Category Archives: Uncategorized

BAYANI is spelled BAYAN before I

Ang “BAYANI” kung i-spelling-in ay BAYAN before I. Very Joey de Leon-ish ng analysis na ito, pero sa tingin ko, iyun dapat ang katangian ng susunod na mga mamumuno sa Pilipinas. Bayan bago ang sarili.

Paano naman ito masisigurado. Syempre, hindi sapat ang pangako at plataporma lang. Dapat, maglagay tayo ng batas na dapat, nakahandang maging bayani ang susunod na pangulo. In the first place, sila naman ang may gusto nun, at ang mga botante, wala namang choice kasi sila lang ang pagpipilian, since lahat ay qualified, maliban na lang sa nationality at age requirements, dapat kaya rin nilang gawin ang consequence ng position. At walang second place, wag nang maghanap.

Kaya dapat, ang mga tatakbo, handang maging Bayani. What’s common with all the Bayani? May inalay sila sa Bayan. Yung iba nga, buhay eh. Baka nga lang magmukhang joke itong gusto kong mangyari kung i-suggest ko iyun. Pero pwede rin.

What if lahat ng president ay may auto-deathwish after ng term nila? Literally, handang ialay ang buhay para sa Bayan. Like after nilang mapalitan sa pwesto. Papatayin na sila. Hindi naman nila kailangang mag-aalala, they will forever be remembered naman. Magkakaroon sila ng monumento, ipapangalan sa kanila ang kalsada, at kung darami pa ang pera, baka mailagay din ang mukha nila sa Philippine banknotes and coins.

Kaya lang, baka wala nang tumakbong pangulo.

Pero seriously, let’s just guarantee that the leader will serve the public. How, let them be one with the people.

May suggested bill na ako for this dati. Dapat, ang lahat ng nakaupo sa public office ay bawal gumamit ng private services.

Ang anak nila ay pwede lang mag-aral sa Public Schools, hindi sa Ateneo o sa La Salle. Gaganda ang mga equipment sa  mga paaralan. Tataas ang sweldo ng mga guro, at ang mga dekalidad na graduates ay hindi na pupunta sa ibang bansa at magtuturo na lang sa bansa. Syempre naman, gusto ng mga politicians na sumunod sa yapak nila ang mga anak nila, family business ito eh, at ang tanging paraan lang ay ang magandang edukasyon. At kung maganda ang edukasyon nila, maganda na rin ang edukasyon ng nakararaming nag-aaral sa public schools.

Ang mga babae sa pamilya nila ay pwede lang manganak sa mga Public Hospitals. At ang mga gamot na makukuha nila ay ang mga available lang sa mga Health Centers. Ikagaganda ito ng mga bayan at probinsya dahil darami ang mga pampublikong pagamutan. At tataas din ang kalidad ng mga doktor. At ang bakunang makukuha ng anak nila, makukuha ng karaniwang tao. Lagnatin na ang lalagnatin. Dahil lahat sila ay pwede lang um-avail ng mga gamot sa Health Centers. Hindi sapat na tanggalin ang wang-wang.

Dapat sa mga public transportation lang din sila aasa. Tingnan natin kung hindi manginig ang mga yan sa pagsasayos ng traffic. At hindi lang trapik ang aayos. Makikita nila kung paano ang kilos ng kotongan sa mga pampublikong drivers ng sasakyan. at mararanasan nila ang mapikon sa kulang ng sikwenta centavos na sukli. hindi lang dahil OC ka, pero dahil hindi iyun tama. Na wala lang sa opisina nila ang korapsyon, kundi nasa kalsada rin.

Hindi kasi nila nakikita ang problema ng publiko kasi hindi nila nararanasan. Hindi dumidikit sa balat nila. Dapat maranasan nila araw-araw. Iyun ay isang napakagandang paraan para masolusyunan nang totohanan ang mga problema ng lipunan.

After ng services, tungkol naman s kita ng mga public officials. Oo, may sweldo sila bilang trabaho naman ang pinasok nila. Pero huwag naman tayong ganid. Kitang-kita naman ang kinita nila pagkatapos ng kanilang mga termino.

