Tag Archives: food

Friendship over Breakfast

Since there is a nearby Mc Donald’s sa house nina Hasmin, we decided to have our breakfast there. It has been a regular habit, me, Mama Hush and Euan, breakfast in Mc Donald’s near the Marikina Sports Center, but the past Saturdays had been busy. Para makabawi naman, kahit hindi weekend, dito na kami nag-agahan.

Big Breakfast for Three

Nanghihinayang nga lang ako at hindi nakapasok si Euan sa school. Kahapon kasi, cancelled ang klase, tapos ngayon, akala namin, tutuloy ang ulan, hindi na kami pumasok. E nung Monday, parang masaya si Euan sa paghatid ko sa kanya at mukhang hindi siya umiyak nung iniwan ko siya kay teacher. Maganda na sanang progress, kaya lang, iyun, nawalan ng klase, tapos absent siya today. Sayang ang momentum.

Pero huwag nangmanghinayang sa mga hindi na maibabalik. Kaya iyun, kain na lang. Breakfast sa Mcdo.

Mas okay naman at mas kaunti ang tao. Maraming free seats. Wala ring kaguluhan sa play area, kung saan nandoon si Euan. Then nagulat na lang ako nang makitang may kasama nang ibang bata si Euan. Pumasok sila sa play area, at pagdating doon sa tube, naglaro sila ng jack n poy. Wow, may social skills na ang anak ko! Kinilig naman ako.

Euan and Friend 1
Euan and Friend 2
Euan and Friend 3
Euan’s new Friend “6”
Euan and Friend 4

Sabi ni Hasmin, habang umo-order daw ako e niyaya nitong bagets si Euan, parang sinabi na “tara na.” Then Euan followed the boy. At iyun nga, naglaro na silang dalawa.

Saka ko na lang sinabi sa kanya na tanungin niya ang name at kunin ang number. Tawa kami ni Hasmin. Kasi naman, baka itanong nung bata, “what for?”

Kaya tumuloy na lang kmi ng kain. After that nakikain ulit si Euan and i asked him kung ano ang name ng kalaro niya. Sabi ni Euan, “6.” Napaisip kami ng mama niya? Maybe he meant that the kid was six years old. Baka mas naitanong ni Euan yung number kesa yung name. Pwede naman. Euan said he was one, kaya we corrected him saying na he was four. Four years old na kasi siya.

Iyun naman. Kahit na hindi pumasok si Euan sa school today, e natuto naman siya ng social skills. Actually, mukhang the school, through his classmates, Euan is learning to be friendly. Which is good.

Advertisements

Naglilihi

Ang bahay namin ay ipinaglihi sa pamahiin. Kaya naman ngayong maraming buntis dito, lagi kaming inaantok dahil ang pakikisalo sa pagkain ng nagdadalang-tao ay sleep inducing. Ang hirap namang hindi makisalo kung medyo masarap ang pinaglilihihan.

One morning, spaghetti ang hanap ni Hasmin. Kaya naman nagpabili kami ng chaka spaghetti for breakfast. Matapos noon, nag-grocery kami at namili ng pang spaghetti. Though medyo penne pasta ang nagamit. Check na rin iyun., Lalo pa at ako ang nagluto. O, mind you, don’t mind me.

At isang umaga naman nitong linggo. Alas Singko Y Medya, nangangalabit si Hasmin, gusto ng Pancit Malabon. Pupungas-pungas pa ako at tinatamad bumangon. Hindi talaga ako bumangon. “Allergic ka sa sea food,” sabi ko. “Hindi ko kakainin ang hipon,” sabi niya. Nakatulog ulit ako.

Bad.

Bad me.

Bad na hindi ibinibigay ang pinaglilihihan ng buntis. Magagalit ang baby sa loob.

Kaya naman while nasa opisina, bago ko pa daanan si HAsmin sa kanyang pinagta-trabahuhan. TUmawag na ako sa aking mga koneksyon. At iyun na nga. Habang nasa taxi, paalala ulit. “Bakit ang aga-aga nga pala, naghahanap ka ng Pancit Malabon?” “Hindi ko alam, naisip ko lang. Ayan, naalala ko tuloy. Gusto ko na ulit ng Pancit Malabon.”

