Tag Archives: fatherhood

Ang Pipit na Hindi Marunong Umawit

 

Pipit

Sa isang mataas na puno ng sampalok

Lumabas sa isang itlog ang isang kakaibang pipit.

Dahil habang ang kanyang mga kapatid ay sabik na sa awit,

Ibang tinig ang lumalabas sa kanyang bibig,

Tweeek. Tweek. Tweeek.

 

Nalungkot ang batang pipit.

Hindi kasi siya marunong umawit.

Hindi maganda ang kanyang tinig,

kahit pa anung gawin niyang pilit.

 

Napansin ng ina ang kanyang kalungkutan.

“Anak, bakit ka nalulungkot? Dahil ba ikaw ay hindi katulad nila?”

 

“Inay, Hindi po ako marunong kumanta?” sabi ng pipit.

“Paano ko po kayo mapapasaya?”

 

“Hindi naman lahat ng ibon ay napisa para umawit,” paliwanag ng Ina.

“May iba-iba tayong galing na makakapagpasaya sa iba.”

 

Kaya’t isinama ng ina ang batang pipit sa paglipad

Nakita nila ang iba pang mga ibon sa buong gubat.

 

Una nilang nakita ang isang Manok.

May hawak na kawali at malaking sandok.

“Mareng Manok, anong niluluto mo?” bati ni Inang Pipit

“Mayroon kasing salu-salo sa bayan,” Sabi ni Mareng Manok.

“At ako ang kinuha para magluto ng tanghalian.”

At doon naisip ng pipit.

Masarap lagi ang pagkain sa bayan, at si Mareng Manok ang dahilan.

Isang tagaluto si Mareng Manok.

Masaya ang lahat sa masarap niyang inihahain.

 

Pagdapo ng mag-inang pipit sa Puno, may Kalaw na gumagalaw.

“Aling Kalaw, anu po ang inyong pinupukpok sa puno?”

“Ito ang bahay ng bagong kasal na kalapati,” sabi ni Aling Kalaw.

“Ginawa ko para maging tahanan nilang dalawa.”

At doon naisip ng pipit.

Isang arkitekto si Aling Kalaw.

Napapasaya niya ang lahat sa mga tirahan niyang binibigay.

 

Nakasalubong naman nila sa langit ang isang Agilang nagbabantay.

“Mamang Agila, ano po ang inyong hinahanap?”

“Wala akong hinahanap,” sabi ng Agila.

“Binabantayan ko ang lahat, para walang gulong maganap.”

At doon naisip ng pipit.

Isang Pulis si Mamang Agila.

Dahil sa kapayapaang dala niya, lahat ay pwedeng magsaya.

 

Isang puting-puting Kalangay naman ang kanilang nilapitan.

May mga munting ibon siyang ginagamot at inaalagaan.

“Manong Kalangay, para saan po ang gamot na iyan?”

“Ito ang bitaminang pampalakas,” sabi ng Kalangay.

“Kailangang panatilihing lahat ay may magandang kalusugan.”

At doon naisip ng pipit.

Isang doktor si Manong Kalangay.

Masaya ang lahat sa dahil masigla ang kanilang katawan.

 

Napansin din nila ang napakagandang mga pabo at paboreal.

May ginagawa silang mga disenyo para sa magaganap na kasal.

“Napakagana naman po niyan, Pabo at Paboreal!”

“Kailangang maganda ang mga damit na aming gagawin,” sabi ni Pabo

“Hindi lamang maganda, masarap pa kung susuotin,” dagdag pa ni Paboreal.

Mga mananahi sina Pabo at ang Paboreal.

Dahil sa disenyo nilang magaganda, nagiging masaya ang lahat ng kapwa nila.

 

Doon naisip ng Batang Pipit na pwede siyang makapagpasaya ng iba

kahit hindi niya kaya ang magandang pagkanta.

“Inay, alam ko na po ang aking gagawin,” sabi niya.

“Ibabahagi ko po ang aking natutunan ngayong araw

sa iba pang ibon na tulad natin.

Tutulungan ko silang alamin

kung ano ang gusto nilang maging sa kanilang paglaki.

Magiging guro ako inay!”

 

Natuwa ang inang Pipit sa narinig sa anak.

 

“Magdadala ako ng karunungan. Magdadala ako ng kasiyahan,

Magdadala ako ng pangarap gamit ang aking mga natututunan!”

 

WAKAS

 

PS.

This is my first attempt in writing a children’s story.

Pwede itong tawaging Pabula dahil hayop, mga ibon ang mga bida.

Sana ay inyong magustuhan.

Comments will be very much appreciated

Advertisements

The Happier Thought

“Ano kaya tayo kung wala itong dalawang ‘to?” Hasmin asked me referring to our two sleeping boys, Kuya Euan and Miguel two nights ago.