Dahil dito, dapat, magpakita ng SALN ang bawat tatakbong opisyal. At kapag naluklok, dapat, hindi nabago ang kanilang SALN. Lahat ng lumampas ay dapat ibalik sa Bayan. O sige, pwedeng kumuha ng expert na magsasabi kung magkano lang ang average na pagtaas ng yaman ng isang karaniwang tao sa anim na taon. At iyung porsyentong iyun lang ang katanggap-tanggap na ikauunlad ng kanyang yaman.

Maaaring sabihin na madaling ilipat ang yaman sa pangalan ng kanilang mga kapamilya. Sige lang go. Gawin lang nila yun, pero alam naman nating eventually, ang perang ito ang sisra sa pamilya nila, magiging cause ng inggitan, iyun, magiging mala telenovela ang kanilang buhay. Iyun na ang karma nila.

And lastly, babalik ako sa auto kulong. Dapat lahat ng salitang binitawan ng mga kakandidato ay kontrata. Kung ano ang plataporma nila, kung ano ang goal nila kapag natapos ang termino, dapat masunod. At kapag hindi nasunod, makukulong sila. Breach of Contract na iyun.

Kunyari, nangako ang Pangulo ng maayos na tren, pag walang tren na naayos, kaso na dapat iyon. O kung sinabi niya na ipapasa niya ang FOI Bill, tapos natapos ang termino niya, hindi naipasa. Kaso iyon. Oo, wala sa kanya ang total power to do that, pero pinangako niya iyon. Naibigay sa kanya ang posisyon, bakit hindi niya nagawa ang pangako?

Obviously para ito sana sa mga panguong tatakbo, pero sana, maibigay din ang mga ganitong rules sa lahat ng tatakbong public officials. Dahil ang totoo, hindi naman sila pinipilit tumakbo, sila ang may gusto. Kaya sana lang, maranasan nila ang gusto ng pagsisilbihan nilang publiko.

Advertisements

Hello Philippines

Hay dahil namiss ko ito. pampasaya. GV for today

Urbandud

Hello Philippines 2010 Hello Philippines 2010

Pilipinas ang isa sa melting pot ng kung anu-anong lahi ng buong mundo at ang call center naman ang melting pot ng kung anu-anong klaseng Pilipino. at isang call center nga ang setting ng Hello Philippines.

Limang agents, sina Brichi, Berna, Anton, Toni at Elsa, ang nagkakila-kilala sa E Teleperformance-Go, pero kailangan nilang mag-alis ng isa sa kanila, dahil apektado ng recession sa states ang company nila. sino ang aalis? sila na ang magdidikta, ayon na rin sa dikta sa kanila.

View original post

Reaction Sa Akin Ng Isang Tamad Na Sumulat Ng ArticleTungkol sa Estado ng mga Teleserye sa Pilipinas

grabbed from his article
grabbed from his article http://8list.ph/reasons-why-pinoy-teleseryes-will-never-upgrade-to-hollywood-level/

Grr. I usually don’t do this, but comments like this one just… I can’t even…ANYWAY:

My argument:
Pinoy teleseryes need an upgrade, need more ambition, need more freshness.

Your counter-arguments:
1. “Nakakuha lang ng mga pictures ng teleserye, akala nakapag-research na”
– NOPE, those aren’t my pictures. I only submitted the text =)

2. “Sa mga nagsasawa na sa palabas sa Pilipinas, really, what was the last shows that you;ve watched?”
– Lets say, for argument’s sake, that I have NOT watched any teleseryes lately. Does that mean that everything on the list is 100% false? A whopping majority seems to agree with it, and some even say those 8 aren’t the only ones worth mentioning – there are more! (Baka ikaw ang hindi nanonood?).
You don’t have to be a freaking film major to see how boxed our TV culture is.
And for the record, I’ve watched Ezperanza, Mula sa Puso, Pangako Sa Yo, Maging Sino Ka Man, Tayong Dalawa and The Legal Wife (from start to end).

3. “Ginamit mo ang pronoun na “We.” Now tell us, what have you started?”
– I’ve started by TELLING THE DARN TRUTH, which, for most people, is a good start.

4. “And finally, “upgrade” to Hollywood standards? Wow, colonial mentality at its finest.”
– Hollywood shows get translated into HUNDREDS of languages just so the world can watch them. YES, Hollywood is the best. Deal with it, or live in denial.
Do you honestly, absolutely believe – from the bottom of your patriotic heart – that pinoy tv shows are anywhere near Hollywood shows in terms of quality?? If your answer is yes, then I salute you. I shall inform the president.

