Tag Archives: entertainment

A Directorial Debut

Anlakas makataas sa sarili nung Directorial Debut. Parang sertipikado. Pero iyun naman. Hindi naman talaga ito ang unang panahon kong mag-direk para maging debut. Para saan pa’t naging part ako ng isa theater org kung hindi ako naging director. Pero ang pagke-claim naman ng mga bagay-bagay ay personal choice. At ang opinyon ng ibang tao ukol doon ay ibang bagay pa.

Tulad nung first time ko magdirek, e medyo masaya ako at nag enjoy naman ang ga nakatrabaho ko. That was Ang Pinakamakisig sa mga Nalunod sa Buong Daigdig of that sort ang title, parang adaptation ni Teresa Lorena Joson  ng Nobela ni Grabriel Garcia Marquez na sumulat din ng isa sa pinaka haunting na book for me, 100 Days of Solitude. Iyun Hanggang doon lang iyun, masaya ako at masaya ang cast ko. Pero kung masaya ang mga nanood, parang hindi hindi ko alam, or more of parang hindi.

Pero iyun naman ang una. Nung mga sumunod naman parang mga naging masaya na. Ilang plays din iyun.

Pero ngayon, bilang debut, hindi na isang dula ang na-direct ko. Proud ako na kahit isang Webshow lang ito, isang Vlog ng isang dear friend, e talaga namang hindi lang kaming tatlong gumawa ang nag-enjoy kundi pati na rin ang target audience. Marvin has his own blog na patok na patok naman sa mga kliyente at target market. At para sa kanyang 1st month sa ere or WWW, e nagsimula na siyang mag Video Blog. Maganda rin at napili niya ang www.cge.tv bilang host ng kanyang mga videos. Mahirap naman kasing sumikat with Youtube dahil maraming competition, pero with CGE.TV, andaling maging star.

At iyun na nga, ang aking directorial debut na may kasamang camera, eto na.

or click the pic. enjoy.

Marvin Salazar is Madma

You can alaso see the video on Madma’s website http://madmacarta.wordpress.com/

Actually, sinubukan ko lang ito, dahil sabi sa akin ng admin ng CGE TV ay pwede na raw mag embed ng videos from cgetv. Parang hindi pa pwede. Parang may nagsinungaling sa certain part ng communication. ANyways, siguro next week, susubukan ko ulit. At ibig sabihin, mayroon na naman akong project na ipapapalabas.

Advertisements

Sa Pagkatanggal ng Corona

Season Ender

May pagkabagabag ako sa mga nakaraang Linggo dahil parang ang i-intense ng mga balitang nagaganap. Parang soap opera na pina-cut short. Sunud-sunod na ang pasabog. Kuhang-kuha ang panlasa ng mamamayang Pilipino.

1. Debris ng Rocket Korea na singlaki ng ref, babagsak sa Pilipinas. May mga naganap pang usapin, natuloy, nag-abang. Iyun, premature ejaculation ang rocket. Which was good. For us. For them, feeling ko may pinapatay sa Korea.

2. China sinasakop ang Scarborough Shoal. Ito parang na-set up nang maaga, kasi habang nagaganap ito may mga natatapos na revelations at small victories.

3. Such as Jessica Sanchez. Natalo man siya sa America, nanalo siya sa buong mundo. Though aminin na lang na puro sour graping na ang naganap na Okay lang na natalo si Jessica. Nalungkot tayo bilang bansa, at ang ibang bagay na sumunod dito ay pampasaya na lang sa ating sarili. Hobby yan ng Pinoy, pasayahin ang sarili. Hence, watch this. http://www.cge.tv/watch/27c46295-d6cf-49d9-bf3b-3573e6e55b0e

http://www.cge.tv/watch/27c46295-d6cf-49d9-bf3b-3573e6e55b0e

And finally, Light-light-an lang talaga yung kay Jessica. Ang nakabagabag talaga sa akin e iyung parang may chance pang mapawalang sala si Justice Corona. Mukhang malulungkot talaga ang bayan, specifically ako, kung nagwagi ang kampo ni CJ Renato Corona. Mabuti na lang at nagtagumpay muli ang mga Pilipino, or ako. Hindi rumurok sa kalugmukan ng bansa.

Marahil nahati ang bansa sa magiging hatol. Obviously, panig ako sa mga may nais na ma-convict si Corona. Maliban na lang sa prosecution team na napatunayan lang kung gaano sila katanga. Kung gaano sila kahina. Nasa winning team na sila, pinatalo pa nila. Sa too lang, with all their presentations, maa-acquit si CJ. Damang-dama na binayaran sila ng kung sino para ipatalo ang kaso.

