Tag Archives: wife

On RH Bill

Advertisements

Naglilihi

Ang bahay namin ay ipinaglihi sa pamahiin. Kaya naman ngayong maraming buntis dito, lagi kaming inaantok dahil ang pakikisalo sa pagkain ng nagdadalang-tao ay sleep inducing. Ang hirap namang hindi makisalo kung medyo masarap ang pinaglilihihan.

One morning, spaghetti ang hanap ni Hasmin. Kaya naman nagpabili kami ng chaka spaghetti for breakfast. Matapos noon, nag-grocery kami at namili ng pang spaghetti. Though medyo penne pasta ang nagamit. Check na rin iyun., Lalo pa at ako ang nagluto. O, mind you, don’t mind me.

At isang umaga naman nitong linggo. Alas Singko Y Medya, nangangalabit si Hasmin, gusto ng Pancit Malabon. Pupungas-pungas pa ako at tinatamad bumangon. Hindi talaga ako bumangon. “Allergic ka sa sea food,” sabi ko. “Hindi ko kakainin ang hipon,” sabi niya. Nakatulog ulit ako.

Bad.

Bad me.

Bad na hindi ibinibigay ang pinaglilihihan ng buntis. Magagalit ang baby sa loob.

Kaya naman while nasa opisina, bago ko pa daanan si HAsmin sa kanyang pinagta-trabahuhan. TUmawag na ako sa aking mga koneksyon. At iyun na nga. Habang nasa taxi, paalala ulit. “Bakit ang aga-aga nga pala, naghahanap ka ng Pancit Malabon?” “Hindi ko alam, naisip ko lang. Ayan, naalala ko tuloy. Gusto ko na ulit ng Pancit Malabon.”

Well, na-set up na ulit. Na-tickle na ulit ang taste buds ni U2.

Pag-uwi sa bahay.

Pancit Malabon mula sa Calumpang Marikina

Tuduh!

Bawing-bawi naman ang pagtulog ko sa naglilihi kaninang umaga. Dahil hanggang sa kinabukasan, pwede pang agahan.

Iyun nga lang. Kuha din kaming lahat sa bilao, at antok ulit kami buong maghapon.

Weekend in Baguio

Mahalaga daw para sa mga mag-asawa na once in a while ay magkaroon ng time para sa kanila lang dalawa. ‘Yung umalis, lumayo sa busy life at magbuhay mag-on lang ulit. Parang ang staged naman ‘nun. Pero dahil may excuse naman, ginawa na rin namin.

Ang excuse namin ay siang stage play. Muli, isang pagbati sa TaBak-Baguio sa isang matagumpay na production, ang “Hello Philippines.” Pinaalam nila na ire-restage nila ang play ko, at pinayagan ko naman. At dahil doon, “umakyat”
kami para manood ng play. Well, may sa jargon kasi ang “akyat” sa kanila. At wala itong kinalaman sa hagdan, not even hagdan-hagdan palayan. (may gumagamit pa ba ng term na iyun, o na-extinct na after grade school?)

Me and Hasmin with the Hello Philippines TaBak Baguio pmembers

Nag-leave na kami sa opisina ng Friday para dito, though Hasmin was advised na mag-absent na lang since nagamit niya ang sick leave niya for being pregnant last week. Kaya iyun, Friday, matapos mag breakfast at maki-bonding kay Euan sa umaga, punta na kami sa Victory Liner para sa De Luxe nilang ride to Baguio scheduled na 10:15 am. Pero puno na nang dumating kami. Kaya doon na lang kami sa erkon bus ng Victory. Okay lang din naman. Mga 6 hours ang travel from Manila to Baguio that particular day.

sa Victory Liner.
Stop Over sa Sison
Can't get over sa may stop over

Mula sa bus station e naglakad na kami papunta sa UP Baguio. Malapit lang naman. Then iyun, nanood kami play. Masaya. Parang concert nga dahil meron pa silang opening act. Na maganda din. Wow, walking around, just like in UP Diliman.

After that, bumalik kami sa bus station at nagdecide na sa Hotel na lang katabi nun mag-stay. Sa Microtel. Mahal naman, pero okay na rin. Yung 4,500 dapat na normal rates ay ginawang 2,500 na lang. Siguro dahil late check in na rin kami. Or dahil half lang ng room ang available. Pero go na kami. Sayang ang gabi, kailangan makarami.

Kaya first activity, kumain. Naisip namin na i-experience ang pagkain sa sa Baguio. Magte-take out na lang kami sa Jollibee. It was a good decision. Nag-taxi kami, tapos sabi namin sa Jollibee na malapit, either sa SM or sa Session Road. Session Road na lang para mas Baguio ang feel. Wow naman pala ang taxi dito, nagsusukli. Niweis, iyun, swerte pala kami at may ganap sa Session Road. May pahabol pa ang Panagbenga.

Bengga sa Panagbenga

Kailangang may rpn ang biyahe kaya naman pirma agad kami sa laban sa pagputol ng mga puno sa Baguio
Experiencing the food in Baguio. Jollibee muna.