E di react din naman ako syempre. sayang ang opportunity na makapag-isip.

Im flabbergasted that you took some minutes of your lazy time for me, instead of using those moment on research to make your next article credible.

your argument:
Pinoy teleseryes need an upgrade, need more ambition, need more freshness.

My point
You barely know anything about Pinoy Teleserye for you to have an argument about it.

Your counter-arguments:
1. “Nakakuha lang ng mga pictures ng teleserye, akala nakapag-research na”
– NOPE, those aren’t my pictures. I only submitted the text =).

– You, not being responsible for the photos doesn’t discount the fact that what you’ve written is a hasty generalization. You just missed your first point on my counter argument. Yung photos na nga lang ang drop of hope na nakapagresearch ka, na-drop mo pa. So wala ka talagang basehan sa mga pinagsusulat mo so far.

2. “Sa mga nagsasawa na sa palabas sa Pilipinas, really, what was the last shows that you;ve watched?”
– Lets say, for argument’s sake, that I have NOT watched any teleseryes lately. Does that mean that everything on the list is 100% false? A whopping majority seems to agree with it, and some even say those 8 aren’t the only ones worth mentioning – there are more! (Baka ikaw ang hindi nanonood?).
You don’t have to be a freaking film major to see how boxed our TV culture is.
And for the record, I’ve watched Ezperanza, Mula sa Puso, Pangako Sa Yo, Maging Sino Ka Man, Tayong Dalawa and The Legal Wife (from start to end).

Okay I believe you now. So how was your experience with these 7 shows?

Moving on, let’s say that. For argument’s sake, let’s say that your article is not 100% false. But is it 100% true? Did you list down 100% true samples to support your claim for it to be not 100% false.
Then, who is your whopping majority? May survey ka? It “seems” na gawa-gawa mo lang ang majority mo? And if you are talking about the commenter in this article, would that mean na nauna ang output mo bago ang research? How responsible is that?

Sige, kunin natin ang 7 shows mo. Of course, ABS-CBN is the leading network kaya siguro puro ABS-CBN shows ang napapanood mo. Maging Sino Ka Man, veru beautiful. Pero iyun naman pala, napanood mo, narinig mo si Sam nung sinabi niyang I neve said that I love you. Hindi naman tagalog yun? Nandun si Sam, binigyan siya ng break kahit baguhan siya sa industriya. Dalawang points na ng 8 reasons mo ang binasag ni Sam Milby pa lang sa Maging Sino Ka Man.

But more than that, how can you box Philippine Television by watching shows of a single network, when GMA 7 has not stopped producing their teleserye as well, and TV 5 creating breakthrough series as well. Have you seen Encantadia? My Husband’s Lover? Dading? Beki Boxer? Sa Ngalan ng Ina?

3. “Ginamit mo ang pronoun na “We.” Now tell us, what have you started?”
– I’ve started by TELLING THE DARN TRUTH, which, for most people, is a good start.

– you’re just telling something DARNED. But not the truth. I would have accepted an answer like you’ve started by telling your DARN OPINION. And I would say that your darn opinion needs an upgrade, needs more ambition, needs more freshness.

But at least, an opinion can’t be wrong.

So no. Not a good start.

4. “And finally, “upgrade” to Hollywood standards? Wow, colonial mentality at its finest.”
– Hollywood shows get translated into HUNDREDS of languages just so the world can watch them. YES, Hollywood is the best. Deal with it, or live in denial.

Do you honestly, absolutely believe – from the bottom of your patriotic heart – that pinoy tv shows are anywhere near Hollywood shows in terms of quality?? If your answer is yes, then I salute you. I shall inform the president.

Okay, name at least two shows, two Hollywood shows that have been translated into hundreds of languages. Not a hundred, but HUNDREDS. Maybe I am looking t at least two hundred languages at least? And would you mind enumerating the countries where those languages are from, please. Para naman hindi isipin nang mga mambabasa mo na top of your careless mind lang ang mga pinagsusulat mo.

Now about Hollywood shows. Do you know that there are some Hollywood shows that got cancelled due to maybe same as the 8 reasons you’ve discussed. To name a few, Charlie’s Angels? Ironside? The Playboy Club? Have you heard of them? These are Hollycrap of Hollywood.

