Tag Archives: up repertory company

UFO: Rainy Day Ukay

Mga last week pa yata kami namili ni Hasmin ng Ukay. May gusto kasi akong balikan na Jacket na H&M na maganda, pero ang mahal 750 teh. Kaya iniwan ko muna at inisip ko kung gusto talaga ng puso ko ang jacket na iyun. At nung nag decide ako na gusto ko nga talaga. E iyun, nakuha na ng iba. Pasok na ang next motto ko na, kung hindi para sa akin, baka para sa iba, or baka hindi maganda.

Kaya ito na lang muna ang mga new buys namin. Kasama ko si Mama Hush mamili. Kaya naman, para sa kanya ang unang item.

At isang damit na pambuntis. Akshali, Hindi naman siya pambuntis, pero kapag sinuot ng buntis ito at nag fit, pambuntis na.

Then iyun nang mga jackets. Since tag-ulan na, at laging tag lamigs a opisina, these are necessary.

Pume-preppy na jacket. Kung eni-eni lang ang suot na shirt at shorts.
Berberry naman tayo diyan
Hipster jacket na blue. Meron na akong red na DKNY, so iba naman.
LOGC hndi na tayo nage-H&M
Para sa mga kapatid sa pananampalataya. A gift kay Tita Dap
Mag ZARA naman tayo na TRF. Hindi ko alam ang TRF. Baka Terifi

Yung Zara na jacket e napakaganda at napakamura para hindi bilhin. Kaya kahit walang magsu-suot sa amin ni Hasmin, e binili na rin namin.

And finally, firsd time naming bumili ng curtain. Pero ang quality naman kasi. kaya ito na to close. The window.

Curtain De Lareaux. Ngayon lang ako bumili ng kurtina., Ang ganda kasi ng print. Ang playful, thus De Lareaux.

 

Advertisements

A Directorial Debut

Anlakas makataas sa sarili nung Directorial Debut. Parang sertipikado. Pero iyun naman. Hindi naman talaga ito ang unang panahon kong mag-direk para maging debut. Para saan pa’t naging part ako ng isa theater org kung hindi ako naging director. Pero ang pagke-claim naman ng mga bagay-bagay ay personal choice. At ang opinyon ng ibang tao ukol doon ay ibang bagay pa.

Tulad nung first time ko magdirek, e medyo masaya ako at nag enjoy naman ang ga nakatrabaho ko. That was Ang Pinakamakisig sa mga Nalunod sa Buong Daigdig of that sort ang title, parang adaptation ni Teresa Lorena Joson  ng Nobela ni Grabriel Garcia Marquez na sumulat din ng isa sa pinaka haunting na book for me, 100 Days of Solitude. Iyun Hanggang doon lang iyun, masaya ako at masaya ang cast ko. Pero kung masaya ang mga nanood, parang hindi hindi ko alam, or more of parang hindi.

Pero iyun naman ang una. Nung mga sumunod naman parang mga naging masaya na. Ilang plays din iyun.

Pero ngayon, bilang debut, hindi na isang dula ang na-direct ko. Proud ako na kahit isang Webshow lang ito, isang Vlog ng isang dear friend, e talaga namang hindi lang kaming tatlong gumawa ang nag-enjoy kundi pati na rin ang target audience. Marvin has his own blog na patok na patok naman sa mga kliyente at target market. At para sa kanyang 1st month sa ere or WWW, e nagsimula na siyang mag Video Blog. Maganda rin at napili niya ang www.cge.tv bilang host ng kanyang mga videos. Mahirap naman kasing sumikat with Youtube dahil maraming competition, pero with CGE.TV, andaling maging star.

At iyun na nga, ang aking directorial debut na may kasamang camera, eto na.

or click the pic. enjoy.

Marvin Salazar is Madma

You can alaso see the video on Madma’s website http://madmacarta.wordpress.com/

Actually, sinubukan ko lang ito, dahil sabi sa akin ng admin ng CGE TV ay pwede na raw mag embed ng videos from cgetv. Parang hindi pa pwede. Parang may nagsinungaling sa certain part ng communication. ANyways, siguro next week, susubukan ko ulit. At ibig sabihin, mayroon na naman akong project na ipapapalabas.

Daddy Vacay: Playa de Caleta, Bataan

Parang hindi ako papayag na this year, hindi ako lalabas ng Luzon, dahil last year, parang ganun ang nagyari sa akin. Walang ganap. Lumipas din ang Semana Santa na nasa bahay lang kami. Though may Baguio getaway na pala kami ni Missus, pero malamig iyun. Ang gusto ko ay beach.

Sayang nga lang, at lumalaki ang tummy ni Mama Hush, at medyo bawal na siya matagtag. We were supposed to go together. Kaya lang, for the safety of U2, stay at home muna siya. Naging maunawain naman siya at ako na muna ang lumabas ng bansa. Hence Bataan.