I am talking about the team, dahil nag-shine naman sa akin si Farinas. Kahit hindi ko napanood ang lahat ng ginawa niya, nasa arts ako at naniniwala akong mahuhusgahan ang isang tao sa huling bagay ng ginawa niya. E napanood ko yung huli niya, kung paano niya sinabing palusot lahat ng sinabi ni Corona. Mahusay.

Si Corona naman talaga ang nagdiin sa sarili niya. He was transparent but his transparency came out when it was only necessary. And that moment was when her backer, GMA was replaced by a leader who promised to clean the government. Umamin si Corona, hindi naman daw niya sinasadya. Walang malisya. Pero iyun din naman ang kaso ng Homicide. Not to mention all the acting involved, na krimen na ring maitutulad.

After that, parang hindi na siya maisasalba ng depensa, though parang wala ring plano ang defense team na manalo. Kunin ba naman nilang witness ang Ombudsman na isa pang magdidiin sa kanila.

Pero tama ba ang naging hatol? Hindi ko alam. Pero ang mga naganap ay sapat na pra sa akin na humatol sa mga naghatol. I admire the three who voted for Acquital. Naniniwala ako hindi sapat ang issue ng SALN para maipatanggal sa pwesto ang Chief Justice of the Philippines. It is a minor offense. Lumalabas lang talaga na mayroong may gusto na matanggal sa pwesto si Chief Justice.

Here is the video of Miriam kung gusto muli ninyo ng entertainment. Kalevel ng parody nina Jennifer Holiday at Jessica Sanchez. Ni-Parody ni Miriam ang sarili niya. Click the video to watch.

http://www.cge.tv/watch/dcdb4899-a054-4999-a07e-4ec19ebad4ea

And i love her selflessness na ibibigay niya even her second life for the country. “”Panginoon, bigyan mo pa ako ng isa pang buhay at iimbestigahin ko lahat, isa-isa, dito sa Senado at sa House of Representatives. Tingnan natin. Pati sarili ko iimbestigahin ko.” Best! Sana madam, maging pusa ka na lang para siyam. Ang linis na ng gobyerno by then. Though may mga ilang bagay lang akong tinutulan kay Madam Miriam. Hindi naman dahil ginagawa ng lahat ang isang mali ay palalampasin na. Dahil lang ba lahat ay hindi tapat sa SALN, e hindi na mali ang ginawa ni CJ? Hindi rin ako sang-ayon na dahil hindi gumamit ng ibang pangalan si CJ para sa kanyang mga hindi dineklarang assets e mabuti na siya. Ang holdaper ba na may nameplate ay hindi na dapat ikulong? Totoong hobby na nila sa particular building na iyan, among others ang korapsyon, pero that doesnt mean na because of that, e wala nang dapat makulong. CJ is the big fish, at sa pagkatanggal niya ay susunod na ang iba. Hopefully. Iyun, tutol lang ako sa mga ganung arguments niya which somehow became unlimited. Or maybe hindi lang talaga siya magaling magtagalog kaya mali ang basa ko sa mga pinagsasabi niya.

But again, if i agree withthe three senators? Why am I happy that the Guilty votes had it?

Dahil doon din naman pupunta ito. Somehow Machiavellian, or yung way ko nang pagsagot sa Math Problems nung Math 1 ko. Mali man ang formula, pero tama ang lumalabas. Inamin naman ni Ombudsman na kahit ma-acquit si CJ COrona ngayon e may ilalabas pa ring mga kaso. Bakit pa ipagpapabukas yung pwede namang gawin ngayon?

This might not be another case, pero kung iisipin, Hindi man Betrayal of Public Trust and hindi pagde-deklara ng SALN. Ang tax na hindi nabayaran dahil sa hindi nadeklarang yaman will be called tax evasion. Ang Tax Evasion ay maaari nang ihalintulad sa Graft and Corruption. Siguro naman, mabigat na iyun enough para ma-impeach.

Other than that, Corona might be the big fish, but he is not the king in this game of chess. Actually his Corona is of the queen. Siya ang pinakamakapangyarihang bantay ng hari, which is GMA.

The King is Next

Huwag sanang kalimutan kung paano pinayagan ng Supreme Court na makaalis si GMA sa bansa para magpagamot, gayung hanggang ngayon ay hindi pa naman namamatay si GMA, meaning, she did not actually need to go abroad to live. Mabuti na lang at mahusay ang knight ni PNoy na si Department of Justice, naharang ang ganap.