Finally, your challenge here is as invalid as your argument. Why would I want to believe that pinoy tv shows are anywhere near Hollywood shows in terms of quality? When I don’t even believe that Hollywood shows should be the standard of Philippine Television. Or did I not make that the point of my comment? Philippine Television should cater to taste of the greater Filipino Audience. You don’t have to be a freaking patriot to see how western your culture is.

But just go on, inform the president and please tell him that the traffic we are experiencing is in EDSA is not a sign of the Philippines’ booming economy. Just like your six teleserye, they are just six of the most beautiful Pinoy Teleserye but not everything that is Philippine Soap Opera.

May Lalaking Tumatawa sa Jeep

Hindi ko matandaan kung anung panahon iyun, pero alam ko, tirik ang araw noon at nakasakay ako sa jeep, sa pinakasulok, katabi ng pasukan ng mga tao, dikit sa bakal ang aking braso dahil siksikan. Papuntang trinoma ang jeep at marahil ay mga estudyante ng UP ang kasakay ko. May ilang matatanda rin, at ang kaharap kong may dalang payong ang pinakanatatandaan ko. Lalaki siya, mas may edad kesa sa akin, kita sa kanyang buhok. Isang beses lang kaming nagkatitigan noong sandaling iyun. Nahuli ko marahil siyang nakatitig sa akin at inalis niya ang tingin niya at hindi na muli akong tiningnan.

Noong nakaraang taon pa ito, hindi ko matandaan kung anong buwan, pero ito ang buwan na pinakamabigat yata ang aking pakiramdam. Ang sinasabi nilang krus na pasan, wala naman, pero may mabigat sa balikat, sa likod ko. Ito siguro yung sinasabing dinadala, dahil kahit wala akong nakikita, meron akong nararamdamang bigat. Ito yung panahong lahat ay tungkol sa akin at sa aking nararamdaman. Lahat ng palabas sa TV, lahat ng commercials, lahat ng kanta at tula at pelikula at kwento, lahat tungkol sa akin. Pati ang pagkakataong iyun sa loob ng jeep. Sa walang kahit anumang dahilan, bigla na lang bumuhos ang luha ko. Tuluy-tuloy. Hanggang sa ang pagluha ay nagkaakibat na ng hikbi. Pinigilan kong huwag maging maingay dahil nasa jeep ako. Alam ko iyun, alintana ko iyun ngunit hindi nagpapapigil ang aking mata sa paglabas ng mga di ko inaasahang emosyon sa pagkakataong iyun. 

Iyun siguro ang dahilan kung bakit may lalaking tumitig sa akin sa jeep, na nag-allis ng tingin nang magkatapat ang aming mga mata.

Pero noong nakaraang taon ito.

Kagabi. Nakasakay ulit ako sa jeep. Mga walo lang siguro kami sa labingdalawahang jeep. Malaki ang jeep at madilim. Kulay asul ang ilaw malapit sa driver at may ilang madidilim na ilaw din malapit sa hawakang bakal. Mabilis ang jeep na parang sumasabay sa tugtog nitong rap na tagalog na sa totoo lang ay mas naeenjoy kong pakinggan kesa sa mga nakahandang playlist sa phone ko.

Kasabay ng mga di ko naman talaga naiintindihang mga salita, bigla akong nakaramdam ng saya sa loob ko. Napangiti ako na may kasamang malakas na paghinga. Hindi ko alam ang pinanggagalingan pero may masayang pakiramdam ang bumalot sa akin galing sa aking kalooblooban. Kung ito ang nararamdaman ng isang babaeng nilalabasan, hindi ko malalaman, pero ayon sa mga nababasa ko, may hawig ang pakiramdam. Parang bumubukas ang likod ko sa gaan na parang may mga pakpak na nais kumawala. at ang dilim ng sasakyan ay lumiliwanag sa aking pagpikit. Kung nakangiti ako ay isa na lamang iyung understatement.

Mabuti na lamang at nakatingin sa harapan ang mga sakay ng jeep. 

Pero itong isang binatilyo sa harap ko ay nangingiti. Nakatingin siya sa akin at hindi inalis ang tingin kahit na nagkatitigan kami. kaya naman tinanguan ko na lang siya. Tumango din siya at ngumiti. 

Huminga ako nang malalim at matapos ang ilang saglit, nauubos din ang panandaliang sayang naramdaman ko. Hindi ko alam ang dahilan. Siguro si Arvie.

Image

 

 

BTW.

Hi Guys! 

Im Back!