Tag Archives: Philippines

You and Your Empty Apologies

9
You and your empty apologies. Photo totally unrelated with the post.

 

One of the most unsatisfying things in life is having to hear sorry from someone who is not at fault.

Paano ka magiging sorry? Ikaw ba ang nagpaasa sa akin? Hindi. Kaya huwag kang mag-sorry, dahil mula sa’yo, walang ibig sabihin yan.

Kanina lang kasi, sabi niya sa akin. “I’m so sorry to hear that…”

“No! You can’t be sorry. You have no idea what it’s like waiting for something. No, not waiting, expecting, dahil ginawa ko ang part ko. Ginawa ko at naghintay. Pero wala. Walang dumating.”

Pero syempre, I stopped at “No you can’t be sorry.” Because as much as it was unsatisfying to hear her apologies, hindi niya deserve ang galit ko. I just followed it up “Wala ka namang magagawa di’ba.”

And she said, “Sorry wala po.”

“I’m sure,” I just said.

Poor customer service girl. Kasi kung mayaman siya, hindi niya kailangang harapin ang sama ng loob ng mga unsatisfied customers tulad ko. And I wasn’t even that rude, I swear.

What’s rude was promising an eight hour period for a Wi-Fi reconnection, pero nakita ko na si Dory, nakapagpadoktor na ako at nakapagpa laboratory, wala pa rin. But let’s not go to the waiting time sa hospital, yung pila sa HMO, then another frustrating hour of waiting for the doctor just to have a less than five minute consultation para sa recommendation for a lab test that led me back to the pila sa HMO office. Let’s not go there yet. Focus tayo dito sa Wi-Fi namin.

Bago kasi ang lunch, binayaran na ng nanay ko ang due sa Globe. Bago yun mag lunch take note. Alas nueve na ako nakauwi. 9pm, expecting na may Wi-Fi na. Pero wala. Kasi kung meron, wala akong ngungoy ngayon. Wala. Hindi ba naiintindihan ng Globe na nadagdag na ang Internet Connection sa ibaba ng Marlow’s Hierarchy of Needs?

Kaya naman kahit alas nueve na, dial ako sa 211, sabi kasi sa Globe Portal, disconnected pa rin kami. May dalawang options na in-offer. Dial one para sa free reconnection. Dial 2 para makakausap ng operator na aayos for 300 pesos. So Dial 1 ako. Matapos mabigay ang details na hinihingi ng machine, sinabi, maghintay na lang daw ng up to eight hours para makabit ang internet. Magtetext na lang daw sila pag nakabit na, level ng don’t text us, we’ll text you.

Parang ang unfair. Parang na-restart ko yung 8 hour count ng pagre-reconnect.

Kaya naman tawag ulit ako para subukan yung may makakausap na babayaran ng 300 pesos. Mind you, hindi rin madaling masagot ang tawag ko. Medyo busy ang mga operators nila. Pero hintay ako habang nanonood ng Batman. Dark Knight yata. Pero it feels like Batman Forever. Pero swerte ko na rin dahil walang forever, dahil tulad ng trapik sa EDSA, umusad din habang papalalim ang gabi.

Iyun nakausap ko nga itong si girl na puro sorry to hear that ang spiels.

Iyun naman pala, sabi niya, dapat daw pagkabayad, tumawag na kami sa 211 dahil yun lang ang way na malalaman ng system nila na nakabayad na at okay na.

Ang labo, eh phone with broadband ang in-avail namin. Putol nga ang phone. So in-expect ng nanay ko, yung babae nang nakausap niya sa Globe ang gagawa ng paraan para ma-reconnect kami, dahil other than sa logically, hindi kami makakatawag dahil putol nga ang phone kaya binabayaran, may assurance yung babae when she said, wait na lang daw ng eight hours. So ang instruction lang ay basically, wait. Naghintay. Nagpaasa. Alam ba nya kung gaano kasakit umasa?

Sabi ko, ay, hindi iyun sinabi nung representative sa Globe doon sa Innove Communications Inc. sa SM San Mateo. Sabi lang kasi sa Nanay ko, hintay lang daw ng 8 hours.