Without batting an eyelash, I answered, “Mas masaya.” And i am telling you, these lashes are long and dark and sexy, and these two boys got them lashes from their papa. But that is beside the point. The point is, I wasn’t lying. That was my first thing in mind, the brain to mouth action that at i have to defend, else, i’ll just say, “I am Abet, of course, that’s a joke.”

However, it was not. I do believe that Hasmin and I would be happier if that “what if” were today’s reality. And I should defend it not to anybody but to myself. Why could i have instinctively given that conclusion?

One would be my being a Sagitarrian. I am a free spirit, and as of the moment, these two kids are keeping me trapped. Not their fault, but as my my decision. Not because I want to be a good father, but because i want them to be good people someday. And it bores me to think of other people and not of myself. Yes i am selfish.

Sagittarian = Selfish.

Second, being a parent was never really in my dreams. I never had lots of dreams either. It is actually safe to say that unlike the some people in Les Miserables, the song “I Dreamed A Dream,” does not fit me. I am more of an “On My Own” guy, or person to be gender sensitive. I never had a dream. Things fall down into places for me. I don’t know if they are in the right places though, but they fall in places, wherever those locations are. However, not having a dream does not mean not having ideas of things that i don’t want to be. Like I don’t want to be a pilot. I mean that would be great, but it just did not fly into my mind. Maybe because not having a dream means not having a plan. Plans change, as of my experiences and it is frustrating. I just adapt and i am very good in doing so. But not planning. However, these two boys are requiring me to have that plan.

Dreams = Plan ≠ Like.

Third, for it should come in threes, sour graping is not my thing. Sour graping is a joke, my kind of joke, along with sarcasm and blasphemy. Just like when asked if it was okay for a groom to agree to have a gorgeous hunk strip off his clothes on his bride’s bridal shower. That that guy would be compared to him, his looks, his abs, his package, entire package. And i said, “Okay lang. Yang mga lalaking ganyan ang itsura, walang kinabukasan. Kaya nga sila kolboy.” That was a joke, a hasty generalization of the inggitero that i am. But reality is, sour graping is for losers whose lines are “nanalo nga sila pero nandaya naman,” “maganda nga, masama naman ang ugali,” and “sila na nga, pero maghihiwalay rin ‘yan.”

Contrary, my case now made me no loser. I feel so much blessed with these little monsters. They made me believe that a smile can really ease all the worries in the world and a hug can erase any self doubts in this crazy planet even for a moment. I am not saying that i am no, no loser. I win some, i lose some. I have had both, but whatever, i have my prize now. Two major prizes waiting for me every time i come home.

Yes, I could be travelling the world, or South East Asia to be more believable. I could be buying on spendthrift stores and  first hand shops. I could be hugging and snuggling and having great trucks with Hasmin in her never been pregnant shape in an IwanTV manner, which is Anytime, Anywhere. That would be happier, a so much happier thought. But i am happy right now. And that is enough. See, I am selfish. But i am not greedy.

Sagittarian = Selfish ≠ Greedy.

Hasmin. Miguel, Euan and Daddy
Hasmin. Miguel, Euan and Daddy

Isang Buwan

A Month Old Bebe Boy

Nakabalik na ang buwan sa itsura nito noong unang masilayan ng mundo si Miguel at ni Miguel ang mundo. Happy 1st month sa Earth, Alberto Miguel Cruz.

watcha lookin at bitch?

Pero dahil hindi pa naman niya naiintindihan ang mga bagay-bagay na nagaganap sa paligid niya. Puro iyak, lang siya kasabay ng daily routine niya nang TGDT, which is Tulog Gising Dede Tae, ipagdiwang natin ang isang buwang tagumpay sa mga tao sa paligid niya.

Una na syempre sa akin! Of course, magpapahuli ba ako? Hehe, masasabi ring mas maaga ako nakapagpatulog ng baby ngayon at effective pa rin ang Through the Fire, Alone at Bukas na Lang Kita Mamahalin Repertoire sa pagpapatulog ng baby.

Urbandaddy at work. Dedma na sa basura sa upper right corner, best si Miguel sa pic na ito.

 

One month na rin si Euan. One month na siyang Kuya. Kaya naman isang malaking congratulations kay Kuya Euan, your a month old Kuya na. Just keep on shouting “Miguel, huwag ka nang umiyak!” After some years, kayo na ni Miguel ang magkatabi sa pagtulog at ikaw na ang magiging boss niya.

Ayan, may gift pa sa iyo si Miguel. Nerf, though hindi ko nabasa na for 6 years old angbaril na ito, kaya naman hirap na hirap ka ikasa. Umpisa na ito ng battle for fairness, kapag meron si Miguel, meron ka din. Kung wala, start na nang sharing. Which is so much better.