And the diary starts here,

Nagkita-kita kami ng mga UP Rep friends sa Genesis sa Cubao para sumakay ng Biyaheng Balanga, Bataan. Alas kwatro y medya nang madaling araw kami nakasakay at after roughly two hours, nakarating na kami sa Bagac Terminal. Kain muna kami sa Jollibee while waiting for Kuya Kel, ang aming tour guide. Doon na sa bayan na iyun kami sinundo ng coaster.

the coaster ride with Barrack, the Dachshund
Ang mahalagang Krus, Dambana ng Kagitingan in Mt Samat. Syempre hindi yang poste ng kuryente but the one on top of the boondocks.

Dinala kami ng maliit na bus sa unang beach kung saan kami susunduin ng bangka patungo sa cove na paglalandian namin. Parang casting lang ng horror film ang atake namin, at may mga mamang mangangahoy na magsasabi anytime na “kung ako sa inyo, hindi na ako tutuloy.”

MEdyo ganito ang peg ng mga banka, though hindi ito yung sinakyan namin. Isa lang kasi ang bangka for the 17 of us, kaya hinati na lang sa dalawang biyahe.
And the beach cove, the Playa de Caleta, Kung saan kami magpapalipas ng weekend

Wala namang ganap. Mabato ang beach, pero masarap languyan. May mga balitang marumi ang tubig pero hindi naan halata. At ang highlight ng punta namin doon ay ang trekking na pinangunahan ni Kuya Babe.

nung sinabi kong mabato, hindi ako nagbibiro, Umpisa pa lang ito. Makikinis pa ang mga bato.
Ang mga batong hindi makikinis. Pero to get here, kailangan pang dumaan sa wall climbing na hindi ko nakuhaan dahil nagwa-wall climbing ako. Ang option kasi ay maligo sa dagat ng basura.
Pero may mga Starfish naman on the way na nakakawala ng pagod. Or hindi rin.
And the island we were to conquer. Or conquered na rin. Naihian na namin ito e.
Ang unang side ng isla. Malakas ang alon at malakas maka ANTM Photoshoot
Hence
moving forward
magsisimula na ang mga lagoons na pwedeng paliguan, at gawing tub. Kaya lang, may naghihintay na mga Sea Urchins? Sinong Urchins? Sea urchins.
And this one is from another pool, at barkada ang mga sea urchins na nagpa-plano kung paano manunusok ng paa. “Pare, me mga tanga, tera, magpanggap tayong imbisibol para matapakan nila tayo.” Ganyang level.
Then some more rough rocky terrains
yung tipong terrain na nakamamatay.
na may magagandang formation din na nakawawala ng pagod… or hindi rin. pagod din talaga
there you go. Lets go geology majors
i can see a peacock
another lagoon, ang ganda nito.
Blending in. Kakulay ko na ang paligid
walking on barnacles
This is a bitag. May sea urchin ulit s ailaim kasama ng mga isdang naabutan ng lowtide.
give up na rin ako sa kapi-picture. kaya medyo pabalik na ako nung makabawi ng strength to click the camera. Iyan, pabalik na sa wall climbing, dahil kung saan kami nanggaling, same track pabalik.
waiting for us was a sumptuous meal. Pero hindi ito yun. Ito na ang breakfast namin. Tipid tipid din kasi ng battery. Walang kuryente sa island. So this is our breakfast the next morning.
Mga Pulang Perlas.
But this was not without a rule. Sa lahat naman ng lugar, may paalala. Kaya ito naman. Huwag daw magtapon ng fetus sa bowl, nagbabara. Pero huwag naman nating i judge na against sila sa pagtatapon ng fetus, pwede naman daw sa basurahan. Ayaw lang nilang nagbabara ang inodoro.
At pahinga na rin. Bago kami nito umalis. At dahil ni-picture-an mo ako…
pi-picture-an din kita. thanks jeff!
ayan, kung maiwan man ako dito mag-isa, mabubuhay ako dahil nandito at nagkalat ang mga trees of life. na alam naman nating tinatawag na Buko. Wala nga lang booking.

But this trip didn’t come without a price. siguro naka two thousand ako all in all. 1,300 para sa services sa food sa beach sa pag-aalaga nina Kuya Kel, then 200 sa pamasahe sa bus, at 330 para sa coaster at boat ride.

Other than that, may mga pisikal na kabayaran din. Dahil nga batu-bato ang beach na nakakatusok, hence.

sugat #1: sa ilalim ng paa
sugat #2: sa ibabaw ng paa

Pero sulit naman ang pera at mga sakit na dinanas. Masaya naman kaming umuwi. To prove, ito ang ginawa namin music video.

At bago iyun. Class picture muna.

class picture syempre
And after that, goodbye for now muna Island

At bago ang lahat nga pala. The next day pagkagising ko sa bahay na. May kabayaran pang humabol.

attack of the pimples sa face. Madumi nga ang tubig sa Bataan. Argh. Dagat ng Basura.

 

Mga Aral Mula sa Super Moon and the Hot Issues Last Week

Kapag nagpatung-patong ang problema sa Pilipinas, isa lang ang dahilan, may salot. Kaya naman noong nakaraang linggo noong nagpatung-patong ang away at gulo, pero piliin na lang natin ang walang kinalaman sa sunog pero nag-aapoy ang init, meaning mga commercial stories of last week, meaning those with the glitz and the glam.

