Tag Archives: current affairs

You and Your Empty Apologies

9
You and your empty apologies. Photo totally unrelated with the post.

 

One of the most unsatisfying things in life is having to hear sorry from someone who is not at fault.

Paano ka magiging sorry? Ikaw ba ang nagpaasa sa akin? Hindi. Kaya huwag kang mag-sorry, dahil mula sa’yo, walang ibig sabihin yan.

Kanina lang kasi, sabi niya sa akin. “I’m so sorry to hear that…”

“No! You can’t be sorry. You have no idea what it’s like waiting for something. No, not waiting, expecting, dahil ginawa ko ang part ko. Ginawa ko at naghintay. Pero wala. Walang dumating.”

Pero syempre, I stopped at “No you can’t be sorry.” Because as much as it was unsatisfying to hear her apologies, hindi niya deserve ang galit ko. I just followed it up “Wala ka namang magagawa di’ba.”

And she said, “Sorry wala po.”

“I’m sure,” I just said.

Poor customer service girl. Kasi kung mayaman siya, hindi niya kailangang harapin ang sama ng loob ng mga unsatisfied customers tulad ko. And I wasn’t even that rude, I swear.

What’s rude was promising an eight hour period for a Wi-Fi reconnection, pero nakita ko na si Dory, nakapagpadoktor na ako at nakapagpa laboratory, wala pa rin. But let’s not go to the waiting time sa hospital, yung pila sa HMO, then another frustrating hour of waiting for the doctor just to have a less than five minute consultation para sa recommendation for a lab test that led me back to the pila sa HMO office. Let’s not go there yet. Focus tayo dito sa Wi-Fi namin.

Bago kasi ang lunch, binayaran na ng nanay ko ang due sa Globe. Bago yun mag lunch take note. Alas nueve na ako nakauwi. 9pm, expecting na may Wi-Fi na. Pero wala. Kasi kung meron, wala akong ngungoy ngayon. Wala. Hindi ba naiintindihan ng Globe na nadagdag na ang Internet Connection sa ibaba ng Marlow’s Hierarchy of Needs?

Kaya naman kahit alas nueve na, dial ako sa 211, sabi kasi sa Globe Portal, disconnected pa rin kami. May dalawang options na in-offer. Dial one para sa free reconnection. Dial 2 para makakausap ng operator na aayos for 300 pesos. So Dial 1 ako. Matapos mabigay ang details na hinihingi ng machine, sinabi, maghintay na lang daw ng up to eight hours para makabit ang internet. Magtetext na lang daw sila pag nakabit na, level ng don’t text us, we’ll text you.

Parang ang unfair. Parang na-restart ko yung 8 hour count ng pagre-reconnect.

Kaya naman tawag ulit ako para subukan yung may makakausap na babayaran ng 300 pesos. Mind you, hindi rin madaling masagot ang tawag ko. Medyo busy ang mga operators nila. Pero hintay ako habang nanonood ng Batman. Dark Knight yata. Pero it feels like Batman Forever. Pero swerte ko na rin dahil walang forever, dahil tulad ng trapik sa EDSA, umusad din habang papalalim ang gabi.

Iyun nakausap ko nga itong si girl na puro sorry to hear that ang spiels.

Iyun naman pala, sabi niya, dapat daw pagkabayad, tumawag na kami sa 211 dahil yun lang ang way na malalaman ng system nila na nakabayad na at okay na.

Ang labo, eh phone with broadband ang in-avail namin. Putol nga ang phone. So in-expect ng nanay ko, yung babae nang nakausap niya sa Globe ang gagawa ng paraan para ma-reconnect kami, dahil other than sa logically, hindi kami makakatawag dahil putol nga ang phone kaya binabayaran, may assurance yung babae when she said, wait na lang daw ng eight hours. So ang instruction lang ay basically, wait. Naghintay. Nagpaasa. Alam ba nya kung gaano kasakit umasa?

Sabi ko, ay, hindi iyun sinabi nung representative sa Globe doon sa Innove Communications Inc. sa SM San Mateo. Sabi lang kasi sa Nanay ko, hintay lang daw ng 8 hours.

So pinaliwanag ko ang sinabi ng tao nila sa Globe Store na maghintay lang kami ng eight hours. Then nagstart na naman siya ng kanyang three sorry per minute spiel.

Doon ko na tinanong kung may magagawa siya, sabi niya wala, pero pwede naman daw niyang gawan ng report para maging priority na yung reconnection namin.

