Tag Archives: comedy

Art Of Hugot

Mimi Aringo as Pia Alonso Artsback in the piece the “Art of Hugot” for UP Diliman Month 2016 closing ceremony.

 

Advertisements

How To Deal with A Boyfriend’s Kontrabida Mom from A Telenovela

Sa iyo na ang pinakamagandang love story sa mundo.

Talo na ang “magmahalan-tayo-kahit-na-magkaaway-ang-parental-units-natin-story” Yna at Angelo ng Pangako Sa’Yo. Taob na rin ang mayaman-mahirap-may-halong-paghihiganting-plot-points” nina Sergio at ang may self-titled series na si Marimar.

Madma

Pero isa lang ang pipigil dyan. Ang nanay ng boyfriend na parang nag-asawa lang para sa yaman tulad nina Madam Claudia, o nagmahal ngunit nasaktan tulad ni Amor Powers, or parang basic na mayaman lang at matapobre na magsasabing ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, na madalas ay pinapatama sa iyo, like Senyora Santibañez.

Paano pa matutuloy ang love story mo? Paano mo pa mapatutunayang #MayForever

Ito ang five point strategy mula sa nag-iisang Madma ng Masa.

To date, ito ang pinakanakakatawa at pinakamasayang challenge na nagawa sa Clown in a Million ng Banana Split Extra Scoop. At finally, nakuha na rin ni Karen ang matagal na niyang inaasam na Havey of the Day title. at ika nga lagi ni Pooh, huwag na nating patagalin pa. Ito na ang Video.

Sana ma-post ko din ang bukakaan sa pole dancing opening kung saan naka-quota sa pukersha ang mga maniac. Ang best ni Aira, may i just say.

iyun, nahabol ko din, sayang, hindi ko pala napindot nung umpisa when aiko was dancing. simulan na lang natin kay Sunshine. Niweis, si Aira naman ang best in this particular dance.

After ng very successful Angelica Panganiban Birthday Special, tumuloy ang party sa Banana Split Extra Scoop. It was a magical episode filled with… Magic, pero hindi biskwit. Ito po yung ilang kuha namin while watching the taping.

Sunshine, Aiko and Saicy sexy dance number with clowns and juggler and extortionist. Opo may nangingikil, hindi basta yung mga naghahahagis-hagis at nagbabaluktot ng katawan sa likod. Tama nga at parang too much ang kaganapan sa opening na ito. okay lang naman na magbawas ng dancers para ma highlight ang mga stars ng production number.

Clown Mimi

Mimi performs with her magic tricks, na mawawala ang piso kasama ang pet ni GAry V at Ate V na si Jolli V. Sana, sinama na rin niya ang tagapagtanggol ng gma ito na si Voltes V . Nakakatawa yung nilinaw niyang hindi siya si Karen dahil nga daw kapag namamalengke siya para sa anak niya, napagkakamalan siyang si Karen ng mga tindera.

Clown Karen

Havey din si Karen with her magic act kung saan ang isang baboy ay ginawa niyang tao. At syempre, iba rin ang blind item, nagliliyab/hot issue na binulong ni Angelica sa kanya.

Clown James

At dahil na sa usapin na rin tayo ng mga havey, go na tayo sa Havey of the Day. Si James. I don’t think kailangan pa ni James ang show na ito to be a star. Dahil kung si Karen ang modern day Cynthia Patag, si James naman ang George “Dyrods” Javier of the new Decade.

George "Dyords" Javier. Nakikilala na ninyo?
james, or dyords?

 

TV Show/Comedy and more

Review

Medyo nagsasawa na ako sa mga ganap sa Banana Split Extra Scoop. Opening. Clown in a Million. Mid Prod. Tapos na. Sana may bago naman at medyo maiba naman ang format. Keri naman na mataas ang ratings sa timeslot at talo ang kalaban, pero sana, may mas iganda pa. Kung baga sa Room for Rent, sana may Room for Improvement rin. Ganyan.

Akshali ang pinapanood ko na lang sa show ay sina Angelica, kapag kakanta siya, sina SexBomb Aira at Sunshine, tapos yung mga Clown in A Million na. Medyo disappointed ako kay Pooh, dahil parang mas may maibibigay pa siya kung bibigyan ng chance parang hindi niya maitumba si Angelica sa ligwakan kapag silang dalawa ang nagho-host ng Clown segment.

Niweis, ito hindi naman rant ang ipo-post ko dito, but the performances of Mimi and Karen. My top bet sa show.

Ayan si Mimi, medyo hindi pasok sa top three ang performance niya i think, pero babawi naman siya. For sure. But aminin, sexy siya. May igaganda pa. Also, Gregariousoda!

At ito naman ang Tariray/Stariray toothpaste ni Karen na hanggang ngayon ay sinusundan pa rin ni Direk. Sa tingin ko, silang dalawa ni Tekla ang naglaban sa patawanan. Mas gusto ko pa rin ang freshness ni Karen,at ang kawalan niya ng experience vs kanyang kalaban.

Halata pala ang mga cuts nitong episode, nawala tuloy yung pagka live nung feel, lalo na yung Hot Issue na wala namang Hot Issue. At sobrang waley ni Jayson na sinabihan na siyang waley nina Angelica, sana iyun na ang tinanggal kasi nga Waley naman talaga.

Moreso, hindi dapat ine-edit yung performances nung mga clown. Kasi reality show ito, kung edited ang ipinapakita sa mga performance nila, pwedeng sabihin, “bakit ninyo ni-cut yung best part nung performance ko? gusto ba ninyo talaga akong matanggal?” sana makaisip sila ng creative way para maging interesting pa rin yung mga kawalng ka kwentahan ng performance ng mga contestants sa clown.

Iyun naman. Can’t wait for next saturday para sa gagawin nila sa challenges. Sana mas challenging pa, para mas nakakatawa.

to close, ito ang opening nila. With Sexy production number with Saicy, Aiko and Sunshine

http://www.youtube.com/watch?v=J_dZhQVoWoo