Super Moon!

Unahin na natin ang Moon I mean Mon Vs Claudine and Raymart. Ang glamorous. Alam na ninyo ito pero ito ang video para sa mga hindi pa nakakakita. here is the Thrilla in NAIA

Then ang Andi vs Albie bar brawl.

Focus muna tayo dito sa dalawang ito. Yes, pinapipistahan natin ang mga ito. To the point na naja-judge na ang Greater Mass ng Pilipinas sa kanilang choice of news na tinatangkilik. Well, alam naman natin na dun lang sa fun nananatili ang pagtingin ng mga Pilipino, kasi baka hindi kayanin kapag masyadong masakit.

Gaano ba kasakit ang balitang ito?

Una na sa NAIA. Sige, sa kanila na ang issue ng Press Freedom. Mababaw ang pambubugbog ng isang artista sa isang matandang journalist dahil kinukuhaan ang “CHR-worthy” event. Ang rurok kasi ng PRess Freedom dito e pinapatay ang mga journalist. Pero ang idea na sira ang CCTV ng isang pangunahing Airport sa bansa. Parang invitation naman ito sa mga Jamaica Islamina na hello there, want a repeat of 9/11, try our airport.

Mon Vs the Trinity

Focus muna tayo dito sa dalawang ito. Yes, pinapipistahan natin ang mga ito. To the point na naja-judge na ang Greater Mass ng Pilipinas sa kanilang choice of news na tinatangkilik. Well, alam naman natin na dun lang sa fun nananatili ang pagtingin ng mga Pilipino, kasi baka hindi kayanin kapag masyadong masakit.

Gaano ba kasakit ang balitang ito?

Una na sa NAIA. Sige, sa kanila na ang issue ng Press Freedom. Mababaw ang pambubugbog ng isang artista sa isang matandang journalist dahil kinukuhaan ang “CHR-worthy” event. Ang rurok kasi ng PRess Freedom dito e pinapatay ang mga journalist. Pero ang idea na sira ang CCTV ng isang pangunahing Airport sa bansa. Parang invitation naman ito sa mga Jamaica Islamina na hello there, want a repeat of 9/11, try our airport.

And now kina Andi and Albie. Naks naman the names, parang made for each other. But no, na-deny na ni Albie ang paternity sa anak ni Andi. At ngayon, single mom ang mode ni Andi sa kanyang five month old baby. Ano ng aba ang ginagawa ng isang ina na five month old na baby sa isang bar. Okay, huwag nating i-judge.

Albie Casino, Batang Ama
Andi Eigenmann, Batang Cougar

At ano naman ang malungkot dito? Wala lang. Yung batang five months. Baka nagugutom siya at kailangan niya ng dede. Pero on a bigger picture, pwedeng tingnan ito sa perspective ng kakulangan ng mga kabataan sa paghahanda sa pagkakaroon ng pamilya. RH Bill, kumusta ka naman diyan? How’s your friend Anti-Epal Bill na talakayin na rin natin in a while?

Though hindi pa rin ako pro RH Bill, sana naman ay mapag-usapan ito at kung ibabasura man, ay mai-strengthen ang mga existing na batas para mapangaralan ang mga kabataan ng safe sex at family planning, or sex planning para hindi magka-family.

Third and last na muna ang Corona Trial, the comeback. Ang Politika ay extension naman talaga ng showbiz, hence ang mga tatakbong artista next election, extension ito ng kanilang career. So iyun nga. The CJ Corona Trial. Napaka simple lang at hindi ko alam kung bakit hindi makita ito as simple as i see it.

Umpisa pa lang ng trial. SInabi ni CJ Corona, haharapin niya ang lahat, wala siyang itatago.

Unang bwelta, ilabas daw ang bank account. Ayaw ipakita. Itinago.

Bakit pa kailangang ipahanap? Bakit ipinagpipilitan pa?

Hindi ba iyun as simple as nagsabi siyang wala siyang itatago, tapos may itinago. Then i-conclude na nagsinungaling siya? Ikulng na yan.

And then then now, as in now, ang diskusyon ay kung haharap ba siya o hindi. Bakit tinatanong pa? SInabi niya, haharapin niya, sasagutin niya ang lahat. Then i-schedule na lang siya. Wala nang tanung-tanong kung uupo siya. Kung hindi kasi at nagpatumpik-tumpik siya e senyales na iyun na hindi siya tapat sa salita niya. My God, Simple Follow, Cannot Instruction. How Dare?! (Interobang)

Iyun, to conclude, and to connect with the opening lines, alisin na ang mga salot!

My Old Sketches (Girl Friends)

Jetty
Jetty

I know these girls know how I say Girl Friends. And it is with that snap!

The scanners weren’t good way back. And i don’t think i still have the originals. But hopefully, this would be enough to preserve these beauties. Beauties? Haha. Maging part kaya ito ng kasaysayan ng Sining sa Earth?

Seru
Roma
Kinky

Some of these were characters of a fiction i was developing back then. I forgot how the story would go. I’ll try to remember. After all. The North Remembers! #GOTDay!