So pinaliwanag ko ang sinabi ng tao nila sa Globe Store na maghintay lang kami ng eight hours. Then nagstart na naman siya ng kanyang three sorry per minute spiel.

Doon ko na tinanong kung may magagawa siya, sabi niya wala, pero pwede naman daw niyang gawan ng report para maging priority na yung reconnection namin.

Sabi ko, ayus yun. So gaano katagal na lang ako maghihintay kung priority na ang case ko?

Eight hours pa rin po.

Uhm. Yung sense ko parang nawala. Ako ba ang mali? So na-verbalize ko na. “Hindi ba priority na, bakit eight hours pa rin?”

“Ganun po talaga. Pero para sure, 8am po, ayos na yan.”

Ay? Alas nueve pa lang kasi, pinapatulog na ba niya ako? Na may kasamang pangako nang bagong umaga? Like everything will be better in the morning.

But no! Insomiac kasi ako, at hindi magagamot ng isang gabing walang internet ang problema ko sa tulog. Hindi nga kinaya ng Sleepasil eh, yan pang 8am na siguradong connection? Anung gagawin ko ‘til then?

Inalala ko na lang na si Duterte na ang susunod na presidente. Uupo na siya. Change is coming. Tatanggalin na daw niya ang monopolyo telco, if I heard it right. Kung hindi man, tatanggalin niya ang mga nababayarang opisyal ng mga telco na ito para magtino na ang kanilang serbisyo, yan tanda ko yan at pinanghawakan ko.

Pero naalala ko rin ang satisfaction ko sa mga napili niyang members ng gabinete niya, na sinabi niyang ilalathala niya sa dyaryo para pagpilian ng mga taong bayan na hindi natupad. Ang satisfaction ko sa desisyon niyang ipalibing si Marcos sa Libingan ng Mga Bayani, dahil sinabi ko sa mga anti Marcos kong friends na pag nanalo siya ipalilibing niya si Marcos sa Libingan ng mga Bayani and they just told me na hindi niya iyun gagawin.

Well, I like Duterte, he is my president kahit na siya ay satisfyingly unsatisfying or unsatisfyingly satisfying, kasi at the end of the day, he isn’t sorry. But let’s not go there. Focus sa Globe. Iyun. Bumalik nga ang pikon ko.

Nakakapikon. Pero kalma pa rin ako. Hindi ko in-invite ang presence ni Maricel Soriano sa sistema ko. Good Vibes lang dahil naalala kong tumaya ako sa lotto. Andami nang bad karmang nauna sa buhay ko, baka nakaipon na ako ng enough para manalo ng milyon. Kaya iyun, hinga na lang ako nang malalim. Forgive, dagdag sa alkansya ng good karma. Sabi ko, “sige okay na. bahala na.”

Tapos tinapos na niya ang spiel niya na “…have a wonderful…”

Ay, nagpinting ang tenga ko. Parang nang-aasar pa. Hindi ko na ulit siya pinatapos.

Wala. Walang wonderful. Walang wonderful sa paghihintay. Level ni Maricel na sumisigaw na walang bagong taon sa pamilya na to!

Kaya iyun, goodluck na lang sa lotto ticket ko.

Goodluck sa mga customer service rep tulad mo. Goodluck sa doctor ko. Goodluck sa presidente natin. Goodluck sa Pilipinas. Na ilang taon nang naghihintay ng pagbabago. Kaya sorry na lang sa Pilipinas.

But I’m not sure if this Pilipinas would be satisfied with my sorry.

Philippines at night
This is how the Philippines looks like at night from space. Another totally unrelated photo.

Pasko Ng Pagkabuhay 2016

This year’s Holy Week made me see Marikina as a Modern City with an old soul.

Since staycation is my thing this lent, i tried my best to participate in the Catholic Celebrations in our town, Marikina. Yes town, because i still feel the provincial vibe in every corner of the City. It’s pretty much suburban here, being in the outskirts of the National Capital Region. But other than its geographical location, Marikina is home to the oldest catholic families in the country, with one of the century old churches in the Philippines, leading their faith. The Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Abandoned, AKA Santuario Y Parroquia del Nuestra Señora de los Desamparados; in its Spanish Era Days and Dambana at Parokya ng Ina ng mga Walang Mag-Ampon in Filipino. (Teddy Locsin Jr. wont approve of the last.)

