Tag Archives: pictures

Marikina: Window Treatment

Firewall
Noon, noon-noon, mas noon-noon
ICAC
Isang bahay na bato na naging bahay Ukay matapos ang bagyo

 

 

 

Advertisements

Marikina River July 3, 2012

Ito na ang Marikina Rivier ngayong maulan ng Tuesday, in reference sa aming bahay dito sa Nangka, Marikina.

A close up view. within the 70 meters from the river
90 meters away from the river. Mga kaunti na lang bahay na namin.

Dahil mukhang hindi titigil ang ulan anytime soon. At sabi sa balita ay sa Thursday pa magsasawa ang LPA sa paglaglag ng precipitation. Doon muna sina Mama Hasmin at Euan kina Kuya Gab. So there. Decisions. Decisions.

Para malaman ang updates sa taas ng ilog, visit this, Marikina River Water Level. At ayon dito, ito na ang level ng ilog Marikina as of the moment of publishing.

Nangka River Water Level. In relation to the sea level.

My Old Sketches (Personal Inspirations)

de stijl study which i painted on the wall
“Cruise My Heart 2.” Dati, nung marami akong time, para ma-imagine ko ang characters ng mga play na sinusulat ko, e nido-drawing ko muna sila. At ito yung dalawang cast dapat.
“College” Abet back then. A homage to the post before this. Self Portait ko. Hehehehe! Tanda ng aking kalungkutan.
“Sabit” unfinished work. kinatamaran na. kukulayan ko sana gamit ang photoshop, yun pala ang alam kong gamitin. Kaso, nawalan ng photoshop ang laptop.

Nostalgic Night

Some ten years ago

Parang mali na nakita ko ang picture na ito sa facebook page ko. Noong una ay na-excite ako. Ganito nga pala ang itsura ko dati. Pero iyun. Ganito nga pala ang itsura ko dati. And everything changes. All the happy emotions were suddenly gone. Gone like the person i was looking at. Hindi na kasi ako iyan. At nakakalungkot.

At gusto ko ito.

Finally, may mystery pa pala ako sa sarili ko.

At hindi na ulit ako malungkot.

The First Visits after the Last Visit

(Mga Unang Dalaw Matapos ang Huling Dalaw)

U2 is five months now. And that is according to this, his first pictures care of the sonogram.

U2’s Ultrasound Pic #1
U2’s Ultrasound Pic #2

Ito yung mga pangga-panggapang pictures na kunwari naiintindihan mo yung sinasabi ng OB-Gyne. Yung tipong turo lang nang turo si doc pero parang dos program noong unang panahon ang tumatakbo sa utak ko. Though at times e nakukuha ko naman tula dnung sinasabing ito heart beat ng baby, which is malakas naman talaga at palaban. Medyo second visit ito naganap dahil hindi pinayagang itngnan si Mama Hush hangga’t hindi alam ang kalagayan ng IUD dahil kailangan itong tanggalin as early as the bird that catches the worm.

Maliit pa ang tummy ni Mama Hush dito. Parang “kaka-baby fat” lang (fat matapos maglabas ng baby)

So iyun. Punta tayo sa first day. Lunes kasi iyun, at ang plano namin ay daan muna sa OB at paalam sa aming doctor na gagamitin muli namin ang kanyang serbisyo. From the St Matthews Hospital kung saan ipinanganak si Euan, we opted to go sa original plan namin, sa St Vincent Hospital. Nakalimutan kasi namin na hindi sa Marikina ang St Matthews. Iyun tuloy, hindi ganap na Marikenyo si Euan. As for U2, sisiguraduhin na naming dito siya sa Marikina ipapanganak. And to do that, these were what we wore.

jacket kahit mainet for edginess. (inspired by Aaron Did Fashion)
Ang klinika ni Doctora
Fire Alarm
Iyun, kahihintay, puro picture na muna. Thus, the pictures prior to this.

Medyo matagal din ang paghihintay namin ng turn namin. Kahit mga 10:00 kami dumating ay may mga nauna na sa amin. Swerte pa kami dahil Lunes ito. Huwag nang subukan ang weekend dahil medyo two hours ang paghihintay. At nauwi rin kami sa isa pang paghihintay. Binigyan nga lang kami ng schedule para sa Ultrasound. Para malaman ang kalagayan ng baby at ng IUD.

Pasok na kami sa work.

“Ding, ang bato”

The next week, we were done with the sonogram kaya balik na kami kay Doc. As usual, marami pa rin kaya hintay-hintay muna. Meron namang vendo machine para malibang kami. At iyun, kape-kape muna. Hanggang sa makita na ni Doc ang results. Iyun, nadislocate daw ang IUD. Kailangan tanggalin na. At masyado daw makapangyarihan ang mga alaga ko at napenetrate kahit may bara. Pero the culprit, other than me, e yung konsepto na hindi kami nakapag-pa check up after ilagay ang ang IUD. To have a high rate of efficiency, there should be a monthly check up of the IUD. na hindi namin ginawa for more than three years. So medyo pinagpala pa rin kami ni God at hindi ibinigay si U2 earlier. At least mas handa kami ngayon.

Pero iyun nga, para matuloy si U2, kailangang tanggalin ang IUD, and this is how it looks like.

Though nahahaching lang talaga si Hasmin niyan habang tinitingnan kung maganda ang pagkakapinutra ng kisame

Hopefully, maging chronological na ang mga tala ko dito tungkol sa pagbubuntis ni Mama Hush hanggang sa paglabas ni U2 at hindi jumpy na pabalik-balik sa nakaraang pangyayari. At tulad ng pagpapakasal namin ni Hasmin, ta-try ko ring panindigan ang blogging na ito.