Sabi ko, ayus yun. So gaano katagal na lang ako maghihintay kung priority na ang case ko?

Eight hours pa rin po.

Uhm. Yung sense ko parang nawala. Ako ba ang mali? So na-verbalize ko na. “Hindi ba priority na, bakit eight hours pa rin?”

“Ganun po talaga. Pero para sure, 8am po, ayos na yan.”

Ay? Alas nueve pa lang kasi, pinapatulog na ba niya ako? Na may kasamang pangako nang bagong umaga? Like everything will be better in the morning.

But no! Insomiac kasi ako, at hindi magagamot ng isang gabing walang internet ang problema ko sa tulog. Hindi nga kinaya ng Sleepasil eh, yan pang 8am na siguradong connection? Anung gagawin ko ‘til then?

Inalala ko na lang na si Duterte na ang susunod na presidente. Uupo na siya. Change is coming. Tatanggalin na daw niya ang monopolyo telco, if I heard it right. Kung hindi man, tatanggalin niya ang mga nababayarang opisyal ng mga telco na ito para magtino na ang kanilang serbisyo, yan tanda ko yan at pinanghawakan ko.

Pero naalala ko rin ang satisfaction ko sa mga napili niyang members ng gabinete niya, na sinabi niyang ilalathala niya sa dyaryo para pagpilian ng mga taong bayan na hindi natupad. Ang satisfaction ko sa desisyon niyang ipalibing si Marcos sa Libingan ng Mga Bayani, dahil sinabi ko sa mga anti Marcos kong friends na pag nanalo siya ipalilibing niya si Marcos sa Libingan ng mga Bayani and they just told me na hindi niya iyun gagawin.

Well, I like Duterte, he is my president kahit na siya ay satisfyingly unsatisfying or unsatisfyingly satisfying, kasi at the end of the day, he isn’t sorry. But let’s not go there. Focus sa Globe. Iyun. Bumalik nga ang pikon ko.

Nakakapikon. Pero kalma pa rin ako. Hindi ko in-invite ang presence ni Maricel Soriano sa sistema ko. Good Vibes lang dahil naalala kong tumaya ako sa lotto. Andami nang bad karmang nauna sa buhay ko, baka nakaipon na ako ng enough para manalo ng milyon. Kaya iyun, hinga na lang ako nang malalim. Forgive, dagdag sa alkansya ng good karma. Sabi ko, “sige okay na. bahala na.”

Tapos tinapos na niya ang spiel niya na “…have a wonderful…”

Ay, nagpinting ang tenga ko. Parang nang-aasar pa. Hindi ko na ulit siya pinatapos.

Wala. Walang wonderful. Walang wonderful sa paghihintay. Level ni Maricel na sumisigaw na walang bagong taon sa pamilya na to!

Kaya iyun, goodluck na lang sa lotto ticket ko.

Goodluck sa mga customer service rep tulad mo. Goodluck sa doctor ko. Goodluck sa presidente natin. Goodluck sa Pilipinas. Na ilang taon nang naghihintay ng pagbabago. Kaya sorry na lang sa Pilipinas.

But I’m not sure if this Pilipinas would be satisfied with my sorry.

Philippines at night
This is how the Philippines looks like at night from space. Another totally unrelated photo.

BAYANI is spelled BAYAN before I

Ang “BAYANI” kung i-spelling-in ay BAYAN before I. Very Joey de Leon-ish ng analysis na ito, pero sa tingin ko, iyun dapat ang katangian ng susunod na mga mamumuno sa Pilipinas. Bayan bago ang sarili.

Paano naman ito masisigurado. Syempre, hindi sapat ang pangako at plataporma lang. Dapat, maglagay tayo ng batas na dapat, nakahandang maging bayani ang susunod na pangulo. In the first place, sila naman ang may gusto nun, at ang mga botante, wala namang choice kasi sila lang ang pagpipilian, since lahat ay qualified, maliban na lang sa nationality at age requirements, dapat kaya rin nilang gawin ang consequence ng position. At walang second place, wag nang maghanap.

Kaya dapat, ang mga tatakbo, handang maging Bayani. What’s common with all the Bayani? May inalay sila sa Bayan. Yung iba nga, buhay eh. Baka nga lang magmukhang joke itong gusto kong mangyari kung i-suggest ko iyun. Pero pwede rin.