Our Lady of the Abandoned Church
Our Lady of the Abandoned Church

I had shared the Good Friday Procession. Now this is what I got from the Salubong, the morning mass, where Mary meets her son Jesus after He resurrects from the dead. It started at around 3:30 in the morning, followed by a stage play where the Images of Jesus and the Virgin Mary meet with the participation of angels as performed by the local kids.

A mass then followed where the Tres Marias, three of the most beautiful devout catholics joined in their gorgeous terno. The priest then blessed all the participants, followed by the blessing of the saints to be paraded around the community for the last time this season.

Thanks to the devout Catholic families that keep Marikina’s tradition of faith, this “Prusisyon” in Marikina remains to be one of the most participated an praised, keeping the soul of the city for the next generations to live with.

Here are the “Santo” that went around for the “Prusisyon” this Pasko ng Pagkabuhay.

 

Ang Prusisyon ng Our Lady of the Abandoned Parish Marikina

Huling Hapunan Last Supper
Huling Hapunan/Last Supper ang isa sa ipinagmamalaking showcase ng prusisyon dahil dito makikita sa isang karo si Jesus at ang kanyang labindalawang apostol.

Ang Prusisyon ng OLA, o ng Our Lady of the Abandoned Parish Church sa San Roque Marikina CIty ang isa sa pinakaaabangang highlight ng Semana Santa dahil sa napakaraming santong ipinaparada ng simbahan sa nasasakupan nito.

Elementary ako noong una akong nakanood ng mga ganito. May mga pagkakataon pa nga noon na umilaw kami, o sumama sa parada na may dalang kandila. Pagandahan pa yata kami sa paglalagay ng pansalo sa mga luha ng kandila. Minsan, yung cup na binutas, pero madalas, karton na ginupit na bilog at binutasan lang para suksukan ng kandila. Matapos naman ang parada, may pakain ang may-ari ng mga more than life-size na santo. Unahan na rin kami sa pagkuha ng mga bulaklak na ginamit para gayakan ang mga karo. Iyung mga bulaklak na iyon naman ang ilalagay namin sa altar namin sa bahay.

Our Lady Of The Abandoned Procession Good Friday (1)
Naghahanda na ang mga sakristan at mga lalaking manggagawa ng simbahan para sa pag-uumpisa ng prusisyon ng Our Lady of the Abandoned Parish Marikina.

Nito ngang Good Friday ng 2016 mahigit 70 ang nakasakay sa pinalamutiang mga karo at umikot sa Calumpang, San Roque, Sta Elena at Sto Nino. Alas Cinco kami umalis ng bahay dahil sabi, 6pm daw ang start. Pero 5:30 pa lang, umaalis na ang mga Karo sa Simbahan. Binaybay namin kung saan ang simula, at umabot kami sa pagbaba ng tulay ng Marikina. Doon nga naghihintay ang mga tao sa pagsapit ng Alasais para magsimula na..

Umusad ang prusisyon at gumalaw na ang mga nagtutulak ng karo. May kanya-kanyang dasal ng rosaryo ang iba. May mga wireless mic na at hindi na maingay ang mga generator ng nagpapailaw sa parada. Madami na ang nabago dahil sa teknolohiya.

Madami ang mga taong  umilaw sa mga santo. Pero mas marami ang mga taong nanonood na lang at kumukuha ng pictures ng parada. Isa na kami sa mga may dalang camera. O dalawa kami, kaya’t may mga kuha ditong mula sa Sony Xperia at sa IPhone. Narito ang mga nakuhaan namin. I’m proud to say na wala kaming na-miss.

 

 

 

BAYANI is spelled BAYAN before I

Ang “BAYANI” kung i-spelling-in ay BAYAN before I. Very Joey de Leon-ish ng analysis na ito, pero sa tingin ko, iyun dapat ang katangian ng susunod na mga mamumuno sa Pilipinas. Bayan bago ang sarili.