Well, na-set up na ulit. Na-tickle na ulit ang taste buds ni U2.

Pag-uwi sa bahay.

Pancit Malabon mula sa Calumpang Marikina

Tuduh!

Bawing-bawi naman ang pagtulog ko sa naglilihi kaninang umaga. Dahil hanggang sa kinabukasan, pwede pang agahan.

Iyun nga lang. Kuha din kaming lahat sa bilao, at antok ulit kami buong maghapon.

Yakimix, Hindi na Masyadong Yaki

Unang beses ko kumain sa Yakimix, sa may Tomas Morato, parang mixture ng yakiness ang naranasan ko. May pagka parusa ang naganap, yung parang pinipilit akong kumain para magjogging ako ng matagal the next days. Mga unworthy calories. That is torture.

Pero this time, birthday ni Joyce, as libre as before with Manay Gina, parang mas masarap na ngayon. Mas decent ng yung food, at mas madali nang lunukin.

Yakimix is an eat all you can sushi, smokeless grill restaurant serving Japanese and Chinese cuisine. May mga suhi at maki sa isang side. Tapos sa isang round the clock buffet ay may serving ng mga soup at dessert at sa major side ay ang mga raw food na lulutuin sa kanilang smokeless grill.

Ang Buffet, Isang ikutan ng foodang. Sa isang side ay mga hindi luto, sa other side ay mga soup, sa other ay mga desert at candies, at sa kabilang table naman ang mga sushi and the likes

Sa mga ganitong kainan, kailangan mayroong plan of action. Medyo five hundred din ang budget namin for this. 499 for lunch at mas mahal kapag dinner. Hiwalay ang bayad sa drinks around 55 pesos din though bottomless as well.  Pero hinay lang sa drinks. Matuto tayo sa mga nagpapapayat, inom muna daw para mabilis mabusog. sa mga ganitong itolyuken, bawal mabilis mabusog. So hinay lang sa drinks.

Small serving lng ng Japanese servings ang atakihin

Dapat talaga ay ihuhuli ko ang mga maki at sashimi dahil mabigat sa tiyan ang rice. Pero umiba ako ng dikarte this time. Inuna ko na sila pero very, very light lang. Yug mga mukhang appetizing lang at hindi ko makakain sa kanto ang pinili ko. At very small serving lang talaga.

After nito, saka na ang highlight nang tuluy-tuloy na lutuan.

dapat mababa lang ang heat para hidni masunog, though iba rin ang flavor ng sunog ha. Showcase ito ng love, dahil kailangan mong kainin in the name of love.
Ang Smokeless Grill, iba rin diba? Hindi ko pa alam ang science behind this, or inside.
Birthday Girl Joyce (ang nanlibre) and Melo (ang unang nagluto)

Keep on coming and keep on cooking na lang after ng mga soup and maki. Syempre, pahinga then hinga once in awhile dahil nasa proper breathing din ang pagkabusog. Hinay lang, mahaba-habang oras ang kainan. Hindi naman mauubos ang nasa buffet table. Or! Or mauubos din. Kung may bet ng hipon, abanagan ang pagdating nito, dahil sa aking karanasan, may mga guards ang hipon. Papabagsak pa lang ang plate nito sa buffet, may kumukuha na. So there that is one great tip. Abangan ang hipon.

Then finally, the desert. Maraming pagpipilian, pero masarap lang silang tingnan. Hindi masyadong check ang kanilang mga cake. Though, ang tarts, super!

That Tart! Best! Yugn Strawberry Cheesecake, memorable dahil parang nakalimutan nilang lagyan ng lasa.

Kung kakain ulit ako dito? Kapag libre lang ulit.

ReviewReview

I’ll give this restaurant 2 stars. And dahil nagpo-post din ako sa careko.wordpress.com, I’ll give Yakimix 2 care bears.

use small plate

Pero hindi ko sure kung sing-effective kung pupunuin mo rin at sisiksikin para magkasya ang iyong nais na serving.

Kasi naman, ang sarap ng ulam, Ginisang Sayote at Fried Tilapia. Mainit pa ang kanin, bagay na bagay sa malakas na buhos ng ulan. Yeah! Kain na!