What if lahat ng president ay may auto-deathwish after ng term nila? Literally, handang ialay ang buhay para sa Bayan. Like after nilang mapalitan sa pwesto. Papatayin na sila. Hindi naman nila kailangang mag-aalala, they will forever be remembered naman. Magkakaroon sila ng monumento, ipapangalan sa kanila ang kalsada, at kung darami pa ang pera, baka mailagay din ang mukha nila sa Philippine banknotes and coins.

Kaya lang, baka wala nang tumakbong pangulo.

Pero seriously, let’s just guarantee that the leader will serve the public. How, let them be one with the people.

May suggested bill na ako for this dati. Dapat, ang lahat ng nakaupo sa public office ay bawal gumamit ng private services.

Ang anak nila ay pwede lang mag-aral sa Public Schools, hindi sa Ateneo o sa La Salle. Gaganda ang mga equipment sa  mga paaralan. Tataas ang sweldo ng mga guro, at ang mga dekalidad na graduates ay hindi na pupunta sa ibang bansa at magtuturo na lang sa bansa. Syempre naman, gusto ng mga politicians na sumunod sa yapak nila ang mga anak nila, family business ito eh, at ang tanging paraan lang ay ang magandang edukasyon. At kung maganda ang edukasyon nila, maganda na rin ang edukasyon ng nakararaming nag-aaral sa public schools.

Ang mga babae sa pamilya nila ay pwede lang manganak sa mga Public Hospitals. At ang mga gamot na makukuha nila ay ang mga available lang sa mga Health Centers. Ikagaganda ito ng mga bayan at probinsya dahil darami ang mga pampublikong pagamutan. At tataas din ang kalidad ng mga doktor. At ang bakunang makukuha ng anak nila, makukuha ng karaniwang tao. Lagnatin na ang lalagnatin. Dahil lahat sila ay pwede lang um-avail ng mga gamot sa Health Centers. Hindi sapat na tanggalin ang wang-wang.

Dapat sa mga public transportation lang din sila aasa. Tingnan natin kung hindi manginig ang mga yan sa pagsasayos ng traffic. At hindi lang trapik ang aayos. Makikita nila kung paano ang kilos ng kotongan sa mga pampublikong drivers ng sasakyan. at mararanasan nila ang mapikon sa kulang ng sikwenta centavos na sukli. hindi lang dahil OC ka, pero dahil hindi iyun tama. Na wala lang sa opisina nila ang korapsyon, kundi nasa kalsada rin.

Hindi kasi nila nakikita ang problema ng publiko kasi hindi nila nararanasan. Hindi dumidikit sa balat nila. Dapat maranasan nila araw-araw. Iyun ay isang napakagandang paraan para masolusyunan nang totohanan ang mga problema ng lipunan.

After ng services, tungkol naman s kita ng mga public officials. Oo, may sweldo sila bilang trabaho naman ang pinasok nila. Pero huwag naman tayong ganid. Kitang-kita naman ang kinita nila pagkatapos ng kanilang mga termino.

Dahil dito, dapat, magpakita ng SALN ang bawat tatakbong opisyal. At kapag naluklok, dapat, hindi nabago ang kanilang SALN. Lahat ng lumampas ay dapat ibalik sa Bayan. O sige, pwedeng kumuha ng expert na magsasabi kung magkano lang ang average na pagtaas ng yaman ng isang karaniwang tao sa anim na taon. At iyung porsyentong iyun lang ang katanggap-tanggap na ikauunlad ng kanyang yaman.

Maaaring sabihin na madaling ilipat ang yaman sa pangalan ng kanilang mga kapamilya. Sige lang go. Gawin lang nila yun, pero alam naman nating eventually, ang perang ito ang sisra sa pamilya nila, magiging cause ng inggitan, iyun, magiging mala telenovela ang kanilang buhay. Iyun na ang karma nila.

And lastly, babalik ako sa auto kulong. Dapat lahat ng salitang binitawan ng mga kakandidato ay kontrata. Kung ano ang plataporma nila, kung ano ang goal nila kapag natapos ang termino, dapat masunod. At kapag hindi nasunod, makukulong sila. Breach of Contract na iyun.

Kunyari, nangako ang Pangulo ng maayos na tren, pag walang tren na naayos, kaso na dapat iyon. O kung sinabi niya na ipapasa niya ang FOI Bill, tapos natapos ang termino niya, hindi naipasa. Kaso iyon. Oo, wala sa kanya ang total power to do that, pero pinangako niya iyon. Naibigay sa kanya ang posisyon, bakit hindi niya nagawa ang pangako?