Paano naman ito masisigurado. Syempre, hindi sapat ang pangako at plataporma lang. Dapat, maglagay tayo ng batas na dapat, nakahandang maging bayani ang susunod na pangulo. In the first place, sila naman ang may gusto nun, at ang mga botante, wala namang choice kasi sila lang ang pagpipilian, since lahat ay qualified, maliban na lang sa nationality at age requirements, dapat kaya rin nilang gawin ang consequence ng position. At walang second place, wag nang maghanap.

Kaya dapat, ang mga tatakbo, handang maging Bayani. What’s common with all the Bayani? May inalay sila sa Bayan. Yung iba nga, buhay eh. Baka nga lang magmukhang joke itong gusto kong mangyari kung i-suggest ko iyun. Pero pwede rin.

What if lahat ng president ay may auto-deathwish after ng term nila? Literally, handang ialay ang buhay para sa Bayan. Like after nilang mapalitan sa pwesto. Papatayin na sila. Hindi naman nila kailangang mag-aalala, they will forever be remembered naman. Magkakaroon sila ng monumento, ipapangalan sa kanila ang kalsada, at kung darami pa ang pera, baka mailagay din ang mukha nila sa Philippine banknotes and coins.

Kaya lang, baka wala nang tumakbong pangulo.

Pero seriously, let’s just guarantee that the leader will serve the public. How, let them be one with the people.

May suggested bill na ako for this dati. Dapat, ang lahat ng nakaupo sa public office ay bawal gumamit ng private services.

Ang anak nila ay pwede lang mag-aral sa Public Schools, hindi sa Ateneo o sa La Salle. Gaganda ang mga equipment sa  mga paaralan. Tataas ang sweldo ng mga guro, at ang mga dekalidad na graduates ay hindi na pupunta sa ibang bansa at magtuturo na lang sa bansa. Syempre naman, gusto ng mga politicians na sumunod sa yapak nila ang mga anak nila, family business ito eh, at ang tanging paraan lang ay ang magandang edukasyon. At kung maganda ang edukasyon nila, maganda na rin ang edukasyon ng nakararaming nag-aaral sa public schools.

Ang mga babae sa pamilya nila ay pwede lang manganak sa mga Public Hospitals. At ang mga gamot na makukuha nila ay ang mga available lang sa mga Health Centers. Ikagaganda ito ng mga bayan at probinsya dahil darami ang mga pampublikong pagamutan. At tataas din ang kalidad ng mga doktor. At ang bakunang makukuha ng anak nila, makukuha ng karaniwang tao. Lagnatin na ang lalagnatin. Dahil lahat sila ay pwede lang um-avail ng mga gamot sa Health Centers. Hindi sapat na tanggalin ang wang-wang.

Dapat sa mga public transportation lang din sila aasa. Tingnan natin kung hindi manginig ang mga yan sa pagsasayos ng traffic. At hindi lang trapik ang aayos. Makikita nila kung paano ang kilos ng kotongan sa mga pampublikong drivers ng sasakyan. at mararanasan nila ang mapikon sa kulang ng sikwenta centavos na sukli. hindi lang dahil OC ka, pero dahil hindi iyun tama. Na wala lang sa opisina nila ang korapsyon, kundi nasa kalsada rin.

Hindi kasi nila nakikita ang problema ng publiko kasi hindi nila nararanasan. Hindi dumidikit sa balat nila. Dapat maranasan nila araw-araw. Iyun ay isang napakagandang paraan para masolusyunan nang totohanan ang mga problema ng lipunan.

After ng services, tungkol naman s kita ng mga public officials. Oo, may sweldo sila bilang trabaho naman ang pinasok nila. Pero huwag naman tayong ganid. Kitang-kita naman ang kinita nila pagkatapos ng kanilang mga termino.

