangako?

Obviously para ito sana sa mga panguong tatakbo, pero sana, maibigay din ang mga ganitong rules sa lahat ng tatakbong public officials. Dahil ang totoo, hindi naman sila pinipilit tumakbo, sila ang may gusto. Kaya sana lang, maranasan nila ang gusto ng pagsisilbihan nilang publiko.

Heneral Luna: A Postcard for Adults

Nauuso ngayon ang coloring books para sa matatanda at sa paglabas ng pelikulang Heneral Luna maaaring sumunod na ang mga postcard for adults

heneral-luna-movie-poster

Ang pelikulang Heneral Luna ay katulad nung mga postcards na idinidikit natin sa kokomband noong elementary pa tayo bilang project sa HeKaSi. Yung nasa likod ay ang profile ng bayani ay nasa likod. Pinakanatatandaan ko yung kina Mabini. Rizal, Bonifacio, GomBurZa. Juan Luna not included tulad nang na-google ko.

heroes postcard

Ang Heneral Luna the movie ay parang ganun lang din. Moving picture nga lang ito na nagkukwento kung anong mga nagawa ni Antonio noong panahon ng rebolusyon.

Pero ganun nga lang ba ito kasimple? Oo naman.

Na-dramatize ang mga pagkakakilala sa kanya, tulad ng pagiging baliw at mainitin ang ulo, ang kanyang katapangan at husay sa digma, at ang kanyang pagmamahal sa bayan. Sa iba, nakita nila ito bilang pagiging tao ni Antonio, hindi santo, mayroong flaws. Kung bakit? Hindi na naipakita. Marahil nakuda na lang at hindi naging kapansin-pansin.

Ngunit parang ang dahilan ang mas mahalaga para makita siya bilang totoong tao. Bakit siya nabuhay, bakit siya nakipaglaban, bakit niya pinili ang kanyang mga desisyon. Bakit siya naging self righteous?

Ano ang dahilan niya para piliing mamatay ang maraming sundalo, over sa hain ng negosyanteng si Buencamino as Buencamino kung saan may kaakibat na kaunlaran ang Pilipinas at walang mamatay?

Bakit niya naitanong ang, “Negosyo O Kalayaan? Bayan O Sarili?”

Mahalaga iyun para madaling masundan ang kwento. O para magkaroon ng lalim ang kanyang ipinaglalaban.

Pero dahil nga isa itong postcard for adults, maaaring nanatili na lang ang mga gumawa sa mga available facts para kapag tinanong, may historical basis tulad nitong mga facts about Antonio Luna

At dahil nga pang-adults, hindi tulad nang mga postcards na pambata, pang mas nakapag-iisip na ang Heneral Luna. Nagbahagi ito ng kasaysayan na hindi sinulat ng makapangyarihan. Hindi ito nangailangan ng approval ng mga tagasulat ng popular na kasaysayan na nagmumulat sa mga kabataam sa history ng ating bansa. Isang kasaysayang ang bida ay ang mga kadugo ng mga nakaupo.

Ang kasaysayan kasi ay kwento mula sa pananaw ng mga naghaharing uri, mahalagang makita nang bawat isa ang mga nangyari sa bansa sa mula sa mga mata ng isang mapagpalayang alagad ng sining.

Dapat bang panoorin ng bawat Pilipino ang Heneral Luna? Oo naman.

Ito ay kasaysayan nating hindi naituro dati, at ngayon may pagkakataon nang malaman ng lahat.

Ang tagumpay nito ay nangangahulugan na handa nating tangkilikin ang kwento ng Pilipinas. Maaaring tuparin ng Artikulo Uno Productions ang pangakong Gregorio del Pilar at Manuel L. Quezon. Na maaaring sundan din ng GMA films at Star Cinema.

At huli, kahit sa unang hakbang, tinuturuan tayo ng pelikulang ito na mamulat at makialam. Kumilala.

Filipino lahat tayong nagmana ng Pilipinas, pero sino nga ba ang mga Paterno, Buencamino at Aginaldo sa panahon ngayon, na pinipili ang negosyo, ipinagbibili ang bansa, pinapatay ang kapwa Pilipino para sa kapakanan ng kanilang mga sarili?