Obviously para ito sana sa mga panguong tatakbo, pero sana, maibigay din ang mga ganitong rules sa lahat ng tatakbong public officials. Dahil ang totoo, hindi naman sila pinipilit tumakbo, sila ang may gusto. Kaya sana lang, maranasan nila ang gusto ng pagsisilbihan nilang publiko.

Calling on Another Saint

As the Philippines, the proudest Asian Catholic country celebrates the coming Sainthood of Pedro Calungsod in the Mama Mary Base Cult, which is so big it has to be called a religion, stealing the thunder away from the Bangsamoro success, which took away the Cybercrime hullabaloo last week which seemed to overshadow the news including protest and anti-celebrations of the Hacienda Luisita events and the dehydration of GMA and her illnesses and the illnesses she’s caused the nation, another saint reminded me of my nape, as my dad was again brought to the hospital, no longer of St. Vincent, but St. Matthews.

And now he is home. Thank you lord.

The man that i call ‘Dy.

Sa Pagkatanggal ng Corona

Season Ender

May pagkabagabag ako sa mga nakaraang Linggo dahil parang ang i-intense ng mga balitang nagaganap. Parang soap opera na pina-cut short. Sunud-sunod na ang pasabog. Kuhang-kuha ang panlasa ng mamamayang Pilipino.

1. Debris ng Rocket Korea na singlaki ng ref, babagsak sa Pilipinas. May mga naganap pang usapin, natuloy, nag-abang. Iyun, premature ejaculation ang rocket. Which was good. For us. For them, feeling ko may pinapatay sa Korea.

2. China sinasakop ang Scarborough Shoal. Ito parang na-set up nang maaga, kasi habang nagaganap ito may mga natatapos na revelations at small victories.

3. Such as Jessica Sanchez. Natalo man siya sa America, nanalo siya sa buong mundo. Though aminin na lang na puro sour graping na ang naganap na Okay lang na natalo si Jessica. Nalungkot tayo bilang bansa, at ang ibang bagay na sumunod dito ay pampasaya na lang sa ating sarili. Hobby yan ng Pinoy, pasayahin ang sarili. Hence, watch this. http://www.cge.tv/watch/27c46295-d6cf-49d9-bf3b-3573e6e55b0e

http://www.cge.tv/watch/27c46295-d6cf-49d9-bf3b-3573e6e55b0e

And finally, Light-light-an lang talaga yung kay Jessica. Ang nakabagabag talaga sa akin e iyung parang may chance pang mapawalang sala si Justice Corona. Mukhang malulungkot talaga ang bayan, specifically ako, kung nagwagi ang kampo ni CJ Renato Corona. Mabuti na lang at nagtagumpay muli ang mga Pilipino, or ako. Hindi rumurok sa kalugmukan ng bansa.

Marahil nahati ang bansa sa magiging hatol. Obviously, panig ako sa mga may nais na ma-convict si Corona. Maliban na lang sa prosecution team na napatunayan lang kung gaano sila katanga. Kung gaano sila kahina. Nasa winning team na sila, pinatalo pa nila. Sa too lang, with all their presentations, maa-acquit si CJ. Damang-dama na binayaran sila ng kung sino para ipatalo ang kaso.

I am talking about the team, dahil nag-shine naman sa akin si Farinas. Kahit hindi ko napanood ang lahat ng ginawa niya, nasa arts ako at naniniwala akong mahuhusgahan ang isang tao sa huling bagay ng ginawa niya. E napanood ko yung huli niya, kung paano niya sinabing palusot lahat ng sinabi ni Corona. Mahusay.

Si Corona naman talaga ang nagdiin sa sarili niya. He was transparent but his transparency came out when it was only necessary. And that moment was when her backer, GMA was replaced by a leader who promised to clean the government. Umamin si Corona, hindi naman daw niya sinasadya. Walang malisya. Pero iyun din naman ang kaso ng Homicide. Not to mention all the acting involved, na krimen na ring maitutulad.

After that, parang hindi na siya maisasalba ng depensa, though parang wala ring plano ang defense team na manalo. Kunin ba naman nilang witness ang Ombudsman na isa pang magdidiin sa kanila.