Then mga eleven pa lang pala. Ambagal ng oras sa Baguio, btw. Mahihiya ang sloth. Iyun, naka order na kami sa Jollibee then we headed back sa Microtel. Pagkakain, naligo tapos iyun alam mo, kinausap si U2. Na parehas kami, we were both in our mothers’ womb when we first experience Baguio. Atsaka, nauna pa siyang makarating sa Baguio kesa kay Euan.

Pagkagising na namin ginawa yung mga dapat gawin. Which was kumain another. The stay in the hotel comes with a free breakfast for two. In-avail naman namin.

Kung may Big Breakfast ang Mcdo, May something breakfast din sa Te Quiero. Nakalimutan ko lang ang tawag. PEro masarap naman ito at buffet.

Hasmin and Me, who is but a reflection of her existence. Cheka. Gusto ko lang sabihin na nasa reflection ako ng salamin.

After the food, picture-picture muna para may ebidensya ng biyahe, then yun nang gala factor.

Kami sa Microtel Inn and Suites Baguio. Uy ha, hindi lang kami nagpa-picture dito, sa loob talaga kami niyan nag-stay.
Vain in the mirror. Ayan, sa loob ng room namin ito ha.
Hasmin by the window. Sorry wala kaming magkasamang picture sa loob ng room. More of videos kasi ang ginawa namin
Parang andami nga lang ghosts sa Baguio. Karamihan sa kuha namin ay may mga orbs. O effect lang ito ng climate change?

Dahil gusto talaga naming ma-experience ang De Luxe Bus, nagbook na kami at ang nakuha namin schedule ay 1:15 kaya mayroon lang kaming half a day to ikot-ikot. Nag-decide kami na pumunta na lang sa SM. Tapos nung okay na si Hasmin, pumunta naman kami sa SR. Balik Session Road kami papunta sa Baguio Cathedral.

Baguio Cathedral Common
Cat ang Dog sa Cathedral
Hindi pa naisama sa GIF care of http://gickr.com/

Then naglakad na kami pabalik sa Session Road. Iyun dahil nga Panagbenga, nandun pa rinang mga stalls, tiangge and the likes. Hindi namin napigilang mamili ng pasalubong.

Hasmin and Abet sa Session Road
Road Session sa Session Road

At iyun, nung medyo marami nang gastos. Kumain muna kami sa Te Quiero, yung restaurant sa Microtel, which was good. Actually. na-curious lang si Hasmin kung ano yung Tapas sa Te Quiero Tapas Bar. Tapa ba ito na plural? So order muna kami. At dahil around three hundred ang isa, isa lang ang in-order namin. too much naman ang six hundred for curiosity. After all, curiosity kills the cat.

Chicken Tapas something. Hindi ako pwedeng food blogger.

After that, bumalik na kami sa bus station. Almost one na rin kasi. Mabuti at hindi kami na-late. Kundi, baka kung anong bus na naman ang masakyan namin. Well, we have our plans din sa loob ng bus. Dahil ang De Luxe Bus ng Victory Liner ay may sariling cr. So today, on a bus, tomorrow, on a plane.

We'll be Back, Baguio, You Cold Baguio You.

The Vow

Just what i needed

Movie: Romance

ReviewReviewReviewReviewReview

Sabi ko kasi kay Hasmin kagabi, uuwian ko siya ng cake. Kaya lang, pasado alas dose na ako nakauwi, kung hindi ala-una. Kaya naman para makabawi sabi ko, date ko na lang siya. Pagkagising, after fixing all stuff to be fixed, we headed to the cinema. Dahil nalilito na ako sa tuwing sinasabi ang The Vow, me thinking na may indie film bang Davao? Pinanood na namin.

Iyun. Ang light ng movie tapos iyak lang kaming dalawa nang iyak. Pero kung hindi niya mababasa ang blog post na ito, iisipin niyang para siyang tangang umiiyak.

May mga moments na hihigpit lang ang hawak niya sa kamay ko, o moments na napapansin kong nakatingin siya sa akin, pero ako hindi ulit nagpapahalatang napapansin ko siya.

Iyun, ganun ang epekto.

Niweis, about the movie naman, ang premise ng movie ay nasa kotse. Kinanta ni Channing. “I would do anything for love, but i won’t do that.” Basically, iyun na. Ginawa lahat ni Leo (CHaracter ni Channing) para mapaibig ulit si Paige (Rachel McAdams). Pero anu yung “that” na hindi niya gagawin.

Best ang acting ng dalawang bida, sina Tyahing Tatum at Rachel Mang Adam. Mukhang pinatanda nang todo si Jesica Lange para kapag nagkakabit yung asawa niya ay understandable. Mas maganda pa kasi si Jessica sa batang pinalit sa kanya.

Niweis. Best. Recommended sa mga magkarelasyong may pinagdadaanan. At nai-recommend ko na nga siya. Alam mo na yun. This will help.

mula sa ganitong pagmamahalan
sa pagtitiis at pag-iisa
hanggang sa pagsukong ayaw ipakita. Iyun. Iyak na lang ako.