Ang tagal na nilang nakasulat sa kasaysayan, pero ngayon lang sila lubusang kinilalang taksil sa himagsikan. Bakit kaya? (spoon feeding: Baka may mga kamag-anak pa sila sa pamahalaan)

Reaction Ko Sa Isang Tamad Na Sumulat Ng ArticleTungkol sa Estado ng mga Teleserye sa Pilipinas

Philippine TeleseryeFirst of all, why should we upgrade to hollywood level kung majority ng filipino audience ay hindi naman ito gusto? Bakit ipipilit sa Pinoy ang hindi naman nila naiintindihan? Gusto mo ng House or ER, e ano ba ang alam ng mga Pinoy sa ospital. Pagamutan, sige, pero alam nila yun katulad ng alam nila na pag wala silang pera, ire reject lang sila. Mas okay pa yun, at least naexperience nila ang ospital. E yung mga kababayan natin konsepto lang talaga sa kanila ang ospital, kalevel ng alamat ng pinya, maria makiling, mrt at penguins.

Oo, makapangyarihan ang media sa pagtuturo sa mga tao ng mga bago sa mundo. Ngunit wag naman sana nating ipasa sa iba ang trabaho ng gobyerno. Nagbabayad tayo ng tax at masakit sa kalooban ko na isiping pibakamahal pa yata ang tax natin sa mga Asian Counterparts.

And talking about asian counterparts, Next, who said that we are behind our asian counterparts? Sinong nagsurvey? Sinong mga tumugon sa survey? Hindi ba niya alam na binibili ng ating asian Neighbors ang mga shows sa Pilipinas?

At isa pa, really, Daniel Padilla vs Lee Min Ho and the guy you mentioned na hindi ko nga kilala? Really? Si Daniel pa lang yan, wala pa si Kathryn. Have you any idea of the following ng LUV U kids?

Ngayon punta tayo sa walong nabanggit.

8. Tama naman at tuluy-tuloy pa rin ang cliches. Pero napansin mo na ba si Matet bilang betfriend sa the Legal Wife, clihe ba siya? Si Beauty sa Moon of Desire, may sarili siyang love story diba, kahit bestfriend siya ng bida. At si meg imperial at mirabella, kulot ba sila, pangit ang ngipin o mapimple man lang? Sila ang modern day pangit, babaeng kahoy at taong pubies, cliche pa ba yun?

7. Sam Milby’s famous line is “I Never Said That I Love You” from Maging Sino Ka Man. Why would balagtas cringe to that? And by the way, i still say words like nais, sapagkat, tila, ngunit, why should we not use those words?

6. Its their character. They were wearing those outfit to strengthen their character. This is tv, not real life. Pero sige, sa Be Careful with My Heart, sinong weird manamit sa mga tauhan doon? Nag gegeneralize kasi ang sumulat, at least man lang sana, tumutok sa tv for s whole day.

5. Hindi ko naman nararamdaman na nanonood ako ng play with the teleserye. At kung oo, parang nasa tema naman yun n palabas like Kokey, as directed by Direk Wenn with the very Eugene Domingo. Though, Hindi ko alam kung saan galing ito, pero sana nakanood ang sumulat ng A Beautiful Affair, Alynna, Midnight Phantom. Para lang maramdaman niya ang pagkakakaiba-iba ng treatment ng mga teleserye. May mga moments dun sa mga shows na yun na tahimik lang affeted ka.

4. The series in the states last for 3 to 4 months as well, then they will go for another season. Walang idea ang sumulat sa industriyang sinusubukan niyang talakayin.

3. Why would you give an unknown a break? Kailangan syempre may mapatunayan siya. Pero sige, saan ba nagsimula ang mga sikat ngayon, diba kasi binigyan sila ng break. Pero kung guto mong manood ng mga shows na hindi mo kilala ang artista, try mo sa GMA or TV 5, mukha kasing taga ABSCBN ang mga pegs sa list e. O para hindi ako bias, Pure Love, hindi masyado kilala ang mga tao dun, at Dugong Buhay.

2. To be fair to Makisig Morales, he did look impoverish as Super Inggo. And Kim Chiu wore wig for My Binondo Girl and Ikaw Lamang. As for Coco, you should have seen him in Tayong Dalawa.