Pero tama ba ang naging hatol? Hindi ko alam. Pero ang mga naganap ay sapat na pra sa akin na humatol sa mga naghatol. I admire the three who voted for Acquital. Naniniwala ako hindi sapat ang issue ng SALN para maipatanggal sa pwesto ang Chief Justice of the Philippines. It is a minor offense. Lumalabas lang talaga na mayroong may gusto na matanggal sa pwesto si Chief Justice.

Here is the video of Miriam kung gusto muli ninyo ng entertainment. Kalevel ng parody nina Jennifer Holiday at Jessica Sanchez. Ni-Parody ni Miriam ang sarili niya. Click the video to watch.

http://www.cge.tv/watch/dcdb4899-a054-4999-a07e-4ec19ebad4ea

And i love her selflessness na ibibigay niya even her second life for the country. “”Panginoon, bigyan mo pa ako ng isa pang buhay at iimbestigahin ko lahat, isa-isa, dito sa Senado at sa House of Representatives. Tingnan natin. Pati sarili ko iimbestigahin ko.” Best! Sana madam, maging pusa ka na lang para siyam. Ang linis na ng gobyerno by then. Though may mga ilang bagay lang akong tinutulan kay Madam Miriam. Hindi naman dahil ginagawa ng lahat ang isang mali ay palalampasin na. Dahil lang ba lahat ay hindi tapat sa SALN, e hindi na mali ang ginawa ni CJ? Hindi rin ako sang-ayon na dahil hindi gumamit ng ibang pangalan si CJ para sa kanyang mga hindi dineklarang assets e mabuti na siya. Ang holdaper ba na may nameplate ay hindi na dapat ikulong? Totoong hobby na nila sa particular building na iyan, among others ang korapsyon, pero that doesnt mean na because of that, e wala nang dapat makulong. CJ is the big fish, at sa pagkatanggal niya ay susunod na ang iba. Hopefully. Iyun, tutol lang ako sa mga ganung arguments niya which somehow became unlimited. Or maybe hindi lang talaga siya magaling magtagalog kaya mali ang basa ko sa mga pinagsasabi niya.

But again, if i agree withthe three senators? Why am I happy that the Guilty votes had it?

Dahil doon din naman pupunta ito. Somehow Machiavellian, or yung way ko nang pagsagot sa Math Problems nung Math 1 ko. Mali man ang formula, pero tama ang lumalabas. Inamin naman ni Ombudsman na kahit ma-acquit si CJ COrona ngayon e may ilalabas pa ring mga kaso. Bakit pa ipagpapabukas yung pwede namang gawin ngayon?

This might not be another case, pero kung iisipin, Hindi man Betrayal of Public Trust and hindi pagde-deklara ng SALN. Ang tax na hindi nabayaran dahil sa hindi nadeklarang yaman will be called tax evasion. Ang Tax Evasion ay maaari nang ihalintulad sa Graft and Corruption. Siguro naman, mabigat na iyun enough para ma-impeach.

Other than that, Corona might be the big fish, but he is not the king in this game of chess. Actually his Corona is of the queen. Siya ang pinakamakapangyarihang bantay ng hari, which is GMA.

The King is Next

Huwag sanang kalimutan kung paano pinayagan ng Supreme Court na makaalis si GMA sa bansa para magpagamot, gayung hanggang ngayon ay hindi pa naman namamatay si GMA, meaning, she did not actually need to go abroad to live. Mabuti na lang at mahusay ang knight ni PNoy na si Department of Justice, naharang ang ganap.

But what’s next,? Siyempre tapos na. Ano na ang kapalit? Ito marahil ang sentimiento ng marami. Pero para sa akin, more than ano na ang susunod, kailan na ang susunod? Katulad nang mindali ang usaping ito, dapat madaliin na rin ang mga magaganap pa lang. Pangalanan na, bigyan na ng character, i-set-up na. That way, mananatili tutok ang mga tao, na hindi lang nanonood, kundi naniniwala na sinsero ang pamahalaan ito na ibigay hindi lang ang gusto kundi ang makabubuti sa sambayanan.

Mga Aral Mula sa Super Moon and the Hot Issues Last Week

Kapag nagpatung-patong ang problema sa Pilipinas, isa lang ang dahilan, may salot. Kaya naman noong nakaraang linggo noong nagpatung-patong ang away at gulo, pero piliin na lang natin ang walang kinalaman sa sunog pero nag-aapoy ang init, meaning mga commercial stories of last week, meaning those with the glitz and the glam.

Super Moon!