Dahil dito, dapat, magpakita ng SALN ang bawat tatakbong opisyal. At kapag naluklok, dapat, hindi nabago ang kanilang SALN. Lahat ng lumampas ay dapat ibalik sa Bayan. O sige, pwedeng kumuha ng expert na magsasabi kung magkano lang ang average na pagtaas ng yaman ng isang karaniwang tao sa anim na taon. At iyung porsyentong iyun lang ang katanggap-tanggap na ikauunlad ng kanyang yaman.

Maaaring sabihin na madaling ilipat ang yaman sa pangalan ng kanilang mga kapamilya. Sige lang go. Gawin lang nila yun, pero alam naman nating eventually, ang perang ito ang sisra sa pamilya nila, magiging cause ng inggitan, iyun, magiging mala telenovela ang kanilang buhay. Iyun na ang karma nila.

And lastly, babalik ako sa auto kulong. Dapat lahat ng salitang binitawan ng mga kakandidato ay kontrata. Kung ano ang plataporma nila, kung ano ang goal nila kapag natapos ang termino, dapat masunod. At kapag hindi nasunod, makukulong sila. Breach of Contract na iyun.

Kunyari, nangako ang Pangulo ng maayos na tren, pag walang tren na naayos, kaso na dapat iyon. O kung sinabi niya na ipapasa niya ang FOI Bill, tapos natapos ang termino niya, hindi naipasa. Kaso iyon. Oo, wala sa kanya ang total power to do that, pero pinangako niya iyon. Naibigay sa kanya ang posisyon, bakit hindi niya nagawa ang pangako?

Obviously para ito sana sa mga panguong tatakbo, pero sana, maibigay din ang mga ganitong rules sa lahat ng tatakbong public officials. Dahil ang totoo, hindi naman sila pinipilit tumakbo, sila ang may gusto. Kaya sana lang, maranasan nila ang gusto ng pagsisilbihan nilang publiko.

PINTO ART MUSEUM EXPERIENCE

 

Hindi ko pa nasubukang magbiyahe mag-isa for the sake of travelling alone. Kung lalabas ako, dalawa lang yan; i am with someone i love, or i am on an assignment. Lumalabas din ako para mag-workout, magbike, magswim, that is for fitness. Kumakain din ako sa labas mag-isa dahil inabutan ako ng gutom. Kung manonood man ako ng sine, para lang magpalipas ng oras. Pero yung mag-aaksaya ako ng oras at pera para lumayo sa bahay dahil gusto ko lang mag-isa, hindi ko pa nagagawa.

Pero nitong mga huling araw, napaka-inviting ng idea na umalis mag-isa. Gusto kong mag-Baguio. Gusto kong maranasan yun mga sinasabi sa pinterest at sa IG na mga quotes na baka may chance akong makilala ang sarili, makadiskubre ng bago, magkaroon ng bagong karanasan. Kaya iyun sinubukan ko muna. Kasi nga, “Don’t grow old without ever traveling alone.”

Kaya bago subukang akyatin ang Baguio, ibang bundok muna ang inakyat ko. Antipolo, the land of Our Lady of Peace and Good Voyage at ng Hi-Hi-Hinulugang Taktaktak (Kung kaedad kita, kinanta mo ang part na ito).

Pero hindi naman ang mga ito ang pinunta ko dito. Isa sa mga binibisita sa Antipolo ang Pinto Museum. Kilala rin ito bilang Pinto Art Gallery at Pinto Art Museum, at matatagpuan ito sa isang exclusive subdivision sa San Roque, Antipolo Rizal Province. (Exclusive subdivision ito kasi may guard na nagtatanong sa mga papasok eh). Bukas ito mula 9am hanggang 6pm, so basically, office hours at ang opisina nila ay matatawagan sa numerong (02) 697 1015. ayan na ang detalye. Free advertisement na ito for them, dahil nagbayad ako ng 180 pesos sa entrance. and students, mas mababa ang presyo. Kaya kung may ID, prepare na ninyo at sabihing, “Ate, student, malandi pero paasa lang, kaya virgin pa rin.” at makakakuha ka na ng discount.

Iyun naman ang mahalaga. Bago pumunta sa pupuntahan, i-google na muna ang mga bagay-bagay. Dahil tulad ng ganda, pag alam mo ang daan papunta, meron ka ng fifty percent chances of winning.

