Tag Archives: playtime

My Old Sketches (Personal Inspirations)

de stijl study which i painted on the wall
“Cruise My Heart 2.” Dati, nung marami akong time, para ma-imagine ko ang characters ng mga play na sinusulat ko, e nido-drawing ko muna sila. At ito yung dalawang cast dapat.
“College” Abet back then. A homage to the post before this. Self Portait ko. Hehehehe! Tanda ng aking kalungkutan.
“Sabit” unfinished work. kinatamaran na. kukulayan ko sana gamit ang photoshop, yun pala ang alam kong gamitin. Kaso, nawalan ng photoshop ang laptop.
Advertisements

A Directorial Debut

Anlakas makataas sa sarili nung Directorial Debut. Parang sertipikado. Pero iyun naman. Hindi naman talaga ito ang unang panahon kong mag-direk para maging debut. Para saan pa’t naging part ako ng isa theater org kung hindi ako naging director. Pero ang pagke-claim naman ng mga bagay-bagay ay personal choice. At ang opinyon ng ibang tao ukol doon ay ibang bagay pa.

Tulad nung first time ko magdirek, e medyo masaya ako at nag enjoy naman ang ga nakatrabaho ko. That was Ang Pinakamakisig sa mga Nalunod sa Buong Daigdig of that sort ang title, parang adaptation ni Teresa Lorena Joson  ng Nobela ni Grabriel Garcia Marquez na sumulat din ng isa sa pinaka haunting na book for me, 100 Days of Solitude. Iyun Hanggang doon lang iyun, masaya ako at masaya ang cast ko. Pero kung masaya ang mga nanood, parang hindi hindi ko alam, or more of parang hindi.

Pero iyun naman ang una. Nung mga sumunod naman parang mga naging masaya na. Ilang plays din iyun.

Pero ngayon, bilang debut, hindi na isang dula ang na-direct ko. Proud ako na kahit isang Webshow lang ito, isang Vlog ng isang dear friend, e talaga namang hindi lang kaming tatlong gumawa ang nag-enjoy kundi pati na rin ang target audience. Marvin has his own blog na patok na patok naman sa mga kliyente at target market. At para sa kanyang 1st month sa ere or WWW, e nagsimula na siyang mag Video Blog. Maganda rin at napili niya ang www.cge.tv bilang host ng kanyang mga videos. Mahirap naman kasing sumikat with Youtube dahil maraming competition, pero with CGE.TV, andaling maging star.

At iyun na nga, ang aking directorial debut na may kasamang camera, eto na.

or click the pic. enjoy.

Marvin Salazar is Madma

You can alaso see the video on Madma’s website http://madmacarta.wordpress.com/

Actually, sinubukan ko lang ito, dahil sabi sa akin ng admin ng CGE TV ay pwede na raw mag embed ng videos from cgetv. Parang hindi pa pwede. Parang may nagsinungaling sa certain part ng communication. ANyways, siguro next week, susubukan ko ulit. At ibig sabihin, mayroon na naman akong project na ipapapalabas.

Daddy Vacay: Playa de Caleta, Bataan

Parang hindi ako papayag na this year, hindi ako lalabas ng Luzon, dahil last year, parang ganun ang nagyari sa akin. Walang ganap. Lumipas din ang Semana Santa na nasa bahay lang kami. Though may Baguio getaway na pala kami ni Missus, pero malamig iyun. Ang gusto ko ay beach.

Sayang nga lang, at lumalaki ang tummy ni Mama Hush, at medyo bawal na siya matagtag. We were supposed to go together. Kaya lang, for the safety of U2, stay at home muna siya. Naging maunawain naman siya at ako na muna ang lumabas ng bansa. Hence Bataan.

And the diary starts here,

Nagkita-kita kami ng mga UP Rep friends sa Genesis sa Cubao para sumakay ng Biyaheng Balanga, Bataan. Alas kwatro y medya nang madaling araw kami nakasakay at after roughly two hours, nakarating na kami sa Bagac Terminal. Kain muna kami sa Jollibee while waiting for Kuya Kel, ang aming tour guide. Doon na sa bayan na iyun kami sinundo ng coaster.

the coaster ride with Barrack, the Dachshund
Ang mahalagang Krus, Dambana ng Kagitingan in Mt Samat. Syempre hindi yang poste ng kuryente but the one on top of the boondocks.

Dinala kami ng maliit na bus sa unang beach kung saan kami susunduin ng bangka patungo sa cove na paglalandian namin. Parang casting lang ng horror film ang atake namin, at may mga mamang mangangahoy na magsasabi anytime na “kung ako sa inyo, hindi na ako tutuloy.”

MEdyo ganito ang peg ng mga banka, though hindi ito yung sinakyan namin. Isa lang kasi ang bangka for the 17 of us, kaya hinati na lang sa dalawang biyahe.
And the beach cove, the Playa de Caleta, Kung saan kami magpapalipas ng weekend

Wala namang ganap. Mabato ang beach, pero masarap languyan. May mga balitang marumi ang tubig pero hindi naan halata. At ang highlight ng punta namin doon ay ang trekking na pinangunahan ni Kuya Babe.

