Tag Archives: Ukay Ukay

UFO: Shhh, Shoes and Shorts

Pointed blue shoes

I didn’t realize that i’ve collected several shorts from my previous visits from the Ukay-ukay. Hindi ko na sinama ang mga boardshorts na ginagamit ko lang pambahay at pang exercise, takbo-takbo, gym ganyan, kahit pa mga Ocean Pacific, Billabong, Quicksilver pa ang mga iyun. More of yung mga ginagamit ko lang panlabas-labas, or pang tatay mode at pambahay na rin since sobrang best naman ng isang ito at 25puks only.

Abercrombie and Fitch Walk Shorts.
For more tatay look sa park habang may tulak tulak na stroller or habang may hila-hilang bag para maghatid ng preschool.
Cotton On Shorts.
Para sa kaswal-kaswal na lakad with friends, yung hindi pang opisina, or kunwari, opisina din.
Lantatak, pero best naman ito.
Boxer shorts na pambahay na a-achieve-in ko rin gamitin panlabas ng bahay one of these days. arte pa sa 25 pesos?
Advertisements

UFO: Ukay is a Four Letter Word

I just got two great shirts from Ukay. Isang Zara at isang FCUK. Hence, the four letter Ukay shirts ko.

FCUK small?
hammered. Back design
me wearing it. Lukot na lukot.
Zara. Medium.
Bawal Huminga while wearing it.

And this MAMA by H&M for Hasmin, dahil mama na siya another.

H&M MAMA
Iyun naman, pambuntis talaga
Details. Magkaibang tela yan, at may butbuting deisgn din.

 

 

 

 

 

 

UFO: Found Pants

Matapos sunduin si Euan sa school, e eto naman, Napadaan sa Ukay dahil nakatanggap na ako ng text na new arrival daw. Kaya naman, go na sa therapy ko. For more happiness. At happiness naman ang natagpuan ko.

French Connection size 30. More than the brand, bet ko yung waistline.
French Connection Jeans

Dalawang pants ang na-avail ko. Una na nga itong French Connection na French Connection Multi Denim  Jeans with concealed button-fastening fly and single button fastening at waist, five pockets, contrast stitching, and logo studs. Sinuot ko na ito kahapon, panlusob sa bagyo.

Esprit Co NY Flatiron District size 30 din
me wearing it at ang aking maugat na mga kamay

Ito naman ang Esprit Soul. Andaming nakasulat sa loob nung pants kaya feeling ko mahal ito sa totoong buhay. Iyun. May bibilhin pa dapat akong jacket na H&M kaya lang, sabi namin ni Hasmin, kapag bumili ako ng jacket, kailangan kong magdispose ng existing ones. Hindi pa ako handang mag let go sa mga jacket ko. Balik na ulit ako sa mga pants.

UFO: Rainy Day Ukay

Mga last week pa yata kami namili ni Hasmin ng Ukay. May gusto kasi akong balikan na Jacket na H&M na maganda, pero ang mahal 750 teh. Kaya iniwan ko muna at inisip ko kung gusto talaga ng puso ko ang jacket na iyun. At nung nag decide ako na gusto ko nga talaga. E iyun, nakuha na ng iba. Pasok na ang next motto ko na, kung hindi para sa akin, baka para sa iba, or baka hindi maganda.

Kaya ito na lang muna ang mga new buys namin. Kasama ko si Mama Hush mamili. Kaya naman, para sa kanya ang unang item.

At isang damit na pambuntis. Akshali, Hindi naman siya pambuntis, pero kapag sinuot ng buntis ito at nag fit, pambuntis na.

Then iyun nang mga jackets. Since tag-ulan na, at laging tag lamigs a opisina, these are necessary.

Pume-preppy na jacket. Kung eni-eni lang ang suot na shirt at shorts.
Berberry naman tayo diyan
Hipster jacket na blue. Meron na akong red na DKNY, so iba naman.
LOGC hndi na tayo nage-H&M
Para sa mga kapatid sa pananampalataya. A gift kay Tita Dap
Mag ZARA naman tayo na TRF. Hindi ko alam ang TRF. Baka Terifi

Yung Zara na jacket e napakaganda at napakamura para hindi bilhin. Kaya kahit walang magsu-suot sa amin ni Hasmin, e binili na rin namin.

And finally, firsd time naming bumili ng curtain. Pero ang quality naman kasi. kaya ito na to close. The window.

Curtain De Lareaux. Ngayon lang ako bumili ng kurtina., Ang ganda kasi ng print. Ang playful, thus De Lareaux.

 

UFO (Ukay Finds Of-Mine): Holy Week Edition

Or rather, Ukay Finds Online.

We would have joined the fad of the pre-loved shops on line which popped up a few years ago. That was Ona and I. But we realized that we love our pre-loveds kaya hindi na lang namin binenta. Or pwede ring ang tedious ng proseso. Naging give-up-era na lang kami. But I’d rather be with loving the pre-loved more.

And in memory of that, narito pa ang mga addition sa aking Ukay Collection. Uber-Bagot sa bahay. Nakakairita ang init. Mabuti na lang at bukas ang ever-trusted kong Janco sa may Concepcion. Iyun. Nauna na ako. And here are some of my good buys.

A&F Cargo Pants

Dahil dito sa pants na ito, nag decide na akong isuko ang mga skinny jeans. Sa mga ibang panahon ko na lang ulit isusuot ang mga pahirap sa motor na pantalon. Baggy pants na ulit ako. Cargo. Back to my college look. Hehe. At wala kaong pakialam kung thrice a week ko ito isuot. Ganun ko rin naman isuot ang mga jeans ko.

Black Quicksilver Cargo Pants

At kung hindi yung A&F, ito ang suot ko. Medyo mataas nga lang ang waist, pero okay na rin. Basta nasa maluwag na pants ang atake lately dapat. Though more than sa comfort, gusto ko rin ang detail nitong Quicksilver na pants. floral na bungu-bungo. Kumbaga, kumbaga he was a punk, he plays ballet ang attack.

Marc by Marc Jacobs shirt

Medyo maliit lang ito, pero kasya naman. Size two yata. Pero nung sinukat ko naman e naigagalaw ko naman ang katawan ko. So, kasya ito. Though kakailanganin kong magpaliit pa nang kaunti ng likod at billy-bil.

Black Specially Round Collar Shirt

Isa ito dun sa mga lampake sa brangd, basta gusto ko ito shirt. I love the print. Yung mga star spangled black shirt. Mahalaga sa akin ang black shirt dahil nakakapayat ito. Kaya hindi ako nagsusuot ng black na brief.

Blue Leather Kickers

Ito na ang sagot ko sa colored suede shoes at pagbabalik ng doc martens in one. I remember the rampage of the boots back on my sister’s teenage years. Panahon nina Donna Cruz. Though hindi ko ate si Donna Cruz. Pero iyun. sa pagbabalik ng boots, ito na ang share ko.

And finally,. for the beach. These pair of shorts na very Anne Curtis. Very European summer lang. Sana maisuot ko ito sa tamang okasyon bago matapos ang bakasyon.

Blue Stripes Drawstring Shorts

Ito na muna. Atsaka na ang mga Harem Pants/Harlem. Hanggang sa susunod na pag-uukay.