More on Euan and I, Euan started calling me Daddy. Nag-deviate na siya sa nakagisnan niyang tawag na Papa, and he is very consistent, like Daddy, nandito si Lola, kakausapin ka.” To “Daddy, tapos na akong tumae!” Pero gusto ko ang Daddy ha. Anlakas maka-middle class. Alam naman na pinagsasaluhan na mga class A at E ang Papa bilang tawag sa kanilang Ama, pero ayon naman kay Karen, more of tinatawag na Ama ang mga tatay na mayayaman.

And there, on Euan and I, let’s celebrate the Daddy and Son bonding dahil napapadalas ang lakad natin at nagsisimula na akong maging Abet minus Hasmin plus Euan na. So Abet plus one pa rin. May mga event this month na kailangan namin ni Euan na lumabas na kaming dalawa lang, like the School Field Trip and the Happy Jollibee Birthday Party kay Erin.

Euan sa Science Discovery Museum in the Mall Of Asia, ang gwapo no?! pwede Going Bulilit Kid!
Euan and Daddy sa Jollibee Birthday Party ni Erin.

 

Sa lola mommy, isang malaking congratulations din sa pagiging Hands On Lola sa isang baby. Dahil ngayon na ulit ang opportunity ninyo sa paghawak ng baby, ibinigay talaga ninyo ang inyong best. And we are thankful. And this extends to the Tito and Tita and Lolo Daddy and to the Super Lola.

And it is Kare-kare for breakfast

And the Super of course. Sa Mothership, Mama Hush, Happy One Month of todo hands on parenting. Masasabi ring napupuyat ka rin talaga gabi-gabi, at alam ko yun, dahil ako rin, pero tinutulugan lang kita. Wala naman akong magagawa. Nasa iyo ang dedeng may gatas, itong sa akin, wala e. Sorry. Though other than your parenting skills, this is your first month of freedom from the immobile state. Congratulations sa pagiging isang Ina, another.

Some Three Months Ago lang ito

Daddy Once, Daddy Twice

Four years din ang pagitan

Sa palagay ko, pwede na rin akong model ng Olay. Ahahaha. Though mukhang malaki na rin ang binagong itsura ko in four year time. Pero yung baby, parang nag-iba na. Of course,magkaibang baby na iyan. Pero tama nga, laging ibang karanasan ang mararamdaman sa bawat anak na mahahawakan. Though masasabi ring may pagkakapareho ng reaksyon.

Kay Euan kasi, i asked God, God, bakit ako nagkaanak. Kay Miguel naman, God, God bakit ako nakadalawa.

Iyung ganun, parang pareho, pero magkaiba. PEro at the end of the day, thanks God pa rin. These are all blessings. And pambayad utang as well. Thanks!

Welcome to Earth: Miguel

Miguel

Parang andami kong dapat ipaliwanag sa picture na ito. Kahit kasi ako ay nagulat when i asked the nursery for Baby Cruz. Nang binuksan nila ang curtain ay binulatlat ni ate nurse ang diaper at ipinamukha sa akin ang pututoy ng anak ko. Parang pinapakita ang tatak ng pagkasuri. Late na sa akin ipinaliwanag na since first timeko makita ang baby, it was assumed or is assumed na hindi pa alam ang kasarian ng bata.

Maiiyak na sana ako sa tuwa. Then this voice within told me na masyado ako madrama, so hindi na ako naiyak kahit na sa tuwa. hanggang teary eyed lang. Atsaka ko na lang napansin ang mga aparatong nakadikit kay Baby Boy Cruz. tinintingnan ang heart beat. At binibigyan ng oxygen. Iyun, senyales na permitted na ang magdrama, pero hindi ko na rin tinuloy. Shet, masyado akong composed. Lumabas ang pinsan ko, na siya ring aming pedia, at ipinaliwanag ang mga pangyayari.

Last September 20, 2012, 2:16pm, ipinanganak ang aming ikalawang baby ni Hasmin. For so long, mayroon siyang workng title na U2 at ngayon ay kilalanin na natin sa tawag na Miguel. CS ang operasyon. It was scheuled September 12, kaso parang hindi sure si OB namin at feeling niya, baka hilaw pa. So we waited another week. But several days bago ang scheduled day, nagkaroon ng asthma attack si Hasmin. Kailangan niyang mag Senetide. Shet, parang lason, pero steroid base na inhaler iyun para sa hika.

oxygen mask na pang baby. parang clear na latang may space para sa leeg. or space ship costume na din.