Mula sa Robinsons Metroeast sa Marcos Highway, Sumakay ako ng jeep na Antipolo. 20pesos ang pamasahe, kaya naman alam kong mahaba-haba ito. Sa terminal na ako bumaba, kung saan bababa lahat ng nakasakay sa jeep, pati na ang driver para pababain ang mga ayaw pang bumaba. Mula doon, tricycle na ang sinakyan ko. Kahit anung tricycle mukhang pwede naman dahil napakaraming tricycle sa lugar. Sinabi ko lang na Pinto, alam na nung driver. 50 pesos naman ang bayad sa tryk hanggang sa gate na ng museum.

Ayun, so basically, 70 pesos papunta, 180 entrance, tapos pabalik, 70 din, 320pesos at pwede nang ma-enjoy ang Pinto Museum. Noong una kong tapak sa musuem, pagpasok sa gate, nakaramdam ako ng saya.

IMG-1458200136486-V

Parang achievement unlocked. Nakarating na ako sa Pinto. Mga ilang linggo ko na rin kasing naisip puntahan ang lugar na ito at ito na nga. Maganda ang lugar. Bago, nakakapanabik. Pero higit pa sa lugar, masaya ako na narating ko ang museum.

It was a Thursday, i guess. Kaya nang makarating ako ay mabibilang sa kamay ang mga tao. Ang nagparami sa lugar ay ang mga ikakasal na gumagawa ng mga pekeng ala-ala bago sila ikasal. Dalawa lang sila pero ang mga nagta-trabaho para sa kanila ay mga sampu. Pero hinayaan ko na silang magpakasaya dahil alam ko namang maghihiwalay rin sila.

Dahil nasa labas naman ang mga nagpe-prenup, walang mga tao sa mga galleries. Una kong napuntahan ang collection nila ng mga anito, bul-ol at mga hinabing tela ng mga katutubong Filipino.

Dahil walang tao, hindi nakakahiyang magphotoshoot. Salamat sa front camera at timer ng telepono ko. Iyun, marami akong nagawang Selfie. Pero tingnan na lang ninyo yun sa FB ko para hindi masyadong nakakahiya dito.

Pinto Museum (25)

Pinto Museum (24)

Matapos ang tour sa Gallery na ito, yung anim na magkakasamang galleries naman ang pinuntahan ko. Nandoon ang mga paintings, scuptures at mga installation arts na kung hindi kulang ang mga pagkakabasa ko ay mga likha mula noong early ninetiees hanggang sa kasalukuyang panahon.

Mula sa grupong SalingPusa ang pinakamalaking painting sa museum. At ilan sa mga members ng Salingpusa ang nagkaroon na ng sariling pangalan at nagkaroon ng kanya-kanyang gawa na nakaexhibit na rin sa loob. ilan sa kanila ay sina Elmer Borlongan, Jose Santos III, Tony Leano, Jim Orencio, Ferdie Montemayor, and Pamela Yan Santos.

I’ll focus on the works kapag bumalik ako sa Pinto Museum na may kasama na ako. Pero sa ngayon, ito munang mga larawan ang maibabahagi ko.

Hindi naman nga kasi ang arts ang pinunta ko dito. Gusto ko lang subukan kung ano ba ang feeling na magbiyahe mag-isa. Trial muna kung gusto ko ba, kasi mahirap naman kung Baguio agad, pitong oras din na biyahe iyon.

At gusto kong makilala ang sarili ko sa paraang tulad ng sinasabi nila. Get lost and you’ll find yourself. Baka may malaman akong bago tungkol sa akin. Para rin mapalawak ang mga known areas ko sa Jo-Harri Window.

Success naman.

Ngayon alam ko na na ayoko ang ginawa ko. Ayokong umalis mag-isa. Ayoko ng memory na sa akin lang. Gusto ko nang may kasama. At dahil maganda naman ang nakita ko sa Pinto Museum, babalik ako dito. Hindi na nga lang nag-iisa.

 

Pinto Museum (28)