Unahin na natin ang Moon I mean Mon Vs Claudine and Raymart. Ang glamorous. Alam na ninyo ito pero ito ang video para sa mga hindi pa nakakakita. here is the Thrilla in NAIA

Then ang Andi vs Albie bar brawl.

Focus muna tayo dito sa dalawang ito. Yes, pinapipistahan natin ang mga ito. To the point na naja-judge na ang Greater Mass ng Pilipinas sa kanilang choice of news na tinatangkilik. Well, alam naman natin na dun lang sa fun nananatili ang pagtingin ng mga Pilipino, kasi baka hindi kayanin kapag masyadong masakit.

Gaano ba kasakit ang balitang ito?

Una na sa NAIA. Sige, sa kanila na ang issue ng Press Freedom. Mababaw ang pambubugbog ng isang artista sa isang matandang journalist dahil kinukuhaan ang “CHR-worthy” event. Ang rurok kasi ng PRess Freedom dito e pinapatay ang mga journalist. Pero ang idea na sira ang CCTV ng isang pangunahing Airport sa bansa. Parang invitation naman ito sa mga Jamaica Islamina na hello there, want a repeat of 9/11, try our airport.

Mon Vs the Trinity

Focus muna tayo dito sa dalawang ito. Yes, pinapipistahan natin ang mga ito. To the point na naja-judge na ang Greater Mass ng Pilipinas sa kanilang choice of news na tinatangkilik. Well, alam naman natin na dun lang sa fun nananatili ang pagtingin ng mga Pilipino, kasi baka hindi kayanin kapag masyadong masakit.

Gaano ba kasakit ang balitang ito?

Una na sa NAIA. Sige, sa kanila na ang issue ng Press Freedom. Mababaw ang pambubugbog ng isang artista sa isang matandang journalist dahil kinukuhaan ang “CHR-worthy” event. Ang rurok kasi ng PRess Freedom dito e pinapatay ang mga journalist. Pero ang idea na sira ang CCTV ng isang pangunahing Airport sa bansa. Parang invitation naman ito sa mga Jamaica Islamina na hello there, want a repeat of 9/11, try our airport.

And now kina Andi and Albie. Naks naman the names, parang made for each other. But no, na-deny na ni Albie ang paternity sa anak ni Andi. At ngayon, single mom ang mode ni Andi sa kanyang five month old baby. Ano ng aba ang ginagawa ng isang ina na five month old na baby sa isang bar. Okay, huwag nating i-judge.

Albie Casino, Batang Ama
Andi Eigenmann, Batang Cougar

At ano naman ang malungkot dito? Wala lang. Yung batang five months. Baka nagugutom siya at kailangan niya ng dede. Pero on a bigger picture, pwedeng tingnan ito sa perspective ng kakulangan ng mga kabataan sa paghahanda sa pagkakaroon ng pamilya. RH Bill, kumusta ka naman diyan? How’s your friend Anti-Epal Bill na talakayin na rin natin in a while?

Though hindi pa rin ako pro RH Bill, sana naman ay mapag-usapan ito at kung ibabasura man, ay mai-strengthen ang mga existing na batas para mapangaralan ang mga kabataan ng safe sex at family planning, or sex planning para hindi magka-family.

Third and last na muna ang Corona Trial, the comeback. Ang Politika ay extension naman talaga ng showbiz, hence ang mga tatakbong artista next election, extension ito ng kanilang career. So iyun nga. The CJ Corona Trial. Napaka simple lang at hindi ko alam kung bakit hindi makita ito as simple as i see it.

Umpisa pa lang ng trial. SInabi ni CJ Corona, haharapin niya ang lahat, wala siyang itatago.

Unang bwelta, ilabas daw ang bank account. Ayaw ipakita. Itinago.

Bakit pa kailangang ipahanap? Bakit ipinagpipilitan pa?

Hindi ba iyun as simple as nagsabi siyang wala siyang itatago, tapos may itinago. Then i-conclude na nagsinungaling siya? Ikulng na yan.

And then then now, as in now, ang diskusyon ay kung haharap ba siya o hindi. Bakit tinatanong pa? SInabi niya, haharapin niya, sasagutin niya ang lahat. Then i-schedule na lang siya. Wala nang tanung-tanong kung uupo siya. Kung hindi kasi at nagpatumpik-tumpik siya e senyales na iyun na hindi siya tapat sa salita niya. My God, Simple Follow, Cannot Instruction. How Dare?! (Interobang)

Iyun, to conclude, and to connect with the opening lines, alisin na ang mga salot!