1. You were asking for series na hindi love story o love triangle? Hawak Kamay, Mutya, Aryana, Honesto, 100 Days, May Bukas Pa. All of them, children’s story. Not love story or love triangle.
Now, bakit ko ba sinulat ito? Simple lang, kasi walang alam Paolo guy sa sinusulat niya. Nakarinig lang ng kwentuhan ginawang article na. Okay lang naman, wala naman talagang pakialaman, kanya kanyang trip kung baga. Pero mali si Paolo. Nagpapasa ng work na hindi pinag-isipan. Walang dangal sa paggawa. Tamad at careless.
Or mali ako, isa syang hater na nagpapataas ng ratings ng website nila. Good job.
Sorry, hindi ako makatulog kaya patolero ako.

hindi pa ako makapagpigil, binalikan ko site at nakabasa ako ng mga comments doon, kaya nagcomment na ulit ako. ito na naman ang mga nasabi ko.

Nag-iinit ang ulo parang si Kimmy ng kimmy dora.

Sep 8, 2014 at 11:54 am
Name 8 Filipino TV Series that you’ve watched from start to finish before creating eight reasons not to watch them. O kahit lima lang. Baka sakaling maniwala ako sa pinagsasabi mo.

Ang tamad lang ng gumawa ng article na ito. Nakakuha lang ng mga pictures ng teleserye, akala nakapag-research na, Nakakita lang ng picture sa google, nakapaghasty generalisation na.

Sana maging responsible naman ang mga blog owners tulad nang hinihingi nilang maging responsible ang mga TV producers.

Sa mga nagsasawa na sa palabas sa Pilipinas, really, what was the last shows that you;ve watched?

At sa mga nagsasabing we can do better? Ginamit mo ang pronoun na “We.” Now tell us, what have you started?

And finally, “upgrade” to Hollywood standards? Wow, colonial mentality at its finest.

What we have to upgrade is our culture, At hindi ito babatay sa mga nagawa na ng ibang bansa kundi sa kung ano ang kailangan natin bilang mga Filipino. At habang ipinagkakait sa mas nakararami ang mataas na kalidad ng edukasyon, mananatiling takot mangarap ang mas maraming mamamayan at magiging mabagal ang pagbabago ng mga hinahanap nila sa mga palabas na kanilang panonoorin.

patawad sa mga maling grammar. mainit ang ulo. hindi ako nakapag-edit

The Theory That Is LTFRB

taxi meme

Hindi pa ako nakakakita ng dinosaurs, kaya bahagi pa rin ng utak ko ang nagsasabing kathang isip lang sila. Parang aksyon ng LTFRB sa mga reklamo sa mga abusadong taxi drivers. Parang napag-uusapan, nababalita, may mga paliwanag na nagagawa, pero wala ring ebidensya na talagang nasosolusyunan. Parang theory lang din talagang masasabi.

Nagreklamo na ako dati, tungkol sa pangongontrata ng Altimate noong 2011 pa, at iyun naman, wala naman akong nabalitaan. Nakakasakay pa rin ako ng Altimate taxi every now and then.

Ito naman, nitong December 19, 2013, ibang taxi na naman ang nangontrata.

Galing ako sa Eastwood, 5:30 na ng hapon at may meeting ako nang alas-sais. Maraming nag-aabang, may pila, kaya naman nung nakasakay ako ng taxi, e umaasa na akong hindi male-late sa meeting.

Nakaandar na taxi at medyo nakalayo na sa pila.

Ako: Boss, UP tayo.

Tahimik.

Medyo nakalayo pa nang kaunti.

Driver: Nagdadagdag ako ng sikwenta.

Ako: Bakit?

Driver: Trapik e. Pwede naman kayong bumaba.

Ako: May magagawa pa ba ako. E kahit naman isumbong kita sa LTFRB wala naman silang magagawa.

Driver: Intindihin na lang ninyo.

Ako: Sino, ikaw o yung LTFRB?

Hindi na kumibo si Driver.

Hindi na rin ako kumibo.

Complaint Form sa LTFRB
Complaint Form sa LTFRB

Iyun, tingnan natin kung may mangyayari. Yung isa kong complain, naka 2 years na, hindi pa naaaksyunan, unahan sila nitong complain na ito. Kasi medyo intense daw ang campaign ngayon Christmas season. Tingnan natin.

Kung gusto rin inyong makipag-unahan sa akin, gawa rin kayo ng complaint sa LTFRB, eto ang form.

EFC TYR 372 nga pala ang mga nakasulat sa loob, sa gilid ng pinto ng taxi na nasakyan ko.