Tag Archives: PETA

nik, salamat sa tiket!

Baklaan another.

Hindi na ako magrereklamo. Libre lang naman ang tiket. Ahehe. Iyun nga, last Saturday, we had the opportunity to watch the much pinag-uusapang musical sa Philippine Theater lately. Na-invite kami ng Vaticang Direktor na si Nik na manood kahit kasalukuyang umeere ang kanyang MMK episode. Pero iyun na nga. Kami kami, with Nik, Kalai and her officemates, Roma and Steph, at si Missus, nanood kami.

Liza Magtoto’s

Care Divas.

Care givers sa umaga, Divas sa gabi. Hindi sa Pilipinas, but sa Israel.

Masaya naman. ahaha, walang kwentang comment. Masaya naman. Okay lang. Ahahaha! Hindi, actually, nakangiti naman ako the whole play. Pagpasaok pa lang namin sa PETA theater, napawow na ako sa usher, i mean sa set design. Feel mo agad ang Israel. Tapos lumabas na yung mga bakla.

Sorry, libre na nga, hindi pa ako bumili ng souvenir program. Hindi ko sure kung saan nadenggoy ni Nik ang tiket, pero ang buong palabas ay sponsored ni Tito Boy Abunda at ang kanyang Backroom, madalas ma-mention ang name niya with Argentina Corned Beef, La Carmela de Boracay, Gretchen Barretto among others. And LadLad Party List also. walang organization ang thoughts ko. patawad.

Sa set yatang napanood namin, gumanap sina Melvin Lee as Chelsea, na akala ko nung una ay si Frances Makil Ignacio. Vincent de Jesus as Shai na siya ring musical director ng dula. Ang parang negrang si Ricci Chan as Kayla. Hindi ko kilala ang gumanap na Thalia, sorry, pero best in tanga-tangahan siya, as in, to the point na gusto ko na siyang maging friend. At as Jones, si Phil Noble, na akala ko ay si Direk Connie. Kasama rin si Angeli Bayani as Nona and so on. Ito ang ilang captured moments nila

Magaling ang mga artista, buhay na buhay ang isinasakatao at nakakahila ang kanilang pinagdadaanan. Ang totoo ng friendship nila na hindi na dedma na kung paano nabuo, pero alam na pinagdikit-dikit na talaga sila ng panahon. The five actors were superb, pero hindi rin nagpakabog ang mga hindi kasali sa Spice is Girls. Ang galing ng multi character na atake nung Israeli, pero ang pinakanatandaan ko, yung pagiging frontliner ni Nona, taking the place of Kayla sa first production ng mga bakla sa big stage. Yung atakeng siya ang ginawang star, pero hindi niya maibigay ang best niya kasi friend niya yung ni-replace  niya at naging back up na niya lang ang mga original members at wala pala siyang rehers, pero kailangang magperform to save her friends and the club dahil may kinalaman dito ang boyps niya. Diba, andaming motivation at consideration.

Mahaba ang kabuuan ng dula, pero mabilis ang kwento. At iyun ang pinakagusto ko. Check na ang cultural differences, nadaanan, ecpected. Then, akala ko, shet, kwento ito ng mga bakla. Acceptance? Nineties another? ibalik ba ang tema ng kilalanin ang mga bading bilang tao? Pero nung tiningnan kong mabuti, parang kaunti na lang iyun, pasundot-sundot na lang kahit alam naman nating mananatiling mahalagang issue ito for life.

Yet more than the baklaan, kung titiingnan ang kwento bilang kwento ng mga tao, kwento ito ng pushing what they have and want. Hindi sila mananatiling Care Givers lang, magiging performers sila dahil iyun ang hanap ng katawan nila, other than sex of course. Hindi sila mag-stay sa maliit na bar. Go sila sa Tel A Viv! Laban na kung laban. And of course, will give everything for their dream, kahit pa life, kung para naman sa love. Ganyan.

Iyun, Baklaan naman talaga ito another, pero nai-push naman ng palabas ang sangkabaklaan further.

At iyun, dahil maganda ang prod design as i mentioned, magbigay pugay sa mga gumawa. Costume designer: John Abul. Lighting designer: Jon Jon Villareal. Set designer: Leo Abaya. Choreography: Carlon Matobato.

Melvin Lee, Vincent De Jesus, Phil Noble, Buddy Caramat, Dudz Teraña, Jason Barcial, Eric dela Cruz, Paul Holme, Ricci Chan, Jerald Napoles, Myke Salomon, Angeli Bayani, Miguel Hidalgo and PETA President Cecilia Garrucho (pero sinauna pa yata ito).

Director: Maribel Legarda