But what’s next,? Siyempre tapos na. Ano na ang kapalit? Ito marahil ang sentimiento ng marami. Pero para sa akin, more than ano na ang susunod, kailan na ang susunod? Katulad nang mindali ang usaping ito, dapat madaliin na rin ang mga magaganap pa lang. Pangalanan na, bigyan na ng character, i-set-up na. That way, mananatili tutok ang mga tao, na hindi lang nanonood, kundi naniniwala na sinsero ang pamahalaan ito na ibigay hindi lang ang gusto kundi ang makabubuti sa sambayanan.

Daddy Vacay: Playa de Caleta, Bataan

Parang hindi ako papayag na this year, hindi ako lalabas ng Luzon, dahil last year, parang ganun ang nagyari sa akin. Walang ganap. Lumipas din ang Semana Santa na nasa bahay lang kami. Though may Baguio getaway na pala kami ni Missus, pero malamig iyun. Ang gusto ko ay beach.

Sayang nga lang, at lumalaki ang tummy ni Mama Hush, at medyo bawal na siya matagtag. We were supposed to go together. Kaya lang, for the safety of U2, stay at home muna siya. Naging maunawain naman siya at ako na muna ang lumabas ng bansa. Hence Bataan.

And the diary starts here,

Nagkita-kita kami ng mga UP Rep friends sa Genesis sa Cubao para sumakay ng Biyaheng Balanga, Bataan. Alas kwatro y medya nang madaling araw kami nakasakay at after roughly two hours, nakarating na kami sa Bagac Terminal. Kain muna kami sa Jollibee while waiting for Kuya Kel, ang aming tour guide. Doon na sa bayan na iyun kami sinundo ng coaster.

the coaster ride with Barrack, the Dachshund
Ang mahalagang Krus, Dambana ng Kagitingan in Mt Samat. Syempre hindi yang poste ng kuryente but the one on top of the boondocks.

Dinala kami ng maliit na bus sa unang beach kung saan kami susunduin ng bangka patungo sa cove na paglalandian namin. Parang casting lang ng horror film ang atake namin, at may mga mamang mangangahoy na magsasabi anytime na “kung ako sa inyo, hindi na ako tutuloy.”

MEdyo ganito ang peg ng mga banka, though hindi ito yung sinakyan namin. Isa lang kasi ang bangka for the 17 of us, kaya hinati na lang sa dalawang biyahe.
And the beach cove, the Playa de Caleta, Kung saan kami magpapalipas ng weekend

Wala namang ganap. Mabato ang beach, pero masarap languyan. May mga balitang marumi ang tubig pero hindi naan halata. At ang highlight ng punta namin doon ay ang trekking na pinangunahan ni Kuya Babe.

nung sinabi kong mabato, hindi ako nagbibiro, Umpisa pa lang ito. Makikinis pa ang mga bato.
Ang mga batong hindi makikinis. Pero to get here, kailangan pang dumaan sa wall climbing na hindi ko nakuhaan dahil nagwa-wall climbing ako. Ang option kasi ay maligo sa dagat ng basura.
Pero may mga Starfish naman on the way na nakakawala ng pagod. Or hindi rin.
And the island we were to conquer. Or conquered na rin. Naihian na namin ito e.
Ang unang side ng isla. Malakas ang alon at malakas maka ANTM Photoshoot
Hence
moving forward
magsisimula na ang mga lagoons na pwedeng paliguan, at gawing tub. Kaya lang, may naghihintay na mga Sea Urchins? Sinong Urchins? Sea urchins.
And this one is from another pool, at barkada ang mga sea urchins na nagpa-plano kung paano manunusok ng paa. “Pare, me mga tanga, tera, magpanggap tayong imbisibol para matapakan nila tayo.” Ganyang level.
Then some more rough rocky terrains
yung tipong terrain na nakamamatay.
na may magagandang formation din na nakawawala ng pagod… or hindi rin. pagod din talaga
there you go. Lets go geology majors
i can see a peacock
another lagoon, ang ganda nito.
Blending in. Kakulay ko na ang paligid
walking on barnacles
This is a bitag. May sea urchin ulit s ailaim kasama ng mga isdang naabutan ng lowtide.
give up na rin ako sa kapi-picture. kaya medyo pabalik na ako nung makabawi ng strength to click the camera. Iyan, pabalik na sa wall climbing, dahil kung saan kami nanggaling, same track pabalik.
waiting for us was a sumptuous meal. Pero hindi ito yun. Ito na ang breakfast namin. Tipid tipid din kasi ng battery. Walang kuryente sa island. So this is our breakfast the next morning.
Mga Pulang Perlas.
But this was not without a rule. Sa lahat naman ng lugar, may paalala. Kaya ito naman. Huwag daw magtapon ng fetus sa bowl, nagbabara. Pero huwag naman nating i judge na against sila sa pagtatapon ng fetus, pwede naman daw sa basurahan. Ayaw lang nilang nagbabara ang inodoro.
At pahinga na rin. Bago kami nito umalis. At dahil ni-picture-an mo ako…
pi-picture-an din kita. thanks jeff!
ayan, kung maiwan man ako dito mag-isa, mabubuhay ako dahil nandito at nagkalat ang mga trees of life. na alam naman nating tinatawag na Buko. Wala nga lang booking.