Hasmin was well sa araw ng operasyon. Kaya lang, the steroids was still in her system. nang buksan ang tiyan niya ay nagtaas-baba ang kanyang blood pressure. Kasabay na rin ng sipon niya, nahirapan siyang huminga. Those events had an effecton the baby. Nakulangan ng hangin ang baby sa loobng tiyan and when the baby was out, it was grasping for air. Hindi naman barely breathing, hinihingal lang talaga. Kaya naman, kinailangang bigyan ng oxygen. The pedia said na kapag hindi nag normalize within 2 hours, e kailangan nang lagyan ng IV ang baby. My Gaaad, napakaaga naman para magka-swero ang anak namin.

After two hours. bumalik ako sa nursery to check on the baby.

Miguel 2

Wala namang nakakabit na swero, kaya i assumed na okay na si Miguel. Tama naman akong mag-assume. Sabi ng pedia. Normal daw na gasping for air ang mga batang ipinanganak ng CS. kapag daw kasi dumadaan ang bata sa pwerta in cases of normal delivery, nai-squeeze out ang excess fluid sa lungs ng bata. Kapag Caesarean Section, naiiwan ang mga fluid na ito sa lungs though eventually, lalabas din naman, so asahan pa rin adaw ang samid samid moment ng bata.

More than one hour ang operation ni Hasmin. More than one hour siyang biniyak at tinahi. More than the CS, pinaputol na rin namin ang kanyang fallopian tube. Nagpatali na ba. Dinner time na nang bumalik ang kaluluwa ni Hasmin sa katwan niya/nagkaroon na siya ng malay. Ito yung moments na hihintayin siyang mautot at ma-jebs. Unlike last time, when Euan was born, hindi na kami nag iyakan ni Hasmin. Sanay na rin kumbaga.

Mama Hush and Miguel
Mama Hush, Miguel and Euan na ayaw pumayag na gwapo si Miguel. Siya lang daw.

The next day, matapos umayos ang kanyang sistema, we decided na mag-breastfeed na siya. During one of their sessions, napansin ni Hasmin na may pamumula sa face si Miguel. Iyun na nga daw iyun, sign ng infection, but the baby was getting better with the intake of breastmilk. On the third day, nagdecide ang pedia na mayroon Jaundice si Miguel. May paninilaw na nagaganap sa katawan niya. And she decided to keep the baby in the nursery room until Friday. Monday kami kailangang umuwi. At ang pag-uwing iyun ay napakalungkot. Weird lang na pumunta kamis a hospital to deliver a baby, pero pag uwi namin, wala kaming kasama. Parang ayoko pang umalis, but that would be impractical. I have to go to work, at walang bantay si Hasmin, all our families are busy. And of course, alam naman nating may sa taxi ang hospital, pumapatak ang metro.

But we have to move on, and pray that thing will get better. Of course, it will be better. Sana lang ay bago mag Friday ay mailabas na namin si Miguel at maging buo na ang saya namin sa dumagdag na family member.

Salamat sa mga nag-wish, nag-hope at nag-pray sa ligtas na panganganak ni Hasmin at sa malusog na paglabas ng aming baby sa Earth. Ligtas na po si Hasmin, kaya na niyang mag jumping jacks at burpees. More prayers pa ang kailangan para matanggal sa sistema ang jaundice at lumabas na ang kanyang tunay na kulay/katisuyan ni Miguel.

Salamat sa lahat ulit.

Pahabol Pictures.

Baby Boy Cruz. 6.93 lbs.
Kamukha ng Nanay niya. Hasmin, alam na. Ikaw nga ang nanay.
Ang aming hotel room. Four days din kami dito. Medyo mahal din ha.
Si Euan, enjoying the other bed. Dalawa ang bed sa room/suite. Kay Euan ang isa, habang nilalaro ang phone ko.
Last look ko kay Miguel. Pero when we left, may dextrose si Miguel para daw hindi madegydrate dahil he is under phototherapy. Hindi rin namin naiwasan ang IV.
Alberto Miguel A. Cruz

At ito na, in a week’s time, legal na na si U2 ay si Alberto Miguel A. Cruz. Sabi ni Hasmin, semi Jr daw.

Euan is Abraham Euan Cruz. We loved the name Euan from the Harry Potter Series. Hanapin na lang ninyo kung saang book iyun. And the Abraham, pinagsama namin ang AlBeRt And HAsMin. SO merge ng names namin.

Kay Miguel naman, Medyo nasa Telenovela Channel at nainspire kami sa mga Mexican Names. Baka rin may chance na maungkat ang Spanish Blood ni Hasmin at mapatakan ang bagong baby. At dagdagan pa ng Alberto, anlakas maka Fernando Jose. Though merging din ang Alberto just like Abraham. Pinagsama namin Ang ALBERT at Oh! Hence Alberto.