Tag Archives: current events

On RH Bill

Advertisements

An Icy Sweet, Creamy Hypocrisy

Huwag sanang isipin na hindi ko gusto ang Magnum Ice Cream. It offers Magnum pleasure. Wow, todong-todo na kung sasabayan ng Magnum Condom, pero huwag tayong pumunta doon. Hindi pa ako nakakatikim ng nitong bagong produktong ito. Kaya naman masasabi kong hindi ko pa siya hindi gusto. I am yet to tell anything about the  lasa or the ligayang idudulot nito. Nandoon lang ako sa promotion na naganap kailan lang kung kailan ang mga kinikilalang kulturati ng sangkamasahan ay nagbigay pugay.

magnum culturatti: Raymond Gutierrez, Liz Uy, Solenn Heusaff, Tessa Valdes and Erwan Heusaff from this site

Na isang bagay rin na hindi masama. Numpake ko or kung sinoman na sabihing huwag silang pumunta sa event na iyun. Ikinabuti naman iyung buhay nila, i mean instant cash naman ang kapalit ng presence nila. That’s advertising baby, as far as i know. hindi ko alam kung gaano ka far, baka nga near. Sila ang class, sosyal, mayaman, cool, artista at kumakain sila ng Magnum Ice Cream. Ang mga consumer na gustong magmukhang class, sosyal, mayaman, artista ay kakain din nito. Bang, bebenta na ang produkto. (Yeah, ang near nga lang ng kaalaman ko sa advertising) At with this guest list sa event, aba’y makikipagsabayan sa gasolina ang presyo.

The Magnum Global Index, kung hindi pa ninyo nabasa sa left side ng picture. reiterate lang.

Okay lang ang lahat ng iyun. Pero sana maipaliwanag ito sa mga subjects tulad ng History, HeKaSi, Filipino, Sibika at Kultura, GMRC, Values Education at iba pang aralin sa Primary at secondary education, kung saan ini-inculcate sa mga mag-aaral ang issue ng colonial mentality.

Naalala ko kasi noong elementary na sinasabing namamatay ang industriya ng Pilipinas kasabay nang pagkahilig ng mga Pilipino sa mga banyagang produkto. Kaya naman nauso ang mga katagang “tangkilikin ang sariling atin.” Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay tinuturo pa rin ang values na ito. Na sana ay oo.

At sana rin, kasabay ng pagtuturo nito ay ang paglalahad kung bakit nga ba nagugustuhan ng mga Pilipino ang mga banyagang gawa. Hindi kasi sapat na sabihan lang ang ga bata nang mga bagay na masasama. Dapat din ay malaman din nila ang dahilan kung bakit napupunta doon ang desisyon ng mga nagiging masama. Oh my, parang dinidikit ko ang konsepto ng Magnum sa kasamaan, pero hindi po ganun. Sinasabi ko lang na mahirap tangkilikin ang gawang Pilipinas kung may mga foreign brands na kumakalaban sa mga local products. Lalo pa kung ang foreign brands ang sinasabi ng mga sikat na dapat bilhin, bayad man sila o hindi.

Hypocrisy maybe a strong word. Well, mas attention grabbing naman talaga ang mga strong words kaya dapat ginagamit na title. Pero sa tingin ko, it is appropriate to use sa naganap na over the top welcome ng Pilipinas sa Magnum Ice Cream. And when i say Pilipinas, yung mga Pilipinong nagco-control ng media at pinapalabas ng media as Pilipinas.

Hypocrisy dahil habang ipinapayakap sa atin ang Filipino Pride with Pac-Quiao and Charice and Jessica Sanchez, e eto naman at ipinapasakop tayo sa isang foreign ice cream.

It’s National Book Week. The rules: Grab the closest book to you. Go to page 56. Copy the 5th sentence as your status. Don’t mention the book.

And here’s what i got.

“Not every woman does, more’s the pity.”

Ang deep. Mahihiya ang balon sa kalaliman, Para hindi sa libro ni Linda Goodman galing. Well, it is from Linda Goodman’s Sun Signs. How to really know your husband, wife, lover, child, boss, employee, yourself through astrology. O, hindi lang malalim, mataas pa, abot sa mga stars.

"Not every woman does, more's the pity."

But what is this Facebook fad saying that we are now celebrating a National Book Week. Ano nga ba itong National Book Week na ito. Dedma na kung bakit page 56 at sentence no. 5, Ano na nga lang ba ang National Book Week? Sabi sa WikiPilipinas, “National Book Week is a celebration organized by the Philippine Library Association, intended to encourage reading and literacy among Filipinos and to promote public libraries in the Philippines.”

In 1934, Governor General Frank Murphy designated June 18 to 24 of every year as National Book Week. Bakit? “…to sell the public library to the community by focusing the attention of the people on its resources and the extent and nature of its services.” However, in 1936, President Manuel L. Quezon of the Philippine Senate, changed the week long celebration to November 24-30.

Diba August ngayon? Are we supposed to celebrate Linggo ng Wika, instead of the National Book Week? And Why start the week on a Saturday? Baka naman sa ibang bansa ang event? Niweis, inalam ko lang. Hindi ako KJ. Nakiparticipate nga ako, at the very least. Malay mo, ito na ang next Christmas, like make everyday a Christmas Day, What about make every week a National Book Week.

South Korea naman ang na-“Ondoy”

Hindi ito ikatutuwa ni Missus na avid fanatic ng K-Pop. At mukhang walang sinuman din ang talaga namang matutuwa. Parang DeJAvu ng Ondoy ang nangyari this Wednesday. Nalubog sa putik at baha ang capital ng South Korea. No country is safe with the changing climates and unnaturally worsening natural disasters.

Though unlike Ondoy in Marikina na isang bonggang buhos lang then fly na ang rain then, humupa, tuluy-tuloy pa rin ang pag ulan sa South Korea. Ang Ondoy ay may 392 millimeters of rainfall in 6hours, katumbas ng average ng isang buwang ulan, breaking the records (pinakamalakas na ulan sa bansa in a day, which was 334mm noong 1967). Ang SKorea ay nakakaranas ng 340-440 millimeters in the two days that passed. ito ay bongga ng 15times sa average two day rainfall sa ganitong season sa kanila. More than this, inaasahan pa ang around 254 millimeters of rain hanggang friday.

May mga casualties na rin.

Pero itulad na natins a Ondoy, sa mas mayamang aspeto lang. Go lang din nang go ang mga Koreans sa pagpo-post ng kanilang mga scoops at pictures gamit ang mga cams and phones nila. At ito ang ilan.

lubog na rin ang mga kotse sa Seoul. July 27, 2011
nagkaroon na rin ng mga landslides
May mga helicopters na rin sa kanila for rescue
Parang mas magaganda yung cars na na-damage sa kanila.
MAtapos ang landslides, nag iwan din ng makapal na putik ang event
pati main road nila, naging road ng baha
Ayun o, may mga tao ring naipit sa kalsada. (parang si Mike Enriquez lang ang nagbabalita)
i remember a photoshopped image of GMA surfing through the waters of Ondoy