But this trip didn’t come without a price. siguro naka two thousand ako all in all. 1,300 para sa services sa food sa beach sa pag-aalaga nina Kuya Kel, then 200 sa pamasahe sa bus, at 330 para sa coaster at boat ride.

Other than that, may mga pisikal na kabayaran din. Dahil nga batu-bato ang beach na nakakatusok, hence.

sugat #1: sa ilalim ng paa
sugat #2: sa ibabaw ng paa

Pero sulit naman ang pera at mga sakit na dinanas. Masaya naman kaming umuwi. To prove, ito ang ginawa namin music video.

At bago iyun. Class picture muna.

class picture syempre
And after that, goodbye for now muna Island

At bago ang lahat nga pala. The next day pagkagising ko sa bahay na. May kabayaran pang humabol.

attack of the pimples sa face. Madumi nga ang tubig sa Bataan. Argh. Dagat ng Basura.

 

Not So Lost in Translation: Twilight Filipino Version

I Just found out that Twilight will have its own Philippine version. Takipsilim? Pero hindi ito ang laos at hindi natuloy na Rayver/Shaina project. The Twilight trilogy will be translated in Filipino.

Precious Pages Corporation seemed to be publishing the Filipino translation of Twilight under Precious Hearts Romance. This is good, after all, PHR naman ang parang nangunguna pagdating sa ramance novels. Mayroon nga ring vampire series ang PHR, alam ko, at parang tama lang na ilagay na nila itong mothership ng vampire romances sa kanilang line.

Twilight/Takipsilim by Precious Hearts Romance

Okay lang naman, or mas better na tama lang naman na magkaroon ng Filipino version ang book na ito. Actually, sana maging yung ibang books. Magandang step itong pagkakaroon ng Filipino version para sa mga Filipino Readers.

Ang encouraging magbasa para sa mga Filipino ang pagkakaroon ng international best sellers. Sa palagay ko kasi, kahit mataas ang sinasabing literacy rate ng Pilipinas, e parang nananatili ang kaalamang ito sa practical use of reading, yung mga signs ganyan, mga balita o mga patalastas sa TV, o ngayon maging sa paggamit ng internet hanggang sa videoke. Ang konsepto naman ng pagbabasa na nakadikit sa libro ay parang hindi masyadong nagagamit.

Pangalawa, iba rin kasi talaga ang atake ng Filipino bilang lingwahe. Parang iba ang atake, kaya parang ibang experience ang maibibigay nito sa mga nakabasa na ng Original, meaning yung English.

And finally, it promotes the language. Yung tipong finally, masasabi na rin nating may Filipino version ang book na y next to the luma and bagong tipan. Hindi ko alam, pero parang ito ang una sa generation ko ng mga pop books ang nagkaroon ng Filipino counterpart.

Anlakas maka-“Filipino” Pride na walang kinalaman sa Estado nina Pacman at Jessica Sanchez in the top two of American Idol as of the moment. As in Filipino Language Pride.  Marami na rin kasing bansa ang nagtranslate. Twilight can be read in Danish, Japanese, German, Dutch, Czech, Thai, Chinese, Turkish, Russian, Korean, Norwegian, Finnish, Bahasa Indonesiaan among others. Now it will be in Filipino as well. At hindi ito ginawa dahil sa uso. HIndi dahil sa ginawa naman ng iba, gawin na rin natin.

German and French Covers
Twilight translated version covers
Twilight Bahasa Indonesia, Thai and German Versions

Parehong tama at mali kasi ang idea na the Philippines is an English Speaking Nation. Tama siya dahil totoo naman, kayang makipagsabayan ng mga Pinoy sa inglesan. Nagkalat yata ang English Teachers sa bansa. Yung kung maka-correct e akala mo may degree sa English Language. Yung mga natatawa sa maling gamit ng plural at singular forms ng verbs and noun samantalang hindi naman alam ang tamang gamit ng rin at din. But we’ll go that some other time.

Mali naman ang Phlippine is an English Speaking Nation dahil the Philippines is a Filipino Speaking Nation that can speak English. Kailangang ma-stress ang point na iyun dahil that’s the only way na maiuukilkil sa mga Pinoy ang kanilang salita. Madaling maempower ang mga tao sa kanilang wika, kung sumasabay sa salita nila ang mga sikat na aklat na mababasa nila.