nung sinabi kong mabato, hindi ako nagbibiro, Umpisa pa lang ito. Makikinis pa ang mga bato.
Ang mga batong hindi makikinis. Pero to get here, kailangan pang dumaan sa wall climbing na hindi ko nakuhaan dahil nagwa-wall climbing ako. Ang option kasi ay maligo sa dagat ng basura.
Pero may mga Starfish naman on the way na nakakawala ng pagod. Or hindi rin.
And the island we were to conquer. Or conquered na rin. Naihian na namin ito e.
Ang unang side ng isla. Malakas ang alon at malakas maka ANTM Photoshoot
Hence
moving forward
magsisimula na ang mga lagoons na pwedeng paliguan, at gawing tub. Kaya lang, may naghihintay na mga Sea Urchins? Sinong Urchins? Sea urchins.
And this one is from another pool, at barkada ang mga sea urchins na nagpa-plano kung paano manunusok ng paa. “Pare, me mga tanga, tera, magpanggap tayong imbisibol para matapakan nila tayo.” Ganyang level.
Then some more rough rocky terrains
yung tipong terrain na nakamamatay.
na may magagandang formation din na nakawawala ng pagod… or hindi rin. pagod din talaga
there you go. Lets go geology majors
i can see a peacock
another lagoon, ang ganda nito.
Blending in. Kakulay ko na ang paligid
walking on barnacles
This is a bitag. May sea urchin ulit s ailaim kasama ng mga isdang naabutan ng lowtide.
give up na rin ako sa kapi-picture. kaya medyo pabalik na ako nung makabawi ng strength to click the camera. Iyan, pabalik na sa wall climbing, dahil kung saan kami nanggaling, same track pabalik.
waiting for us was a sumptuous meal. Pero hindi ito yun. Ito na ang breakfast namin. Tipid tipid din kasi ng battery. Walang kuryente sa island. So this is our breakfast the next morning.
Mga Pulang Perlas.
But this was not without a rule. Sa lahat naman ng lugar, may paalala. Kaya ito naman. Huwag daw magtapon ng fetus sa bowl, nagbabara. Pero huwag naman nating i judge na against sila sa pagtatapon ng fetus, pwede naman daw sa basurahan. Ayaw lang nilang nagbabara ang inodoro.
At pahinga na rin. Bago kami nito umalis. At dahil ni-picture-an mo ako…
pi-picture-an din kita. thanks jeff!
ayan, kung maiwan man ako dito mag-isa, mabubuhay ako dahil nandito at nagkalat ang mga trees of life. na alam naman nating tinatawag na Buko. Wala nga lang booking.

But this trip didn’t come without a price. siguro naka two thousand ako all in all. 1,300 para sa services sa food sa beach sa pag-aalaga nina Kuya Kel, then 200 sa pamasahe sa bus, at 330 para sa coaster at boat ride.

Other than that, may mga pisikal na kabayaran din. Dahil nga batu-bato ang beach na nakakatusok, hence.

sugat #1: sa ilalim ng paa
sugat #2: sa ibabaw ng paa

Pero sulit naman ang pera at mga sakit na dinanas. Masaya naman kaming umuwi. To prove, ito ang ginawa namin music video.

At bago iyun. Class picture muna.

class picture syempre
And after that, goodbye for now muna Island

At bago ang lahat nga pala. The next day pagkagising ko sa bahay na. May kabayaran pang humabol.

attack of the pimples sa face. Madumi nga ang tubig sa Bataan. Argh. Dagat ng Basura.

 

It was more than a month ago when some kids from TaBaK-Baguio (Tanghalang Bayan ng Kabataan sa Baguio) asked for my script of Hello Philippines. Na-excite naman ako na may mga nagkainterest pang muling isadula itong isa sa mga pinakamamahal kong naisulat na dula, (musical pa, pero sa ganoong aspeto, jam-jam lang tayo). Nakatutuwa rin ang kanilang mga publicity material na tuwing nakikita ko sa facebook ay hindi ko mapigilang hindi i-share sa mga daibigan kong dating gumanap sa Hello Philippines. ito ang ilan.

“Hello Philippines” will run from February 29 to March 2 all at 7pm at the CSS AVR, (I have no idea kung saang CSS AVR ito pero go lang). Taking the characters of Berna Elsa Anton Toni Brichi Tiffany are Steph Habla, Plarlene Valentos, Jayvee Nasol, Melissa Campos, Gio Potes and Janry Puyo respectively. Vicky will be played by Tabitha Magistrado.

Pero para mas maraming kaalaman ukol sa dulang ito, some trivia muna tayo.

Ang “Hello Philippines!” ay unang inihandog ng The UP Repertory Company Alumni Association and the UP Repertory Company presents noong  2009. At noong hinigan sila ng synopsis para sa marketing ng dula, ito ang kanilang sinabi,

Hello Philippines, a one act musical, is a humorous take on call center culture. Team leader Tiffany tells five agents from his team that one of them is going to get axed. The twist, however, is that he will leave that decision to the five agents. So now, it’s up to ex-tibak Anton, clueless rich girl Berni, the slutty Toni, the probinsyanong Brichi, and the overly religious Elsa to do whatever it takes to keep their jobs. Whatever it takes.

Hello Philippines is viciously funny and holds nothing sacred as it skewers the “call center lifestyle”, a life cycle born out of fast money and desperation, shifting body clocks, and too much coffee, beer, and cigarettes. It attempts to put into perspective all the sacrifices one makes to stay in such an environment, albeit in an entertaining manner.

Mula ito sa kanilang Multiply Site, noong uso pa ang Multiply.

Para sa mga taga TaBaK-Baguio enjoy the play and break a leg!

Sa mga hindi naman, guys nood tayo! Anu ba naman yung isang sakay lang naman yung venue.

(Siya Nga Pala, manonood kami ni Hasmin sa March 2)